Chapter 26: Confusion

37 0 0
                                    

~Author's POV~

Naalimpungatan si Kenji sa sunod-sunod na pagring ng kaniyang cellphone. Hindi niya iyon pinansin at sa halip ay tinakpan niya ang kaniyang mga tainga gamit ang kaniyang unan. Gabing-gabi na siya nakatulog sa kakaisip kung ano ang mangyayari kay Dara sa graduation ball nito. Masaya siya at natulungan niya itong makapag-ayos para doon. Sana lang ay worth it ang kaniyang ginawa para dito.

Sa wakas ay tumigil ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Ngunit kung inaakala niya ay hindi na muling magriring iyon ay nagkakamali siya. Dahil, muli na namang tumunog iyon na kaniyang muling inignora. Tila yata walang balak ang tumatawag na tigilan siya kaya naman tinatamad na inabot niya iyon at pinindot ang answer button.

Nang itapat niya ang aparato sa kaniyang tainga ay wala namang nagsalita. Naiinis na pinatay niya ang tawag at pabagsak na inilagay iyon sa kaniyang tabi. Mayamaya lamang ay muli na naman iyong tumunog. Frustrated na kinuha niya iyon at sinagot.

"You know what, kung wala kang balak magsalita, magpatulog ka naman. Ang aga-aga pa" mahinahon ngunit matigas na sabi niya. Naiinis na talaga siya. Ang aga-aga pa at gusto niya pa talagang matulog.

Narinig niya ang mahinang paghikbi sa kabilang linya. Agad na napalis ang inis niya. Pamilyar sa kaniya ang boses na iyon at upang kumpirmahin ay tinignan niya ang pangalan ng tumatawag sa kaniya. "Dara..."

Hindi ito nagsalita bagkus, patuloy na humikbi. 

"Dara, anong problema?" he softly asked. Nawala na ng tuluyan ang kaniyang antok at naupo sa kaniyang kama. Hindi pa rin ito nagsasalita.

"Ano ba Dara? Magsalita ka, bakit ka umiiyak?" tanong niyang muli dito.

"K-kenji..." usal nito sa kaniyang pangalan.

"Bakit ka ba umiiyak?"

"K-kenji...ikaw..."

"Anong ako? Ano ba, magsalita ka nga ng maayos."

"KENJI! BAKIT MO PINATAY YUNG TAWAG KO KANINA!? NAKAKAINIS KA! NASAYANG TULOY YUNG LOAD KO!" sigaw nito sa kabilang linya dahilan upang ilayo niya sa kaniyang tainga ang kaniyang cellphone. Mabibingi siya, ke aga-aga.

Hindi siya makapaniwala. Yun lang? Yun lang ang iniiyak nito?

"Baliw ka na ba?"

"Anong baliw pinagsasabi mo diyan? Hello? Kaya nga ako nagpaload para matawagan ka tapos tatanungin mo kung baliw ako? Sira ka ba?"

"Sira? Hindi. Antok? Oo, antok na antok pa ako. Kaya kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Nasaan ka pati ngayon?"

"Nasa school pa nga ako eh. Nakakatamad umuwi" anito at humagikhik pa. What's happening to this girl?

"Okay, tinatamad ka pang umuwi. Sige, bye na, gusto ko pang matulog." Akmang ilalayo na niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang tainga nang marinig niya ang protesta nito.

"HEP HEP! Wag! May sasabihin pa nga ako eh"

"Edi sabihin mo na."

"Sunduin mo muna ako. Inaantok na ako eh."

"Bakit hindi ka pa umuwi eh inaantok ka na pala?"

"Tinatamad nga akong umuwi. Sigeeee naaaa! Mabait ka naman eh"

"Hindi ako mabait, baha-"

"Sige ka! Dito ako matutulog kapag hindi mo ako sinundo, now na! 10 minutes lang, dapat nandito ka na. Bye" yun lamang at nawala na ito sa kabilang linya.

Ibang klase. Napatingin na lamang siya sa kaniyang cellphone at napailing. Ibang klase talaga.

~Dara's POV~

Tinatamad pa akong umuwi. Limang minuto na ang nakakalipas, wala pa din si Kenji. Oh well, 10 minutes naman ang sabi ko eh. 

Wala na ang ibang estudyante na pumunta sa graduation ball. Ako na nga lang ata at ang mga naglilinis at nagaayos sa covered court eh. Ayoko pa talagang umuwi. Patuloy pa rin akong ginugulo ng sinabi ni Yves. Ano ba dapat ang maging reaksyon ko sa sinabi niya?

Dapat na ba akong magtatalon at magsisisigaw sa kilig? Pero bakit parang iba ang pakiramdam ko. Gusto ko lang...matulala.

"Joker ka pala Yves, hindi ka nagsasabi. Grabe! Sakto may background song pa. Hahahaha!" Mabilis ang pintig ng puso ni Dara ng mga oras na iyon. Biglang pakiramdam niya ay sumikip ang paligid at uminit. Nasosoffocate siya.

Gusto man niyang paniwalain ang sariling nagjojoke lang ito ay hindi niya nagawa. Lalo pa at seryoso ang anyo ng mukha nito. Napalunok siya. Tila ba nanuyo ang lalamunan niya.

"Ano...Yves...Tara upo, napapagod na ako eh. Hehe" aniya at bumitiw na dito. Hindi na niya inantay pa ang sasabihin nito. Nagtungo siya sa CR at nagkataong walang katao-tao doon. Ini-lock niya ang pinto at humarap sa salamin.

Kitang-kita ang pamumula ng magkabila niyang pisngi.

Gustong-gusto niyang basain ang kaniyang mukha upang kahit papano ay makabawas sa pamumula niyon ngunit hindi niya magawa dahil masisira ang kaniyang make up na si Kenji pa mismo ang nagbayad ng mahal para maayusan siya.

Kenji!

Kinapa niya ang kaniyang damit upang kunin ang kaniyang cellphone para tawagan ito. Ngunit naalala niyang bigla, nasa bag niya pala iyon! 

Napasimangot siya. Kung kelan naman kailangan, saka niya pa naiwan sa bag niya. At nasa labas iyon, sa upuan nila. 

Hinarap niyang muli ang salamin at huminga ng malalim. Nakadinig siya ng katok mula sa pinto. Inayos niya ang sarili at humingang muli ng malalim. 

"Kaya mo yan Dara Mae. Fighting!"

Sunod-sunod na iling ang ginawa ko upang maalis sa alaala ko ang nangyaring iyon. Naloloka na ako! Pakiramdam ko, mababaliw ako. Super crush ko siya, oo. Pero ng sabihin niyang liligawan niya ako, pakiramdam ko, gusto kong umiwas at magtago sa ilalim ng lupa. Bakit ba? Ang gulo ko naman.

"Baka gusto mo naman akong pansinin dito."

"KENJI!"

"Bakit parang nagulat ka? 10 minutes kamu, dapat nandito na ako."

"Kanina ka pa ba diyan?"

"Dalawang minuto pa lang naman, at naobserbahan ko na ang eyebags mo. Baka gusto mo nang matulog" anito na umupo sa tabi ko. Heto na naman tayo kay lolo Kenji.

"Ayoko pa po umuwi. Punta tayo sa inyo Kenji..." sabi ko dito na ipinatong ang aking ulo sa kaniyang balikat at napikit. Inaantok na talaga ako.

"Sa amin? Sa condo ko?"

"Bahala ka. Inaantok na ako."

"Eh ano yung sasabihin mo?"

"Mamaya na kapag nakatulog na ako at pagkagising ko sasabihin ko sayo. Gusto ko na matulog."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito. Naramdaman ko ang kamay nito sa kamay ko. Bahagya kong idinilat ang kanang mata ko. Inalalayan ako nito sa pagtayo at papunta sa big bike nito.

"Humawak ka maigi. Five minutes lang to, mamaya ka na matulog..."

"Hmmm...Oo na lang...

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon