Chapter 42: Confession: Of Denials and Demands

30 1 0
                                    

~Author's POV~

"Anong ginagawa mo dito?" nagulat si Dara nang biglang tumabi sa kaniya si Yves. Kasalukuyan kasi siyang nasa garden na madalas niyang pinupuntahan sa tuwing gusto niyang mapagisa.

"Wala lang." sagot niya dito.

"Sa tingin ko, hindi wala lang ang sagot kung bakit ka nandito. May problem ka?" tanong nito sa kaniya. Hindi agad siya nagsalita at pumitas ng isang bulaklak doon kahit bawal iyon.

"Mind reader ka pala" biro niya dito. Bahagya naman itong natawa.

"Hindi naman. Halata lang na may iniisip ka."

"Pumapangit na ba ako?"

Muli itong tumawa. "Kung yan ang pinorpoblema mo, huwag kang magalala. Maganda ka, hindi na yun mababago. Pero sa tingin ko, hindi lang iyon ang problema mo.May mas malalim ka pang iniisip bukod dun."

"Tama ka" pagsang-ayon niya dito. Inilagay niya sa may ibabaw ng tainga nito ang bulaklak na pinitas niya. Bahagya naman itong natawa.

"Anong ginagawa mo?"

"Mag-kwento ka naman, Yves."

"Tungkol saan naman ang gustong marinig ng girlfriend ko?"

"Kahit ano. Ikaw bahala."

"Hmmm. Sige, ike-kwento ko na lang sa girlfriend ko kung paano ako na-in love sa kaniya" bahagya namang natawa si Dara at nang matapos na siya ay nagsimula na sa pagke-kwento si Yves.

"Una ko siyang nakausap noong nagpunta siya sa room, third year yun. Nagtanong siya kung sino ang class president namin noon. Ako yung nakausap niya, sinabi ko naman na wala noon ang president namin, nasa meeting. Ngumiti siya at may inabot sa akin na sabi niya ay ibigay ko na lang sa president namin. Hindi ko agad nakuha yung pinapabigay niya kasi natulala ako sa ngiti niya. Natauhan lang ako nang si Rick na ang kumuha niyon. Muling ngumiti ang girlfriend ko noon at sabi niya, thank you. Parang pang angel yung boses niya. Noon pa lang, gusto ko na siya. Sabi nga nila, hindi por que may girlfriend or boyfriend ka na, hindi imposibleng magkagusto ka sa iba. At iyon nga ang nangyari sa akin..."

Hindi por que may girlfriend or boyfriend ka na, hindi imposibleng magkagusto ka sa iba. May gusto kaya ako kay Kenji?

"...Pero sabi ko, may girlfriend na ako noon, ayokong maging unfair sa kaniya. Pero noong nag-fourth year na ako, mas naging malapit ako kay Ms. Perez lalo pa at nang mas lalo ko siyang makilala at mas matagal na nakausap. Mas nagustuhan ko siya to the point na napansin na iyon ni Christelle. Hindi ko nga alam kung bakit hindi iyon napansin ni Ms. Perez eh..." tumingin si Yves kay Dara habang ang isip naman ni Dara ay napunta sa ibang lugar. "Sa huli, naging girlfriend ko din yung babaeng nagustuhan ko, na sa huli, minahal ko din. Sabi nga ng isa kong kaibigan, kung mahal ko yung una, bakit pa ako magmamahal ng pangalawa? Kaya naman, mas mahal ko talaga yung pangalawa kaya para hindi ko na mas masaktan pa si Christelle, nakipaghiwalay na ako sa kaniya..."

"Sorry..."

"Ha?"

"Ang ibig kong sabihin, ang bata pa ni Christelle."

"Siguro nga. Magkaibigan pa rin naman kami ngayon."

"Buti na lang."

Kung mahal mo yung una, hindi ka na magmamahal ng pangalawa. "Yves, paano mo nasabing mahal mo ako?"

"Hmmm. Basta naramdaman ko na lang. Kapag hindi kita nakikita, hinahanap-hanap kita. Mas sanay akong kausap ka. Parang wala akong problema. Kapag may problema ka, gusto ko nandoon ako sa tabi mo para ako yung masasandalan mo, mahihingan mo ng tulong. Hindi ko ma-explain."

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon