Chapter 28: Meeting Barbie

35 1 1
                                    

~Author's POV~

"Hindi ko alam, marunong ka palang magluto. Ang sarap nito" puri ni Dara kay Kenji. Kasalukuyan silang nasa harap ng hapag-kainan at doon ay nakahanda ang iba't-ibang putahe na ito mismo ang nagluto.

Tumingin ito sa kaniya at maya-maya ay may ibinulong. 

"May sinabi ka?"  tanong niya dito.

"Meron. Ang sabi ko, paano mo naman malalaman eh nasa Japan ako at ikaw, nandito sa Pilipinas" anito sa kaniya.

"Bakit? Hindi ba tayo nagcha-chat? Pwede mo naman sabihin ah?"

"Anong gusto mong sabihin ko? Uy! Dara, marunong ako magluto. Wala lang, share. Ganoon ba ang gusto mong sabihin ko?

"Kenji...Kenji... Nasa harap ka ng pagkain, wag kang sarcastic. High blood ka agad eh. Enjoyin mo na lang 'yang kinakain mo, okay? Pwede?"

Hindi na ito nagsalita at umiling na lamang. Itinuloy nito ang pagkain at ganoon din ang kaniyang ginawa.

"Ano nga pala sabi ng magulang mo?"

"Ah. Sabi daw, kumuha daw ako ng damit doon at saka na lang daw ako bumalik dito."

"Ano?!"

"Joke lang. Ang presyon. Tss. Sabi daw, umuwi na ako pagkatapos ko kumain dahil nakakahiya na daw sa 'kaibigan' ko. Nakakaabala na daw ako."

"Tama sila. Kaya bilisan mo na ang pagkain diyan at ihahatid na kita nang makabawi naman ako ng tulog."

"Hindi ka na nakatulog kanina? Bakit? Anong ginawa mo?" tanong niya dito. Tumitig ito sa kaniya. At muling ibinalik sa pagkain ang atensyon.

"Wala. None of your business. Bilisan mo na lang ang pagkain diyan nang maihatid na kita."

"Okay."

Pagkatapos kumain ay nagpresenta siyang maghugas ng pinagkainan nila. Nag protesta man si Kenji ay wala itong nagawa dahil pinaalis niya na ito sa kusina. Napabuntong-hininga na naman ito at umalis na doon. Napangiti siya. Wala talaga itong maireklamo sa kaniya. Natawa siya sa kaniyang isip na animo ay nanalo sa lotto.

Pagkatapos maghugas ay natagpuan niya itong nakaupo sa sofa sa may sala at nanunuod ng tv. Tinignan siya nito habang papalapit siya dito. Naupo siya sa tabi nito. Sa pagupo niya sa tabi nito ay may naupuan siyang ilang piraso ng damit. Kinuha niya iyon. T-shirt na pink iyon at tokong na maong. Mayroon din doong pares ng panloob.

"Kanino 'to?"

"Sayo. Tutal, nakapagpahinga ka na, maligo ka na. Ang baho mo na, hilamos lang ginawa mo."

"Heh! Mabango pa din ako no" aniya dito na kinuha ang mga damit at nagtungo sa banyo. 

Pagkatapos niyang maligo ay sinuot niya damit na dala niya. Kasiyang-kasiya sa kaniya iyon, pati ang pares ng panloob. Inayos niya na din ang kaniyang buhok at itinali iyon.  Pagkalabas niya ng banyo ay nakaupo pa rin ito sa sofa kung saan niya ito nakitang nakaupo ngunit naka-leather jacket na ito at itim na t-shirt sa loob, maong na pantalon at naka-rubber shoes. May suot na din itong bonet. 

"Buti naman at tapos ka na." anito sa kaniya na tumayo na at pinatay ang tv. Isinuot nito ang isang backpack na kulay pink. Pinigil niya ang sariling humagalkpak ng tawa dahil doon.

"Bakit nakaback-pack kang pink?" tanong niya dito.

"Bag 'to ni Naori. Alangan namang bag ko paglagyan mo ng gamit mo? Kung ano pa sabihin ng 'green minded' mong kapatid" anito sa kaniya na ginaya pa ang tono ng pagkakasabi niya ng green minded kanina.

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon