Chapter 50: Teddy Bear, A Gift

31 1 0
                                    

~Author's POV~

"Maaari ba akong tumabi sa magandang binibining nasa harap ko?" napalingon si Dara sa nagsalita. Kasalukuyan siyang nasa rooftop ng College of Business Administration. Doon siya dumiretso pagkatapos ng klase nila. Nagsabi siya kay Dina na doon na lamang siya kakain ng tanghalian dahil may baon siya. 

Si Yves ang kaniyang nalingunan. Nakangiti ito sa kaniya.

"Paano mo nalamang nandito ako?" tanong niya dito. Nanatili lamang itong nakatayo doon at nakangiti habang siya naman ay nakatingala dito at nakaupo.

"Kay ma'am Dina. So, pwede ko bang samahan ang magandang binibini sa kaniyang pagiisa?" tanong nitong muli.

Napangiti siya at ibinaling ang atensyon sa mga estudyanteng naglalakad sa baba. "Makata ka pala? Paano kapag sinabi kong, hindi pwede? Aalis ka-" natigil siya nang maupo na ito sa kaniyang tabi at inilapag ang dala nito sa tabi nito.

"Nakaupo na ako eh. Ayoko nang tumayo" anito na nakangiti. Natatawang napailing na lamang siya. "Kumain ka na ba?" tanong nito sa kaniya.

"Hindi pa. Tinatamad pa ako."

"Bakit naman?"

"Ewan. Sa tingin ko, naghihintay lang ng kasamang kumain."

"So, kapag wala ka palang kasama, hindi ka kakain?"

"Siguro."

"Eh nandito na ako, tara kain na tayo. May dala ako para sayo" anito na inangat ang isang lalagyan. "Leche flan..."

Napangiti siya na parang bata at kinuha ang kaniyang baunan upang magsimula nang kumain. Tahimik lamang silang kumain at tumitingin sa mga estudyante sa baba. Hindi mainit sa pwesto nila dahil ang bahaging iyon ay nahaharangan mula sa sikat ng araw.

Nang matapos nang kainin ni Dara ang kaniyang baon ay sinimulan na niyang kainin ang leche flan...

"Girlfriend?"

Napatingin siya kay Yves. "Hmmm?"

"Na-miss kita" anito sa seryosong tono, ganoon din ang ekspresyon ng mukha nito. Nanatili lamang sa kaniyang bibig ang kutsarang kanina lamang ay may leche flan. Subosubo lamang niya iyon habang nakatingin dito.  "Sorry..."

Dahan-dahan niyang ibinaba ang lalagyan at ang kaniyang kutsara sa kaniyang tabi bago muling hinarap si Yves. Niyakap niya ito at ganoon din ang ginawa nito. Umurong siya nang kaunti papalapit dito.

"Okay ka na?" tanong niya dito.

Tumango naman ito bilang tugon. "Sorry kahapon. Hindi na mauulit 'yon" anito sa kaniya.

Napatangon din siya. "Ayoko nang maulit 'yon" aniya dito. Nanatili lamang silang magkayakap ng ilang minuto bago siya humiwalay dito at hinawakan ang mukha nito. "Natulog ka ba boyfriend?" tanong niya dito.

"Medyo lang po..."

"Dapat matutulog ka nang maayos. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Baka magkasakit ka."

"Opo" tugon nito. Napangiti siya na parang bata at hinawakan ang kamay nito. 

"Yung kahapon, kalimutan na natin iyon ha? Kahit hindi ko talaga alam kung ano ba ang nangyari, kalimutan na natin iyon. Ayoko nang maulit iyon."

"Opo...Girlfriend, may tanong lang ako..."

"Yes boyfriend?"

"Totoo ba yung sinabi niya? Na alam mo kung saan ang condo niya?" tinignan niya ito ng mataman bago tumango.

"Iyan ba ang gumugulo sa isipan mo?" dahan-dahan itong tumango. "Huwag mo nang isipin 'yon, okay? Ano naman ngayon kung alam ko, hindi ba? Tutal, best friend ko naman siya" tugon niya dito. Tumango ito at muli siyang niyakap.

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon