Chapter 49: Always

27 1 0
                                    

~Author's POV~

"Dara, okay lang talaga na umuwi kang mag-isa? Ayaw mong samahan kita?" tanong ni Dina kay Dara.

"Okay lang ako Dina."

"Do you want me to give you a ride home, Dara-chan?" pagpepresenta naman ni Takenaga. Simula sa nang umalis sila sa gym ay kasama na nila ito at hindi sila iniwan man lamang. Tahimik lamang itong nakasunod sa kanila. 

"Okay lang ako Takenaga. Si Dina na lang ang ihatid mo pauwi."

"Naku, okay lang ako Dara. Kaya ko ang sarili ko. Kaysa ihatid ako nitong hapon na 'to pauwi" tanggi naman ni Dina. Kahit papaano ay natawa siya dito. Kahit kasi simpleng mga hirit ay inaaway nito si Takenaga. Wala namang komento ang lalaki at tila hinahayaan lamang ito sa kung ano man ang gusto nitong sabihin. Hindi ito tinatablan. 

"Tignan mo? Kung kaya mong umuwi mag-isa, syempre ako din. Okay lang ako, huwag kayong mag-alala." Ngumiti siya upang ipakitang okay lang siya, kahit alam niyang medyo namumugto ang kaniyang mga mata mula sa pag-iyak kanina.

Nag-ring ang cellphone ni Takenaga. Nag-excuse ito sa kanila at sinagot iyon. Nang makalayo na ito ay niyakap siya ni Dina.

"Friendship, wish ko lang na matulungan kita diyan sa problem mo" anito sa kaniya sa mahinang boses. Napangiti siya sa sinabi nitong iyon.

"Okay lang ako Dina. Bukas, okay na din ang lahat, huwag kang mag-alala."

"Nakakainis naman kasi yung Kenji na yun! Ano bang problema niya ha? Ayan tuloy! Pati kayo ni Yves, nagka-problema. Pauso niya ah. Share share?"

"Hindi ko din alam Dina. Hindi ko din alam" pabulong na tugon niya. Yumakap ito ng mas mahigpit pa sa kaniya.

Lumayo sa kaniya si Dina nang bahagya nang bumalik na si Takenaga.

"Si Maka-chan..."

"Anong sabi niya? Nasaan daw siya?"

"Chris won't be able to pick her up. Hindi naman daw niya makita si Kenji-kun kaya tumawag siya para magpahatid pauwi. Are you sure, you'll be okay Dara-chan?"

"Okay lang. Isabay mo na si Dina palabas, please. Kaya ko na simula dito" aniya na ngumiti sa mga ito. Upang hindi na makahirit pa si Dina ay tinalikuran na niya ang mga ito at nagsimula nang maglakad.

"Dara! Tawagan mo ako ah!" pahabol na sigaw ni Dina. Hindi siya humarap kundi itinaas na lamang ang kanang kamay at nag-'okay' sign habang patuloy sa paglalakad. 

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa naka-labas na siya sa campus at sa kung saang hindi niya alam. Basta tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad habang tuloy-tuloy din ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

Hindi mawaglit sa isipan niya ang ekspresyon ng mukha ni Yves kanina nang tumalikod ito, nang humarap ito sa kaniya upang sabihin na okay na ito kinabukasan, na nagsumamong huwag siyang umiyak, bago naglakad papalayo. Kahit alam niyang ito ang may malalim na iniisip, inisip pa rin siya nito, na huwag siyang umiyak. Siya pa din ang inisip nito. 

"Strong naman ako Yves eh. Ang hirap lang na makita yung ekspresyon ng mukha mo kanina tapos sasabihin mong huwag akong umiyak. Paanong hindi ako iiyak eh nasasaktan ka tapos hindi ko pa alam kung ano? Na ayaw mo man lang sabihin sa akin kung bakit? Girlfriend mo ako di ba?" aniya na kinakausap ang kawalan.

Natagpuan na lamang niya ang sarili sa isang pamilyar na parke, sa parke kung saan niya nakita si Gerald at ang mga kambal. Pumasok siya doon at naupo sa swing. Napayuko siya.

"Bakit ba sa tuwing naiyak ako, dito ako napupunta? Nakakatawa naman" aniya habang mahinang idinuduyan ang sarili. Pinunasan na din niya ang kaniyang mga luha gamit ang kaniyang mga kamay. 

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon