Chapter 14: The Couple Ring

59 3 0
                                    

Dara Mae's POV

*rrrrrriiiiiiiiinnnnnnnnnngggggggggg*

*rrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnggggggggggggg*

*rrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnggggggggggggggggggg*

"Ate! Ang ingay ng cellphone mo! Bumangon ka na diyan at sagutin mo na yan!" Narinig ko ang boses ng kapatid ko.

Pupungas-pungas na bumangon ako sa kama at kinapa ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko. 

10 missed calls

Nang makita ko ito ay agad na nagising ang diwa ko at napunta sa orasan ang mata ko. 

"9 AM NAAAAA!!!" napasigaw ako ng makita ko ang oras.

Agad-agad akong bumangon at kinuha ang towel at toothbrush ko at tumakbo sa cr. Late na ako! Ang call time namin ay 9 am at gising ko pa lang iyon! Waaaaaaahh!!

Naligo agad ako. Napasigaw pa ako sa lamig ng tubig pero tinuloy ko pa rin. Mabilisan lang ang ginawa kong pagligo, nagsuot ng maayos na damit, nagayos ng buhok, inayos ang gamit at nagpaalam na ako kila inay.

Pag dating ko sa school ay nagsisimula na sila sa program. Naglalaro na nga sila eh. Kaya naman bumalik muna ako sa room para tumulong sa pagaayos ng mga pang-exchange gift.

Maya-maya lang ay dumating na sila. Nag opening prayer kami, nag bigay ng speech si sir Serano at nagsimula na ang ibang palarong hinanda namin.

Tuwang-tuwa ang lahat sa mga hinanda naming palaro.

"Okay classmates! May dinagdag na laro si Patrick" anunsiyo ni Patricia. "Ang title nito ay, Cry and Let Go. Parang ang drama no? May iyakan kasing magaganap pero mamaya na tong hapon. Nakikita niyo ba itong mga lobo na to? Mamaya ay hahanginan natin ang mga iyan at isusulat niyo dyan ang mga bagay na masakit man para sa inyo pero gusto niyong i-let go ngayong taon para wala kayong sasalubunging problema pag sapit ng bagong taong darating." matapos sabihin nito ang instruction ay isa lang ang pumasok sa isip ko, ang eksena kahapon.

Natulala na ata ako dahil ilang beses pala akong tinawag ni Karen para lang sabihin na simulan ko na ang susunod na laro.

Masaya ko namang sinimulan ang bagong laro.

Nagkainan na kami at nagkantahan. Hindi na kami nakapaglaro dahil napunta na sa kantahan at sayawan ang program na hinanda namin.

Natigil lang ito ng ianunsyo ni sir Serano na magkakaroon na kami ng exchange gift.

Isa-isa naming binibigay ang mga regalo habang ngbibigay ng maikling speech ang bawat isa.

Nang buksan ko ang regalong natanggap ko mula kay Alissa ay naglalaman iyon ng dalawang romance novels, isang CD na may mga paboritong kanta ko at dalawang singsing.

"Alissa, bakit may singsing?" tanong ko dito.

"Couple ring yan. Wala kasi akong maisip eh. Kaya yan na lang ang ibinigay ko. Nakwento sa akin ni Valerie na may tinanong ka sa kaniya. Gusto ko, pag nakita mo na iyong taong iyon, isuot mo yung isa niyan at magpicture ka. Gusto kong ishare mo sa akin at sa susunod, ishare mo naman yung picture mo kasama nung taong pinagbigyan mo ng kapares niyan. Pwede ba yun Dara?" paliwanag nito.

"Weird.." tinignan ko ang dalawang plain couple ring na halatang silver iyon. "Pero sige, sasakayan ko yang ka-weird-an mo Alissa. Salamat nga pala dito"

Nang kinahapunan, tulad nga ng ianunsyo ni Patricia kaninang umaga ay inabot nito sa amin ang mga lobo. Nahanginan na iyon. 

Kung noong una, nagdadalawang isip pa ako, ngayon, siguro, sigurado na ako. I-le-let go na kita Yves. Pero in the first place naman, hindi ka naman talaga sa akin eh..hahaha.. ang weird ko.. Basta yun na yun. Hindi man madali pero ittry ko. Thank you sa inspirasyon.

Pagkatapos kong isulat iyon ay kinuwento ko na rin sa mga kaklase ko iyon. May mga nagulat, mayroon namang mga hindi.

"Dara beybeh! Dapat kasi ako na lang eh" pagbibiro ni Patrick dahilan para matawa kami. Nakakapagtakang hindi ako naging emosyonal ng ikwento ko sa mga ito iyon. Sabagay, hindi naman kumpleto ang sinabi ko sa mga ito. Kumbaga, pahapyaw lang.

Pero kung sa mga ito, nasabi ko, kay Kenji, hindi ko nasabi ang nangyari.

kenji_cute: hoy Dara, bakit pinatay mo phone mo kahapon?

pretty_dara: mahal po ang international call

kenji_cute: seryoso Dara, bakit ka umiiyak kahapon?

pretty_dara: nadapa kasi ako kahapon. eh sakto, tumawag ka.

kenji_cute: weh?

pretty_dara: oo nga. gusto mo pa ng picture ng sugat ko?

kenji_cute: wag na. iyakin ka pala. 

pretty_dara: hindi kaya =P

kenji_cute: ano na nangyari sa Yves mo?

pretty_dara: wala. may bago na akong crush.

kenji_cute: ganun? ang bilis ata?

pretty_dara: oo. hindi ko kasi nakwento sayo kahapon na kasama ko yung bago kong crush.

kenji_cute: sino naman ang malas na crush mo ngayon ha?

pretty_dara: anong malas? maswerte kaya siya. sak Gerald ang pangalan niya..haha

kenji_cute: Gerald? ang pangit naman ng pangalan

pretty_dara: kasi wala naman pong magandang pangalan para sayo kundi yang pangalan mo

kenji_cute: kasi maganda naman talaga ang pangalan ko

pretty_dara: heh!

Awtomatikong napakuha ako ng couple ring sa bulsa ko. Sino kaya yung taong yun na pagbibigyan ko nito??

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon