Chapter 19: Second Crush Status

68 1 0
                                    

Dara Mae's POV

Depress pa din ako sa pagkawala nung kapares ng singsing na iyon pero pumasok pa rin ako sa school. Feeling ko tuloy, walking zombie na ako. 

Unang-una sa lahat, bakit masiyado kong iniisip iyon? Hay naku! Sasabihin ko nga mamaya kay Alissa. Sabihin nun, masiyado akong pabaya or kaya lumilipad na naman ang utak ko kung saan-saan kaya nawala yung. Naku! Ang tanga mo talaga Dara Mae Perez kahit kailan!

"Hi Dara. Good morning!" Narinig ko ang isang boses ng babae sa tabi ko. Kasalukuyan kasi akong naglalakad papasok ng school. Wala sa loob na napatingin ako sa pinagmulan ng boses na iyon. Si Pearl!

"Hi Pearl. Good morning din" bati ko dito na walang kabuhay-buhay.

"Ayos ka lang ba? Bakit parang may sakit ka?" tanong nito.

"Wala to. Wag mo akong alalahanin. Ganto lang talaga ako pag kulang sa tulog" tama iyon. Kulang ako sa tulog dahil hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip ng mga posibilidad sa kung ano na ang  nangyari sa nawawalang singsing na yon. Peste talaga!

"Ganoon ba? Matulog ka na lang ng maaga mamaya para di ka matamlay bukas. Sige, una na ako sayo. Babye"

"Ha? Ah...Eh..Babye!" pahabol ko na lamang dito na nauna na sa akin.

Sinusundan ko na lamang ito ng tingin ng bigla nitong mabangga ang isang estudyante. Si Gerald! Nahulog ang gamit ni Pearl kaya akma itong tutulungan ni Gerald ngunit mukhang may sinabi ang huli na nagpatigil dito. Hmmm...Anong meron?

Tulala lamang si Gerald hanggang sa makaalis na si Pearl.

"Hi Gerald!" bati ko dito. Napalingon ito sa akin at ngumiti ng pilit.

"Good morning Dara. Papasok ka na sa first subject niyo?"

"Oo. Okay ka lang ba? Mukhang tulala ka kanina ah."

"Ah! Wala yun! Wag mo akong pansinin. Tulungan na kita diyan" hindi na ako nakapagprotesta ng bigla nitong kunin ang gamit ko at nauna na sa aking maglakad. Bakit ang weird niya din ngayon?

Vacant time namin at plano ko sanang matulog pero hindi ko magawa. Napapaisip talaga ako sa behaviour ni Gerald kanina. Akalain niyo yun? Yung supladong yun? Ahahahah!

"Uy Dara. Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Alissa.

"Ha? Ah oo. Okay lang ako. Kulang lang sa tulog"

"Edi matulog ka ngayon"

"Yun nga sana balak ko eh. Ano. Alissa. May sasabihin ako sayo"

"Ano yun?"

"Ano kasi eh. Nawala yung....yung kapares nung singsing na binigay mo"

Bigla itong napaisip. Ano kaya ang iniisip nito?. Waaaahh!! Lilitisin na ako, now na! Waaaah!!

"Alin ang nawala?"

"Yung singsing na panglalaki ata yun kasi malaki sa akin."

"Ayon?" napaisip ulit ito! Haaaaalaaa!! "Yaan mo na." sabi nito na ngumiti pa. Haaalaaa! Anong nangyari dito? Baka nabaliw na? Tanga mo kasi Dara Mae eh!

"Nag-away daw si Pearl at Gerald ah" narinig kong sabi ni Meryl.

"Uy! Ano yun Meryl?" tanong ko dito.

"Nagaway sina Gerald at Pearl. Bali narinig ko lang na parang nagalit si Pearl. Di ko alam kung anong sinabi niya eh." sabi naman ni Dina.

"Ganoon?" yun lang ang nasabi ko. Ano kaya ang problema?

"Uy Dara, kasama mo si Gerald kanina no?" sabi sa akin ni Christine ng tumabi ito sa akin. "At dala niya ang gamit mo. Nililigawan ka ba nun?"

"Ha? Anong nililigawan?"

"Wala lang. Kung nililigawan ka nun, masasabi ko lang, tanong mo kung seryoso siya"

"Ha? Di kita magets Tine. Pakipaliwanag."

"Alam mo kasi, dating boyfriend ni Pearl yun si Gerald. Hindi ko nga alam kung anong nangyari at bigla na lamang nagkalabuan yung dalawa eh. Pero sa tingin ko naman, gusto pa rin nila ang isa't-isa. Tapos nagulat na lang ako, yun nga, lumalapit-lapit sayo si Gerald biglaan."

"Baka nakikipag-kaibigan lang" sabi ko naman.

"Ewan lang ah. Crush mo ba yun?" tanong nito.

"Magsisinungaling ako pag sinabi kong hindi."

"Ay naku! Ang masasabi ko lang, siguraduhin mo muna yung lalaking yun"

"Kelan ba sila ngbreak?"

"Tatlong buwan na"

"Oh?"

"Tingin ka sa labas" sabi ni Christine. Napatingin naman ako sa labas. Andoon si Gerald. Biglang dumaan si Pearl at papunta ito sa classroom nito.Nakapasok na ata sa classroom nito si Pearl pero doon pa din nakatingin si Gerald..hmmm..

"Christine, kailangan ko ng tulong mo" 

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon