Chapter 4: Have What?!

78 2 2
                                    

Dara Mae's POV

Isang linggo na ang nakararaan simula nung mangyari ang munting aksidenteng yun sa akin. Halos dalawang araw lang naman akong hindi nakalakad. Awang-awa talaga ako sa sarili ko ng mga panahon na yon dahil daig ko pa ang pagong sa bagal kong maglakad! One time nga, nahuli ako sa isang subject na medyo malayo sa classroom namin at kailangang maglakad papunta doon. Inabot ako ng siyam-siyam sa paglalakad dahil paika-ika ang lakad ko. Buti na lang at naintindihan naman ng subject teacher namin ang sitwasyon ko.

Ngayon nga ay kasalukuyan kaming nasa labas ng classroom at nagtsitsismisan. Ang subject teachers kasi namin sa tatlong huling subject ay mga wala kaya on the business kami ngayon. 

"Alam niyo ba na close itong si Dara at Yves?" sabi ni Valerie.

"Toinks! Close pa yun? Bakit sakin napunta ang usapan ha?" tanong ko dito.

"Oo nga Dar. Pansin ko din iyon. Inaagaw mo sa akin si Yves ah!" sabi naman ni Karen. Alam kasi naming mga girls na crush nito ang huli. Paano ba naman kasi, lantaran samin kung kiligin pag napapadaan si Yves. Nasabihan nga ng cute ng lalaking yun, kulang na lang, sumalangit na. 

"Ewan ko sa inyo. Mga issuesera talaga kayo!"

"Pansin ko din yun Dar. Pero alam niyo ba, may girlfriend na daw iyang Yves na iyan" sabi ni Patricia. M-may- 

"GIRLFRIEND?!" sabay-sabay na sigaw ng mga ito. Mga walang-hiya! Ang iingay naman. Buti na lang ako, sa isip ko naisigaw kung gaano ako kagulat. P-pero.. Totoo kaya iyon?

"Yup! Taga section Rose yung girl" pagbibigay impormasyon ni Patricia. Teka, Rose? Sophomore? Wow ah! Pero, akala ko...*sigh*

"Ouch naman! Akala ko, available pa rin si fafa Yves!" kunwari'y nasasaktang sabi ni Karen. Buti ka pa Karen, kunwari lang..Ako talaga.. OUCH! It hurts!

"At least, hindi siya member ng federasyon!" sambit ko na lamang upang mapagtakpan ang sakit. Drama naman ng buhay ko!

"I know right!" pag sang ayon naman ni Dina at nagkatawanan na ang lahat hanggang sa napunta na sa iba ang usapan.

"Ang tahimik mo yata Dar?" tanong sa akin ni Alissa.

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa grocery dahil may pinapabili sa akin si Inay. 

"Wala to. Masama lang pakiramdam ko." sagot ko dito.

"Ganoon?" 

Hanggang sa nakasakay na ako sa jeep at nagpasalamat na dito dahil sa pagsama sa akin ay hindi ko pa ring magawang magsalita ng maayos. Paano ba naman kasi ay paulit-ulit na nagpaplay sa utak ko ang tanong sa akin ni Devi mahigit isang linggo na ang nakakaraan.

"Paano kung magkagusto ka sa lalaking may girlfriend na, anong gagawin mo?"

Pakiramdam ko tuloy ay ako ang heroine sa nobelang iyon na binabasa ni Devi.

Ang dali pa lang sumagot pag wala ka sa sitwasyong yun. Ngayon na nandoon na ako, ano kaya ang masasabi ko? 

"Kung gusto ko talaga siya, edi gusto ko siya. Wala akong pakialam kung may girlfriend siya as long as hindi ako nakakasira sa relasyon nila. "

Parang ang bigat naman sa loob na sabihin yong sinabi ko dati ngayon.

Pagdating ko sa bahay ay wala si Inay. Siguro, sumama ito at si Dylan sa pamamasada ni itay. Buti  na lang at may sarili akong susi ng bahay kung hindi ay baka sa labas na naman ako maghintay sa mga ito. 

Pagkapasok ko sa bahay ay binuksan ko ang mga ilaw pati na rin ang tindahan. May maliit na sari-sari store kasi si inay. 

Pagkapalit ko ng damit ay binuksan ko ang radyo at naupo sa harap ng study table. Inilabas ko na din ang mga assignments ko dahil parang gusto kong matulog ng maaga ngayon. Habang nagiisip ng sagot sa isang tanong sa english ay biglang nag-play sa radyo ang kantang 'Pag-ibig na kaya' nina Rachelle Ann Go at Christian Bautista.

'Di na maalala

Pa'no nagsimula

Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw,

Laging ikaw, ang aking nakikita, Ano ba ang nadarama ko kung ikaw ay kasama

Ganyan din ang nadarama ko 

Tuwing ika'y lalapit sa akin 

Ako'y parang natutulala 

'Di malaman ang sasabihin ko

(patuloy ang pagtugtog ng kanta) 

Bwisit naman na kantang to!

Inis na napakamot ako sa ulo. "AISH!!!"

Napasandal ako sa upuan at tumingala ng maramdaman kong namamasa ang sulok ng aking mga mata.

Ano ba to?! Ang drama ko naman!

Napapikit ako. Imahe ni Yves na nakangiti ang larawang nabuo sa akin isipan.

Namalayan ko na lamang ang sarili kong umiiyak. Nakakainis naman! Bakit ganito ako kadrama? Hindi naman ako ganito dati eh.

Nalaman ko lang na may girlfriend na siya. So what?!

Silence...

Silence....

Silence....

Sino ba niloloko ko? Nasasaktan ako kasi... "Super crush na kasi kita. Nakakainis ka naman!" 

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon