Chapter 53: Bad Boy's Thoughts

39 1 0
                                    

~Author's POV~

"Miaka, are you going with us?" tanong ng kaklase ni Miaka sa kaniya. Tapos na ang klase nila pero nananatili pa ring sa labas ng bintana ang atensyon niya. Ni hindi nga siya nakinig sa lesson nila. Wala siyang gana.

"Where?" tinatamad na tanong niya dito habang nananatiling nakapangalumbaba at nakaharap sa bintana.

"Kakain kami sa labas. Are you coming?"

"No. Too lazy..." aniya dito. Hindi na ito nagsalita pa at niyaya na lamang ang iba at nagsi-alis na ang mga ito. Nanatili lamang siya doon dahil wala na naman silang klase at wala din namang gagamit ng classroom na iyon kaya naman ayos lamang na manatili siya doon.

Kenji-kun...He seems...irritated... Hindi niya maiwasang isipin ang naging reaksyon ni Kenji dahil sa kaniyang hinihiling dito, isang linggo na ang nakararaan. Alam niyang minsan ay iba ang mood nito, sanay na siya doon. Pero ang reaksyon nito nang partikular na araw na iyon, hindi mawaglit-waglit sa kaniyang isipan.

Simula nang araw na iyon, hindi pa niya ito nakakausap. Maging si Takenaga ay hindi niya pa nakakausap. She preferred to be alone these passed few days. Kahit nga pagsama sa kaniyang mga kaibigan ay hindi niya magawa.

Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at kinuha ang kaniyang cellphone sa kaniyang bag. She feels like talking to someone that time. Someone na mapaglalabasan niya nang kaniyang mga, well, sama ng loob. At alam niya kung sino iyon.

"Hello...Can we meet? Please?"

__________________________________________________

"Paano mo nalaman ang number ko?" tanong ni Dara sa kabilang linya. Hindi niya kasama si Dina nang mga oras na iyon. Hindi niya alam kung saan na naman nagsusuot ang babaeng iyon at bigla na lamang nawala. 

Naglalakad siya papunta sa botanical garden nang may tumawag sa kaniya. Si Kaired. At tinatanong niya ang huli kung paano nito nalaman ang number niya.

"Sa reliable source" sagot nito. 

"Reliable source? Aber, sino naman?"

"Hindi kamu sino. Ano..."

"Ang weird mo talaga. Wala akong na-gets..."

"Pinake-alaman ko ang cellphone ni Dylan." natatawang sagot nito. Tila hindi man lamang ito guilty sa ginawa. Tuwang-tuwa pa. 

"Tuwang-tuwa ka naman? Bakit ka ba natawag eh di ba may klase ang isang fourth year high school sa ganitong oras?"

"Ouch. Nag-cutting nga ako para makausap ka eh."

"Che! Sinisi mo pa ako. Bababa ko na 'to. Bye."

"'To naman, di na mabiro. Ayan, eto na teacher namin. Laters baby..."

"Che! Baby mo mukha mo" aniya sa kabilang linya. Tinawanan lamang siya nito bago tinapos ang tawag. Natatawang napailing na lamang siya. Mahigit isang linggo na rin nang makilala niya si Kaired at masasabi niyang makulit talaga ang isang iyon. Nagpunta talaga iyon sa bahay nila at 'binisita' ang kaniyang kapatid. Nag-drama pa.

Habang nakaupo sa isa sa mga upuan sa botanical garden, napatingin na lamang si Dara sa mga estudyanteng dumadaan sa harap niya. Napa-buntong hininga siya. Nakakatamad talaga ang araw na iyon. Hindi niya alam kung uuwi na ba siya dahil half day lang sila at iniwan pa siya ni Dina o mananatili na lamang doon at magpupunta na lamang sa library para magbasa-basa.

Muli siyang napahugot ng malalim na hininga bago nahagip ng kaniyang mga mata si Miaka. Kasama nito ang sa tingin niya ay mga kaibigan nito at naglalakad. 

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon