Chapter 9: Decision Making

57 2 0
                                    

Dara Mae's POV

Kinabukasan ay sumagi muli sa aking isipan ang tanong ni Kenji.

"Ang tanong, love mo na ba siya?"

Love ko ba siya? Love na ba yun? Ngayon lang ako napaisip ng tungkol doon ah. 

"Valerie, kung ikaw ang tatanungin, ano para sayo ang love?" tanong ko kay Valerie. Katabi ko ito habang hinihintay ang ilan sa mga piling kaklase namin. Kasalukuyan kasing may event sa covered court at labing-tatlo kaming naassign na pumunta doon.

"Ewan. Bakit mo natanong?" sagot nito.

"Wala lang. Napaisip lang ako bigla" 

"Ang weird mo ata ngayon Dara"

"Siguro nga."

"Pero seriously Dara,di mo din alam?"

"Hindi eh."

"Pambihira! Dito sa atin, ikaw ang magaling magpayo sa love life ng ibang tao pero ikaw.... Sabagay, hindi naman lahat ng magaling magpayo, may love life. At ikaw ang example noon"

"Sige lang Valerie. Ipamukha mo pa sa akin. Nagtanong lang naman ako" yun lang at natawa na ito.

Maya-maya ay napadaan sa harap namin ang ibang taga-Mabini. Kasama doon si Yves.

"Yves, saan kayo pupunta?" tanong ni Jerome dito. Isa din kasi ito sa napiling pumunta sa covered court. Maganda yan Jerome. Itatanong ko din yan eh. Buti na lang....

"Sa covered court. Kami kasi ang napili ni Sir Conde na tumulong doon sa event" sagot nito..

Oh.. watta coincidence! 

"Sige. Una na ako sa inyo" 

"Sige." sagot ni Jerome.

Maya-maya lang ay papunta na rin kami sa covered court. Pagpasok namin ay binilinan kami ni Sir Serano na sumama daw sa mga taga-Mabini kaya naman hinanap namin sila. Kumaway sa amin si Patricia na nakaupo na sa tabi ng presidente ng section na hinahanap namin. Sa may bakanteng upuan sa tabi ni Yves ako naupo.

Napatingin ako sa kaniya at siya ay ganoon din. Ngumiti pa nga ito bago binaling ang atensyon sa kaklase nitong kumausap dito.

Ito yung lalaking nagustuhan ko. Super crush na nga eh. Sabi ko, iiwasan na kita. Pero bakit ganoon? Parang ayoko naman. Tinanong ako ni Kenji kung mahal na ba kita, ang tanong, mahal ba kita? Ang alam ko kasi, super crush lang kita eh. Ano ba kasi ang pagmamahal? Ano ba ang pinagkaiba ng dalawang iyon?

Sabi ko, ayoko na ulit magka-crush sa taong may girlfriend na. Kaya nga ng makilala kita, sa pagaakalang wala ka pang girlfriend, hindi ko pinigilan yung sarili kong magustuhan kita. Pero nung nalaman ko naman, sabi ko, sign na iyon para di talaga ako magkagusto sayo. Kaya nga iniwasan na kita. Sabi ko pa nga, past is past. Pero bakit ganoon? Baliw na ata ako. Nagsisinungaling na ako sa sarili ko dahil kahit anong pilit kong hindi na kita gusto, hindi ko pa rin mapigil na gustuhin ka.

"Uy Dara. Tawag ka ni Gerald kanina pa"

"Ha?" naku! tawag pala ako ng president ng isa pang organisasyon na kinabibilangan ko, hindi ko man lang naririnig. "Uy Gerald, sorry di kita narinig eh. Bakit?"

"Inform lang kita na may practice mamaya para sa darating na variety show sa first week of December. Pakisabihan na lang si Karen" iyon lang at umalis na ito. Suplado! Wala man lang ngiti-ngiti. Pero idol ko itong si Gerald Macaraig. Palibhasa kasi, singer na, dancer pa. Kung hindi si Yves, baka ito ang crush ko. 

Balik tayo kay Yves..Sige na nga, mamaya na lang ulit!

Natapos na namin ang mga gawain namin sa covered court kaya naman bumalik na kami sa classroom at kumain ng lunch. 

Pagkatapos ng lunch ay biglang pumunta si Adrian, taga-Mabini, dala ang quiz daw namin sa Chemistry. Napaghandaan namin iyon kaya naman madali kong natapos ang quiz. Ako na rin ang nangolekta ng papel ng mga tapos na.

Pasalampak akong nakaupo sa labas ng classroom habang hinihintay ang iba na matapos na. Maya-maya ay may tumabi sa akin. Si Yves. Tinignan niya ang mga papel na hawak ko.

"Kanina pa kami nagsagot nito eh. Madali lang no?"

"Yup! Kung nagreview. Pero kung hindi, mangangapa ka."

"Tama."

Walang sali-salita ay nakaupo lang kami doon at nakatingin sa kawalan. Ewan ko kung ano ang iniisip nito. Pero ako, iisa lang naiisip ko. O mas tamang sabihing desisyon ko tungkol sa feelings ko para sa lalaking ito na katabi ko.

Super crush man kita ngayon, alam kong hindi lang hanggang doon ang feelings ko para sayo. Natuto nga akong baliin yung rule ko sa sarili ko na past is past para sayo kaya alam kong hindi pa man pagmamahal to, pwede pang lumalim iyon lalo na at nandiyan ka lang. Inspirasyon na nga rin kita eh. Ikaw na!

Kinagabihan ay nakausap ko ulit si Kenji.

pretty_dara: Kenji, alam ko na.

kenji_cute: anong alam mo na?

pretty_dara: ang sagot sa tanong mo

kenji_cute: mahal mo na ba yang Yves na iyan ha?

pretty_dara: hindi man siguro mahal, super crush ko siya. Iyon muna sa ngayon. pwede pa naman magbago yun di ba?

kenji_cute: you're a one stubborn girl, do you know that Dara?

pretty_dara: I know, i can't help it Kenji.

kenji_cute: pati yung rule mo na 'past is past' kinalimutan mo na rin?

pretty_dara: ngayon lang naman

kenji_cute: bahala ka. wag na wag mo lang akong kakausapin pag umiyak ka ulit ng dahil diyan sa kagagahan mo Dara Mae. sinasabi ko sa iyo. pupuntahan ko talaga yang lalaking yan at gagawin ko ang isang gawaing di mo magugustuhan

pretty_dara: wag ka namang brutal!

Alam kong kapatid na rin ang turing sa akin ni Kenji kaya nga nagpapasalamat ako at nandiyan siya. Pinapagaan niya ang loob ko at masaya ako pag kausap ko siya kahit hindi pa kami nagkikita sa personal.

kenji_cute: sinasabi ko lang ang gagawin ko Dara kung sakali

pretty_dara: oo na po. wag na pong hot. 

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon