Chapter 32: The School's New Heartthrob 2

32 0 0
                                    

~Dara's POV~

Napatingin ako sa nagsalita habang tinutulungan niya ako sa pagtayo. Pinagpagan ko ang uniform ko at tinulungan niya naman ako.

"Okay ka lang ba?" tanong niya ulit sa akin. "Ano bang nangyari?" Punong-puno ng pagaalala ang kaniyang boses. Eto ang ayoko eh! Yung naririnig siyang ganiyan. Nakakaloka kasi sila ate eh. Drag me to hell ang peg!

"Okay lang ako" sagot ko sa kaniya.

"Ano...kuya pogi, sorry ah? Hinihila kasi namin siya kanina para makita si Kuya Archi eh. Sorry talaga" hingin paumanhin ni ate na humila sa akin kanina.

Huminga ito ng malalim bago ito tumingin sa babae. "Ate, sa susunod po huwag niyo na siyang idamay ah? Para hindi na 'to maulit" bilin nito sa babae. Seryoso ang mukha nito.

"Sorry talaga kuya pogi" sabi naman ng isa pang ate.

Tumango na lamang ito at nagsibalikan na ang mga tao sa kanilang kaniya-kaniyang gawain.

"Dara, may galos ka" sambit nito na hawak ang braso ko. Nakakunot na naman ang noo nito.

"Yves, okay lang ako, okay? Bigyan mo na lang ako ng band aid kung hindi, iiyak ako" biro ko dito. Ngunit seryoso pa rin itong tumingin sa akin.

"Ako maglalagay but please, huwag kang iiyak, okay?" 

"Opo. Biro lang naman yun. Nakakunot na naman 'yan noo mo" pahayag ko dito at dumako ang kaliwang kamay ko sa noo niya. Hawak niya kasi ang kanan kong kamay. "Huwag ka nga. Nababawasan ang face factor mo kapag ganiyan eh" sabi ko dito habang tinatanggal ang kunot sa noo nito.

Mayamaya lang ay ngumiti na 'to. "Ang weird talaga. Wala pang limang-minuto, napapangiti mo na ako. May powers ka ba?"

"Wala. Cute lang talaga ako" sagot ko dito at ngumiti na parang bata. Pinisil naman nito ang pisngi ko at natawa.

"Sige na. Cute ka na. Tara na."

"'San tayo pupunta?"

"Sa canteen at kakain. Gutom ka na di ba?"

"Gutom na nga. Libre mo ako ng lunch ah? Wala akong pera eh. Maawa ka sa salat" natawa ito.

"Oo na po. Lilibre na kita. Tara na at nang malagyan ko rin ng bandaid 'yang sugat mo" at dahil hawak pa rin nito ang braso ko, nagpahila na lang ako dito.Hindi na 'to 'Drag me to Hell. Drag me to Heaven' na 'to. Libre lunch ko! Booooyaaaaaah!!!

________________________________________________

~Dara's POV~

"Ayan. Masaya ka na?" sabi ni Yves pagkalagay niya ng bandaid sa braso ko.

"Yey! May bandaid na si booboo" sambit ko na parang bata. Natawa na naman ito. Buti na lang at tumatawa na ulit siya.

"So, saan ka pa pupunta at hindi ka umuuwi? Kanina pa tapos ang klase niyo ah? Hindi mo na nga kasama si Dina. Malamang nakauwi na iyon no?" 

"Oo na. Magsasauli pa ako ng libro sa library eh. Ikaw ba? Wala ka nang klase?"

"Meron nga eh. Mga ala-una" sagot naman nito. Napatingin ako sa relo ko at ala-una na ang sabi doon.

"Ala-una? Hala! Ala-una na! Gorabels na! Male-late ka na."

"Paano ka?"

"Hoy mister. Anong akala mo sa akin? Three years old na bata? Larga na, kaya ko na sarili ko ano ka ba?" kunwari ay namaywang pa ako. Natawa na naman ito.

"Sige na po. Aalis na ako. Ang cute mo talaga" sabi nito na pinisil na naman ang pisngi ko bago umalis. Hindi naman halatang trip niya ang cheeks ko ano?

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon