Chapter 12: Kiss And Heartbreak

67 2 1
                                    

Dara Mae's POV

Handa na ang lahat, matapos ang Culminating activity ng Performing Organization ay ang Christmas party naman ng Rizal ang inasikaso namin at ngayon nga ay handa na ang lahat. Tuwang-tuwa ako sa suportang ibinigay sa amin ng mga kaklase namin ng araw na iyon.

May mga bumabati naman sa akin na hindi ko mga kakilala. Sinasabing ang galing ko daw, gusto daw nilang magaudition sa organization namin at marami pang iba. Pabor sa organisasyon ang mga gustong magaudition dahil marami din ang senior students na malapit ng magtapos at isa na ako doon.

"Dara, tawag ka ni Ms. Catapang. Nasa covered court siya ngayon." sabi ni Patricia sa akin. Bilang secretary ay ito ang gawain ko, ang puntahan ang iba't-ibang teacher upang ipaalam ang ganito at ganiyan. Ngayon nga ay si Ms. Catapang ang sadya ko dahil may kailangan akong papirmahan sa MAPEH bago magbakasyon.

Pagdating ko sa covered court ay nandoon nga si Ma'am at may buhat-buhat ito. Tinulungan ko ito sa mga dala nito at nagpasalamat naman ito. Pagdating sa classroom nito ay ibinigay ko nag ang pakay ko dito.

"Iyan lang ba ang papapirmahan mo Dara? Sabihan mo na din yung iba. Bukas, christmas party niyo na." bilin nito. 

"Sige po ma'am. Sasabihan ko po sila"

"At Dara, bago ka umalis, pakidala naman nito kay Sir Asuncion" sabi nito na ibinigay ang isang folder. Kinuha ko iyon at nagpaalam na dito.

Nagpasalamat din si Sir Asuncion ng ibigay ko na dito ang folder na ipinabibigay ni Ms. Catapang. Pabalik na ako sa classroom hawak-hawak ang mga papel na pinapirmahan ko ng mapadaan ako sa likod ng gym at may narinig akong boses ng dalawang tao.

Na-curious ako sa naguusap, o mas tamang sabihin ay nagaaway. Kaya naman, walang ingay akong nagkubli at lumapit sa pinagmumulan ng dalawang boses, boses ng isang babae at isang lalaki. Mukhang may lover's quarrel na nagaganap sa pagitan ng dalawang ito.

Nakatago na ako sa pader at pag lingon ko ay saktong kakaibang eksena ang nakita ko. Naghahalikan ang dalawa! Syet! Sa sobrang gulat ko ay nagtago ulit ako sa kinakukublian ko, huminga ng malalim na malalim. Parang smack lang naman ang halik na iyon na pinatagal ng ilang segundo pero kahit na! Halik pa rin iyon! Mga high school pa lang ang mga ito, patawarin naman oo! At higit sa lahat! Ang birhen kong mga mata! Shocks!

Hindi ko rin napigilan ang aking sarili at muli kong tinignan ang mga ito. Nagulat ako sa aking nakita. Tumigil ang pintig ng puso ko at bigla akong nahilo. Namasa rin ang sulok ng mata ko.

"Ikaw lang ang mahal ko. Bakit di mo maintindihan iyon?"

"Bakit hindi ko maintindihan? Close na close ka sa kaniya Yves! Hindi ko maiwasang magselos bilang girlfriend mo!"

"Wala kang dapat na ipagselos Christelle. Alam mong ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang mahal ko. Naiintindihan mo ba ako?"

Hindi ko na nakayanang pakinggan ang paguusap ng mga ito, kung sino man ang pinagaawayan ng mga ito. Yung simpleng halik lang na iyon, at ang katotohanang iyon ay si Yves, si Yves Jake De Asis, ang lalaking gusto ko, ay tama na para masaktan ako ng lubusan.

Hindi ko na napigilang mapaiyak. Kaya naman bago pa lumikha ng ingay ang pagiyak ka ay tumakbo na ako paalis doon. Wala na akong pakialam kung narinig man ng mga ito ang ingay na nalika ng pagalis ko doon. Ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar na iyon.

Ang sakit pala. Mas napagtanto ko na ngayon kung nasaan ako sa dalawang iyon. Isa lamang akong wala kung tutuusin. Bakit ganoon? Sobrang sakit!

Hinagilap ko sa bulsa ko ang aking panyo ngunit hindi ko makuha iyon. Peste naman! Kung kailan kailangan! Saka ko pa naiwan sa room. 

Hinayaan ko na lang na tumulo ang luhang hindi ko mapigilan. Buti na lamang pala at hindi ko nabitiwan ang mga papel na pinapirmahan ko.

Hay...

Maya-maya ay naramdaman ko ang pagtunog ng cellphone ko. Pagtingin ko doon ay natawag si Valerie. Huminga muna ako ng malalim at sinagot iyon ng hindi pinupunasan ang luhang patuloy na dumadaloy mula sa mga mata ko.

"Hello" laking pasasalamat ko na hindi gumaralgal ang boses ko.

"Hello Dara. Mauna na daw umuwi si Devi kasi nagtext na yung mama niya sa kaniya. Nauna na din ako. Andoon pa sa classroom sila Patricia. Ingat ka na lang ah?"

"Sige. Okay lang"

"Pasensiya na talaga hindi ka na namin naintay. Bye"

"Bye"

Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone ng busy tone na ang marinig ko doon. Wala akong lakas. Pakiramdam ko ay walang lakas ang mga paa ko kaya naman pagtayo ko ay natisod ako at nadapa dahilan para masugatan ako sa palad at tuhod. Buti na lang at nasa bulsa ko na ang cellphone ko.

Maya-maya ay nagring ulit iyon. Numerong hindi nakaregister ang nandoon ngunit sinagot ko pa rin at hindi ko alam kung bakit.

"Hello?"

"Hello" isang malamig ngunit masuyong boses ng isang lalaki ang narinig ko.

"S-sino to?" tanong ko sa garalgal na boses. Hindi na napigilan ang pagiyak ngayon. Sa magkahalong sakit ng sugat sa tuhod at palad ko, lalung-lalo na sa puso ko.

"Dara, bakit ka umiiyak?" tanong ng lalaki.

"S-sino ba to ha?!" nabibwisit na tanong ko. Paano nalaman ng lalaking ito ang pangalan ko?!

"Dara, si Kenji to" 

"K-kenji?"

"Oo Dara. Kahapon ko pa nakuha ang number mo galing kay Naori pero ngayon lang kita natawagan. Umiiyak ka ba?"

"K-kenji....K-kenji...." umiyak na ako ng malakas. Ano naman ngayon kung marinig nito ang palahaw ko? Diary ko na nga ito eh.

"Uy! Bakit ka nga umiiyak?"

"K-kenji...A-ang...Ang s-sakit" 

"Ha?! Anong nangyari?! Dara! Sabihin mo!"

"A-ang s-sakit!"

"Sabihin mo! Anong nangyari sayo? Dara?...Dara???" pinatay ko na ang tawag nito. 

Wag muna ngayon Kenji. Ayokong malaman mo ang nangyari. Kaya ko naman to eh. Malalaman mo din sa tamang panahon. Ayokong magalala ka pa sa akin..

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon