Chapter 23: Growing Friendship

58 1 1
                                    

Author's POV

"Okay class, mamayang hapon na ang picture-taking para sa portraits niyo" anunsyo ng guro ng section Rizal sa kanila. "Pumunta kayo doon sa office ng Performing Organization"

"Yes sir" sabay-sabay na sabi ng mga estudyante bago nagpaalam sa kanilang guro na lumabas na ng kanilang classroom.

"Uy Sheena, dala mo yung make up kit mo?" tanong ni Christelle kay Sheena.

"Kahapon ko pa kaya yun dinala. Akala ko kasi kahapon yung picture-taking natin para sa portrait." sagot naman nito.

"Pero dala mo ngayon?" tanong naman ni Karen.

"Yup! Nasa locker ko"

"Buti na lang. Biglaan naman kasi kung mag announce si sir eh" sabi naman ni Valerie.

"Dara, punta tayo ng canteen" yaya ni Alissa kay Dara.

"Tara" sagot ng huli.

Hanggang sa marami na ang sumama sa kanila. Dahil picture-taking nila para sa portrait nila kinahapunan ay wala ng pumasok na subject teacher nila mula sa dalawang morning subjects nila.

Ng tanghaling iyon, pagkatapos mananghalian ng mga estudyante ng Rizal ay kaniya-kaniya na sila ng ayos para daw ayon kay Valerie, magmukha naman silang tao sa portrait nila.

Pagkatapos nila magayos ay nagtungo na sila sa Performing Organization office at nandoon na nga ang isang section, ang section Mabini.

"Hello" bati ng mga ito sa kanila.

"Hi" bati ni Yves kay Dara.

"Hello. Tapos na kayo?" tanong niya dito.

"Yup! Yung girls na lang. Ang ganda mo"

"Toinks! Ang sabihin mo, nagmukhang tao na din kahit papaano" sagot ni Dara dito na kinatawa naman ng huli. Hindi man maiwasan ni Dara pero kinikilig siya sa sinabi nito.

Nang mga sumunod na araw ay naging abala na ang lahat sa nalalapit na graduation. Hindi na masiyadong pumapasok ang mga subject teachers nila dahil abala na rin ang mga ito sa pagtapos ng kung anu-ano.

"Tingin mo, ano kaya ang mga ibibigay na grade sa'tin ng mga teachers natin no? Mga hindi na kasi nagsisipasukan eh" sabi ni Dara kay Yves na kasalukuyang katabi niya sa isang bench sa may oval ng school nila.

Sa araw na iyon ay wala na silang klase dahil nagsimula na ang practice nila para graduation day sa susunod na linggo.

"Ewan. Panigurado, manghuhula na lang sila, tataasan yung mga grades natin nung third grading para masabing may mga ginawa tayo sa fourth grading." sagot nito.

"Tama. Iniisip ko nga kung ano ang magiging grade ko sa English eh. Wala akong halos napasa sa mga projects na pinagawa ni ma'am"

"Hayaan mo na yun. Ako din eh. Sa Filipino naman yung akin."

"Hahahahah! Akala ko pa naman, ang isang good boy na katulad mo, hindi ginagawa yun"

"Good boy ba ako? Weh? Ahahahaha!"

"Yup! Good boy ka pa kumpara dun sa kakilala ko na talagang hindi nakikinig sa klase, panot pa tawag sa teacher nila..Ahahahaha!"

"Talaga? Grabe naman yun! Ano pangalan niya?"

"Hay naku. Wag na nating pagusapan yun"

"Ganoon? Sige na nga"

"Tara, kain tayo ng fishball, libre mo!"

"Ahahaha! Sige na nga! Tara"

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon