Chapter 20: The Valentine Confession

68 3 3
                                    

Author's POV

Valentine's Day ng araw na iyon. Marami ang mga booths sa San Dionisio National High School dahil ng araw na iyon ay ipinagdiriwang nila ang Holiday of the Hearts.

Mayroon wedding booth, jail booth, dedication booth, may mga game booths din at isa na doon ang booth ng section Rizal na tinawag nilang "Love Game Booth".

"Uy boys, punta daw kayo sa room at kunin niyo yung mga balloons na nahanginan na doon. Paubos na ang mga lobo natin dito" sabi ni Dara sa mga boys ng kanilang section na nakaupo lamang doon at nagkekwentuhan.

Nagsitayuan naman ang mga ito at sabay-sabay na umalis.

"Ano na ang plano natin Dara?" tanong sa kaniya ni Christine.

"Teka lang" sagot niya dito. 

"Patricia, punta lang muna kami sa room ni Christine ah?" pagpapaalam ko kay Patricia.

"Sama ako Dara beybeh!" sabi naman ni Patrick.

"Patrick beybeh! Mamaya ka na. Samahan mo muna diyan yang kakambal mo. Magdadate muna kami ni Christine" sabi ko dito.

"Paano ako?" natawa na lamang ako dito at umalis na rin kami ni Christine at iniwan itong nagdadrama.

"Ganito ang gagawin natin. Kausapin mo si Pearl na pumunta sa butterfly garden."

"Ano naman sasabihin ko pag nagtanong yun kung bakit?"

"Ikaw na ang bahala. Magdahilan ka. Basta dapat mapapunta mo siya doon. Kailangan nating mapagbati yung dalawa."

"Sila ninu? Ni Gerald?"

"Anong kailangan niyo kay Gerald?" sabi ng isang lalaki na bigla na lamang sumulpot.

"Anak ng-GERALD! Ikaw pala! Ano kasi... ahh..." nauutal na sabi ni Dara. Hindi niya alam kung ano ang idadahilan niya dito.

"Kalimutan mo na lang yun Dara. Pwede ba kita makausap mamaya?"tanong nito.

"Ako? Ah. Sige. Anong oras?" 

"Mamayang hapon. Sa butterfly garden. Hintayin kita doon. Sige. Yun lang. Babye" at umalis na din ito.

"Ang bilis nun ah!" sambit ni Christine.

"Oo nga eh! Narinig mo siya ha? Mamayang hapon. Papuntahin mo din doon si Pearl. Aantayin ko kayo doon. Dapat maunahan niyo si Gerald ha?"

"Sige sige. Ako na ang bahala"

"Operation: Playing Cupid, fight fight!"

Kinahapunan...

"Patricia, una na muna ako ah. May pupuntahan lang ako madali. Pakisabi kay Devi, babalik din ako agad." pagpapaalam ni Dara sa kanilang class president.

"Sige"

Pagkasabi niyon ay umalis na si Dara. Pagdating niya sa butterfly garden ay wala pa doon si Gerald. Wala pa din doon sina Christine kaya nagisip muna siya kung paano nila mako-corner sina Gerald at Pearl.

Nagring ang cellphone ni Dara.

"Uy Dara" sabi ng caller.

"Oh. Hello Kenji. Bakit ka napatawag?"

"Wala. Gusto ko lang manginggit na may date ako ngayong Valentines day."

"Ha-ha. Anong akala mo sa akin, maiinggit? May kadate din kaya ako."

"Weh? Sino naman?"

"Si-"

"Dara?" nanigas si Dara ng marinig niya ang boses na iyon. Patay! Naabutan ako! Patay ka sa akin Kenji! Kainis!

"Mamaya na lang ulit Kenji ah. Magtutuos tayo mamaya. Andito na siya" hindi na nito hinayaan pa na makapagsalita si Kenji at tinapos na ang tawag.

"Ah. Hi Gerald!" sabi niya dito.

"Di na ako magpapaliguy-ligoy pa. Gusto kong sabihin na.." naglabas ito ng isang rosas at itinapat kay Dara. "Gusto kita"

Pagkasabi niyon ay narinig silang pagkabasag ng kung ano. Napalingon sila pareho sa pinagmulan niyon at nagulat sila ng makita nila si Pearl na nakatayo doon. Salamin pala na hawak nito ang nabasag.

"A-ano.. S-sorry" yun lang at tumakbo na paalis doon si Pearl.

Napadako naman ang tingin ni Dara kay Gerald na kasalukuyang nakatingin sa paalis na si Pearl. Mukhang nakikipag-debate ito sa sarili kung susundan pa ang huli o hindi.

"Sundan mo siya" sabi ni Dara dito.

"A-ano? B-baki ko siya susundan? Eh kakasabi ko lang na gusto kita di ba?"

"Naku Gerald! Wag mo nga akong lokohin. Kitang-kita naman na siya pa rin talaga eh. Kaya kung ako sayo, susundan ko na siya bago ka pa mahuli. Sige ka." at nginitian niya ito.

Nakatingin lamang sa kanya si Gerald.

"Ano na?" tanong niya dito.

Ibinigay nito sa kaniya ang rosas at hinawakan ang kamay niya. "Salamat Dara. At, sorry."

"Wag kang magsorry sakin. At magpasalamat ka na lang sa amin pag nahabol mo na si Pearl, okay?"

"Okay. Sige, una na ako sa inyo" at tumakbo na ito paalis.

"Mission complete! Yeah!" nag-high five pa sina Christine at Dara.

Ang memorable naman ng Valentine's Day na to. 

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon