Chapter 24: A Day With The Bad Boy

73 2 0
                                    

Author's POV

Dumating na ang Graduation Day sa San Dionisio National High School. Dahil sa malaking bilang ng magsisipag tapos ay sininulam ng madaling araw ang seremonya. 

Nasa tamang oras lang ang pagdating ni Dara kasama ang kaniyang inay. Nang nasa upuan na nila sila ay hindi mapigil ang pagkuha ng litrato ng mga kamag-aral niya maging siya. Nakatayo lamang kasi sila habang hinihintay na mapuno lahat ng upuan para sa mga estudyante.

Nagsimula ang seremonya sa Philippine national anthem hanggang sa magbigayan na ng diploma. 

Maraming mga magulang ang naiyak lalo na sa speech ng kanilang valedictorian. Paano ba naman kasi ay maganda talaga ang sinabi nito at nakakaantig ng puso lalo na sa mga magulang.

Nang matapos na ang seremonya ay nagkaniya-kaniyang picture taking na ang mga estudyante kasama ang kanilang mga kamag-aral, magulang, kaibigan at maging ng mga guro.

Nagsibalikan na sila Dara sa kanilang classroom upang doon ipunin ang kanilang mga toga na ibabalik nila sa kanilang adviser.

Nagring ang kaniyang cellphone.

"Hello?"

"Happy Graduation" bati ng nasa kabilang linya. 

"Kenji? Uy! Thank you! Sayo din, happy graduation kahit na di ako tumawag noong nakaraang linggo. Ang mahal po kaya ng international call. Eh mayaman ka kaya okay lang. Ahahaha!"

"Okay lang. Ano ginagawa niyo ngayon?" 

"Wala. Nagsasauli lang ng toga at nagpipicture-picture. Bakit mo natanong?"

"Wala naman."

"Paano nga pala yung regalo mo sa akin? Ipapadala mo na lang?"

"Sinong may sabing may regalo ako sayo ha?"

"Hmp! Kainis ka naman. Ang kill joy mo"

"Matagal na. Kaya nga lumabas ka na ng classroom niyo at umuwi ka na lang."

"Bakit naman ako uuwi ha? Eh di pa kami tapos dito eh."

"Bahala ka, ikaw din. May sorpresa pa naman sayo-"

"Weh? Niloloko mo naman ako eh"

"Bahala ka"

"Dara, dalhan mo daw ng upuan yung bisita sa labas sabi ni sir" narinig niyang sabi ni Jessica sa kaniya.

Sinunod niya naman ito at nagdala ng upuan sa labas habang nakadikit pa rin sa tainga ang kaniyang cellphone.

"Sorpresa? Eh magluluto lang naman sila inay ng panghanda eh."

"Oh" nag-angat ng tingin si Dara sa taong nagsalita sa harap niya ng maibaba na niya ang upuan.

"Kenji!" nagulat siya ng makita ito. Naka-itim na t-shirt ito, maong na pantalon, rubber shoes at nakasuot ng itim na bonet habang hawak nito ang isang teddy bear na nakasuot ng toga. Ibinaba na nito ang tawag.

"Ayan kasi, sabi ko sayo, lumabas ka na"

"Bakit ba ang hilig mo manggulat ha?"

"Magugulatin ka lang. Oh" muling iniabot nito ang teddy bear. "Wala akong maisip na pwedeng ibigay. Hindi naman ako mahilig magbigay ng kung anu-ano eh"

Kinuha ni Dara ang teddy bear. Para sa kaniya, ang sweet noon para sa katulad ni Kenji na kilala bilang bad boy. "Salamat ha. Kahit mukhang masama ang loob mo"

"Uy Dara. Tawag ka ni Y...ves.... Hi! " bati ni Valerie kay Kenji. "Sino siya Dara?"

"Ah.. Valerie, siya nga pala si Kenji. Yung lagi mong tinatanong"

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon