Chapter 25: The Dance To A New

37 0 0
                                    

Author's POV

"Uy Dara, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Jessica na tumabi agad kay Dara pagkadating na pagkadating pa lang niya. 

"Oo nga. Saka, ang ganda mo ngayon ah. Ah! Baka kaya ka na-late!" sabi naman ni Dina na tumabi din sa kanya.

"Ahahaha. Kayo din kaya. May pinuntahan pa kasi ako kaya ako na-late" sabi niya sa mga ito.

"Ganun? Uy! Sabi daw ni Valerie kasama mo si Kenji ba yun? Kanina daw" tanong ni Jessica.

"Oo. Hindi mo ba siya nakita kaninang umaga eh ikaw ang nagsabing dalhan ko siya ng upuan eh" 

"Eh hindi ko naman napansin. Basta pagpasok ni sir, sabi niya, dalhan daw ng upuan yung nasa labas. Hindi ko alam kung bakit ikaw ang pinautusan niya" pagpapaliwanag naman nito.

"Tsk. Yaan mo na nga. Tara, sayaw na lang tayo" nagsitayo na sila at sumama sa mga kaklase nila na nagsasayawan na rin. 

Pabago-bago ang mga kantang pinapatugtog. Party songs, love songs, mga opm din at kahit pang rock. Nang mga oras na iyon ay nagpapatugtog ng mga party songs.

"Dara! Alam mo na ba yung balita tungkol kay Yves?" tanong ni Christelle na halatang sumisigaw dahil sa sobrang lakas ng tugtog na nalabas sa speaker na nandoon.

"Ano yun?" tanong niya.

"Na......" hindi na niya narinig ang sinabi nito dahil nagpalit na ang kanta na may mas malakas na volume kaya sa nauna.

"Hindi kita marinig!" sigaw niya na lang dito at nagpahila na kila Dina.

Nang mapagod ay naupo muna sila.

Kinuha niya ang cellphone niya sa kaniyang bag at nakitang may mga messages doon. Binuksan niya muna ang mga iyon at isa-isang binasa ang mga mensahe. Sa mga kamag-anak at kaibigan niya sa Sorsogon nagmula ang mga mensahe na kanina pang umaga pinadala sa kaniya at ngayon niya lang nakita.

Isa-isa siyang nagsend ng reply sa mga ito. May nabasa rin siyang text mula kay Kenji.

From Kenji:

hir n s condo. enjoy d rest of d nght PRINCESS >:))

Natawa siya sa huling sinabi nito ng maalala kung bakit ganoon ang tawag nito sa kaniya.

"Okay yan. Pasok sa budget." pagbibiro niya na tinanggap ang nakalahad nakamay nito at nagsayaw sila doon.

Tahimik lamang na sinasabayan nila ng sayaw ang kanta, ang ulo ni Dara ay nakapatong sa balikat ni Kenji.

"Alam mo, para kang prinsesa" bulong nito sa kaniyang tainga.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Para kang si Cinderella. At ako ang iyong fairy Godmother" sagot nito na sinundan ng tawa. Natawa na rin siya sa sinabi nitong iyon.

"Hindi ko maimagine na ang isang Kenji Motoishi, may magic wand na hawak at nakasuot ng damit na katulad ng kay fairy Godmother. At lalung-lalo nang hindi ko maimagine na ang isang Kenji Motoishi ay nanunuod ng Disney Princesses" sabi niya dito.

"Nakikita ko lang na pinapanuod ni Naori yun eh." sabi naman nito at natawa silang muli. 

Nang matapos ang kanta ay humakbang ito palayo sa kaniya, ganoon din ang kaniyang ginawa. 

"Paano ba yan Princess. Prince charming is waiting inside. I'll leave now. Enjoy the rest of the night" sabi nito na nag-bow pa na animo isang prinsipe sa isang disney princess na palabas, prinsipe sa palabas na Cinderella. 

"Thank you fairy Godmother" niyakap niya ito at nagpasalamat bago pumasok ng covered court.

Nilagay niya na sa kaniyang bag ang kaniyang cellphone at tinignan na lamang ang mga nagsasayaw doon. Napalitan na pala ang kanta at ngayon ay love song ang tumutugtog mula sa speaker. 'Destiny' na ang kantang pinapatugtog.

"Bakit nandito ka lang?" tanong ng katabi niya sa kanya. Pagtingin niya ay si Yves iyon. Nakatingin din ito sa mga estudyanteng nagsasayaw doon.

"Pahinga lang unti. Hahaha.. Ikaw? Bakit naupo ka na? Pagod na din?" tanong niya dito.

"Hindi naman. Hindi lang ganiyan yung genre ko" anito sa kaniya. Napatitig siya dito. Ang katulad ni Yves, hindi mahilig sa ganoong kanta? Samantalang may girlfriend ito. Imposible!

"Tsk. Ikaw? Hindi ganiyan yung genre mo?" tanong niya dito at tinawanan. Seryoso naman ito nang titigan niya ito. Mukhang hindi yata nito nakuha ang joke niya.

Nagbago ang kanta at pinatugtog ang 'Fallin' ni Janno Gibbs. Hinarap niya ito at ngumiti.

"Huwag ka ngang seryoso diyan. Tara, sayaw tayo" aniya dito. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila sa bulwagan upang magsayaw. Nakatingin lamang sa kanila ang mga kaklase niya, ang iba ay nakangiti.

"Mukha silang ewan" nasabi na lamang niya sa kaniyang isip.

Inilagay niya ang kamay niya sa balikat ni Yves at awtomatiko namang inilagay nito ang mga kamay sa kaniyang baywang at sila'y nagsayaw.

Nakatitig lamang ito sa kaniya at nailang na siya. "Bakit ayaw mo ng genre katulad nito?" tanong niya dito upang ignorahin ang titig nito sa kaniya.

"Hindi ko naman sinabing ayaw ko. Hindi lang talaga ako nagsasayaw sa mga ganitong kanta" aniyo sa kaniya.

"Kahit sa girlfriend mo?" nabigla siya sa naibulalas niyang iyon ngunit huli na upang bawiin. Nakita niya ang pagbabago ng emosyon sa mata nito. Galit? Lungkot? Kung ano man iyon ay hindi niya mapangalanan.

"Hindi" iyon lamang ang sinagot nito at katahimikan na ang pumalibot sa kanilang dalawa. Tanging ang tugtog na lamang ang naririnig habang patuloy sila sa kanilang pagsayaw.

"Dara..." usal nito sa kaniyang pangalan upang kunin ang kaniyang atensyon mula sa speaker na ngayon ay nagpalit na ng kanta. Kasalukuyan nang pinapatugtog ang kantang "Let me be the one"

"Hmmm?" aniya na ibinigay ang atensyon dito.

"May boyfriend ka na ba?" nagulat siya sa tanong nitong iyon. Tinawanan niya ito.

"Ako? Wala ah" 

"Sino yung kasama mo kanina?" tanong nito.

"Ah, ayun ba? Si Kenji yun, kaibigan ko. Bakit mo natanong?"

"So, hindi mo siya boyfriend?"

"Hindi, best friend kumbaga."

"Kung ganun, wala namang magagalit kapag niligawan kita hindi ba?"

"Syempre wala- ANO!?!"

________________________________________________________

A/N: Nagupdate pa yun? Ahahahaha! Ngayon ko lang napansin, matagal nang nasa draft itong update na to. Ipost na yan! :))))

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon