Chapter 8: Her Family

91 1 1
                                    

Dara Mae's POV

"Hoy ate! Gising na! Maglalaba daw tayo ngayon! Kadiri ka, laway mo, bumabaha na!" susme! Ang aga-aga, nakakairitang boses ng kapatid ko ang naririnig ko!

"Tigilan mo ako Dylano Marco! Inaantok pa ako!" pagtataboy ko dito at binato pa ng unan. 

Maya-maya ay naramdaman kong niyuyugyog na ako nito. "Ate! Mamaya ka na magpabaha. Tumulong ka na muna samin ni inay. Sasapakin kita ng magising ka na, sige ka!" napabalikwas ako ng bangon. Lahat na ibigay niyo sa akin, wag lang ang sapak ng pesteng kapatid kong ito!

"Lintek ka talaga Dylano Marco! May araw ka din" sabi ko dito at inayos ko na ang higaan ko. Tinanggal ko na rin ang kobre-kama, bahay-unan at kumot para labahan. Linggo ng araw na iyon at pag umaga ay naglalaba kami habang si itay naman ay namamasada. General cleaning day kasi namin ang araw ng linggo.

"Lintek ka din ate. Saka Dylan Mark ang pangalan ko, wag mong dagdagan!" sigaw nito at lumabas na ng kwarto namin. Isang taon lang ang tanda ko sa kapatid kong ito kaya pag kinakausap ako nito, ang pagtawag niya lang sa akin ng 'ate' ang pinaka-paggalang niya sa akin. Magkasama kami sa kwarto dahil hindi naman ganoon kalaki ang bahay namin kaya alam kong ito ang huling natutulog sa aming dalawa at una namang nagigising. Pambihira ang sakit nitong kapatid ko.

Karamihan sa mga kabarkada nito ay may pinupormahan at nililigawan na samantalang ito ay ni isa, wala. Marami namang nagpapapansin dito mga babae diyan, dead-ma lang talaga. Isang beses nga ay tinanong ko kung miyembro ito ng federasyon, aba't sinapak ba naman ako bago mahinahong sumagot na hindi. Lang yang yan! Nagkapasa ako sa pisngi nun! Tinanong ako ni inay kung ano nangyari doon, sinabi ko naman na sinapak ako ng lintek kong kapatid kasi tinanong ko kung miyembro ito ng federasyon, tinawanan lang ako. Ganoon din ang reaksyon ni itay noong kinuwento dito ni inay ang nangyari sa akin. Napansin kasi nito ang pasa sa mukha ko. Kaya nga sa tuwing sasabihin ng unggoy kong kapatid na ito na sasapakin niya daw ako pag hindi ako bumangon, aba! Bumangon na ako! Kung yun ngang gising ako ay halos mahimatay na ako, paano pa kaya kung nakahiga ako? Baka maghapon akong knock-out.

Paglabas ko ng kwarto ay bitbit ko na ang mga labahin. Nakita ko si inay sa likod ng bahay kasama si Dylan at naglalaba na ang mga ito.

Kung may pinagmanahan man si Dylan, iyon ay si inay. Si Dorothy Perez, ang aking inay, ay nasa kaniyang late 30's kaya pag sa mga kalokohan ay nakikisabay pa ito sa amin. Lalo na sa kalokohan ng kapatid ko. Magkasundung-magkasundo ang mga ito. Sabi nga ng mga kamag-anak namin ay kamukha ni Dylan si inay samantalang ako, ang kamukha ko daw ay si itay. Pero kahit sino pa daw sa dalawa ang kamukha namin, iisa lang ang deskripsiyon sa lahi namin, lahi ng mga magaganda. Mwhahahah!

Nagkwento dati sa amin si inay ng love story nila ni itay, si Marco Dale Perez. Nasa kolehiyo daw ang mga ito ng magkakilala. Miyembro daw ng varsity team si itay kaya marami daw fans samantalang si inay naman ay kilalang miss popular sa school na pinapasukan nila. Pero kahit ganoon daw ay parang aso't-pusa ito kung magbangayan. Naglalaro kasi noon sila itay ng mabangga nito si inay dahilan para magkasugat si inay sa siko at mapilayan. Bwisit na bwisit daw noon si inay kaya lagi nitong tinatarayan si itay. Hanggang sa isang araw, nagulat na lang ang lahat na mag-boyfriend-girlfriend na ang mga ito. Ng grumaduate sila ay matatag pa rin ang relasyon nila hanggang sa nagdesisyon ang mga ito na magpakasal sa edad na 22 at ipinanganak nga ako pagkaraan ng isang taon.

Kung todo tukso talaga ang ginawa ni Dylan kay itay matapos iyon ikwento ni inay. Pasimple pa daw kasi si itay, eh may pagnanasa naman kay inay. Halos kabagin talaga ako sa kakatawa ng barahin ito ni itay. Pulang-pula kasi ang mukha nito ng sabihin nitong marami na ang naging girlfriend nito noong kaedad pa lang ito ni Dylan samantalang ang kapatid ko daw ay ni magpakita ng interes sa babae ay hindi magawa. Hindi nga siya nakapalag ng tinanong ni itay kung miyembro ito ng federasyon, aba't nagwalk out!

Pagtapos naming maglaba ay naglinis kami ng bahay at halos hapon na natapos. Pagkatapos kasi mag tanghalian ay pinagpatuloy namin ang paglilinis. Nang hapon na ay umuwi si itay at sabay-sabay kaming nagsimba. Ganoon kasi ang aming pamilya.

Kinagabihan, habang nakaupo si Dylan sa harap ng computer ay nagkwento sa akin si inay. 

"Alam mo ba Dara, anak? Noong bata ka pa, mannerism mo ang himasin ang mukha ko habang natutulog ka." sabi ni inay.

"Talaga 'nay? Ilang taon po ako noon?" 

"'Tay, ilang taon nga noon si Dara?"

"Apat na taon ka pa lang noon anak. Si Dylan naman, parating naka-thumb-suck. Yun naman ang mannerism niya" sabi ni itay sabay tawa.

"Yuck! Si Dylano, nagta-thumb-suck! Pag nagka girlfriend ka, ibubuko ko yun sa girlfriend mo! mwhahahahah!"

"Pag nagka boyfriend ka naman, sasabihin kong umiihi ka pa sa kama kahit nine years old ka na. Mas yuck kaya yun!" ganti naman nito. Aba't...

"Nay!!!" paghihimutok ko kay inay. Kainis! Pati pala iyon ay sinabi nito sa unggoy kong kapatid.

"Wala akong magagawa anak. Pangganti daw niya sayo" sabi naman ni inay.

Kainis talaga tong kapatid kong to.

Pero kahit ganoon, ito ang pamilya ko, dito ako lumaki. Nakakatuwa talaga ang love story nila inay. Kami kaya ni Yves?

Ikinuwento ko iyon kay Kenji nang magonline ako sa yahoo messenger at gising pa ito.

kenji_cute: wala! lagi ka namang iiyak sa love story niyo nung Yves na yun..

pretty_dara: tse! dinedemonyo mo ang destiny ko eh.

kenji_cute: totoo naman ah.

pretty_dara: gusto mo mamura ha Kenji Motoishi? por que may girlfriend ka, dinedemonyo mo na love story ko.

kenji_cute: ang tanong, love mo na ba siya?

Napahinto ako sa sinabi nito at napaisip.

pretty_dara: Ah basta! super crush ko siya

kenji_cute: magkaiba naman yun

pretty_dara: pareho lang yun! gusto mo talaga mamura ha Kenji Motoishi?

kenji_cute: bahala ka. basta magkaiba yun.

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon