Chapter 39: Overnight Stay Part 2

30 0 0
                                    

~Dara's POV~

"Marunong ka ba mag-bake?" tanong ni ko kay Kenji nang sa wakas ay maihanda na namin ang mga kailangan namin.

"Hindi."

"Engk! Wrong answer. Marunong kang mag-bake."

"Parang siguradong-sigurado ka ah?"

"Oo naman! Nagtanong kaya ako kila Naomi at Naori. At marunong ka daw, magaling ka pa. Kayaaa, para malaman ko kung marunong ka talaga, AT magaling, ikaw ang mag-bake."

"No thanks. Manunuod na lang ako ng tv" sagot nito na tinalikuran ako at papalabas na ng kusina. Hinawakan ko agad ito sa braso.

"Uh-uh. Hindi ka aalis. Sige na, moral support ako" sabi ko dito na pinapungay pa ang mga mata at ngumiti na parang bata.

"Hindi ka marunong ano?" mas lalong lumapad ang ngiti ko bilang indikasyon na hindi talaga ako marunong. Aba! Anong malay ko, wala kaming oven sa bahay, hindi uso yun doon.

Frustrated na bumuntong-hininga ito. "Bakit ka pa nagsabing mag-bake tayo? Anong oras na. Magaalas-diyes na."

"Alam ko."

"Alam mo so, ano?"

"Anong 'ano'? Syempre, tuloy na, naka-ready na eh."

"Pwede bang bukas na lang?"

"Ayoko. Tinatamad ako bukas. Dali na, minsan lang to. Moral support ako, promise" tumingin ito sa akin ng mataman at kinalaunan ay bumuntong-hininga.

"Okay" booooyaaaahh! Panalo ako! Ang cute ko talaga.

Nagsimula na itong gumalaw at mag-mix ng mga ingredients habang ako naman ay pinapanuod ito. Naka-suot ito ng blue apron na nakita ko sa cabinet nito. Ayaw pa nitong isuot iyon noong una pero syempre, dahil cute ako, napapayag ko siya. MWHAHAHA! At ako naman, kahit hindi nakilos at nakaupo lang sa upuan ay naka-pink apron pa din. Syempre, moral support with complete attire dapat.

Ibinaba nito ang bowl at naghugas ng kamay. Nagtaka ako. Lumapit ito sa akin at hinila ako sa may kuwarto. Pinaupo ako nito sa may harap ng salamin at may kinuhang kung ano. 

"Bakit naman ako nakaharap dito sa salamin? Alam kong cute ako kaya hindi ko na kailangang tumingin pa sa salamin" biro ko dito.

Hindi naman ito sumagot at pumwesto lang sa likod ko. Sinuklay nito ang buhok ko.

"Tatalian mo ako? Hindi ko alam, dati ka palang nagtatrabaho sa parlor" biro ko ulit dito.

Natawa naman ito. Good. Akala ko magsasanib pwersa na naman ang langit at lupa sa magiging reaksyon nito. Buti na lang at hindi. "Ako ang nagtatali ng buhok nina Naomi at Naori nang mga bata pa sila kaya marunong ako."

"And by this bata, ilang taon ka at ilang taon sila?"

"Three years old sila, six naman ako."

"Whoah! Ang bata mo naman natuto. Samantalang ako, ten years old na ako nang matutunan kong mag-tali ng sarili kong buhok. Si itay ang taga-tali ko ng buhok eh. Haha. Para ka tuloy si itay" komento ko dito.

Hindi na ito nagsalita at nagpatuloy na lamang sa ginagawa nito. Naka-pig tails na ngayon ang buhok ko. Ang galing naman nitong lalaking to, nakakaloka!

"Kenji?"

"Hmm?"

"Naku-curious talaga ako sa kwento ng pamilya mo. Magkwento ka naman."

"Hindi mo talaga ako titigilan tungkol diyan ano?"

"Syempre hindi." Humawak ito sa magkabilang balikat ko nang matapos na ito sa pagaayos ng buhok ko. Ang kaninang mahabang buhok ko na nakalugay, ngayon ay naka-pig tails na naka-braid. Ang gulo ko. Okay, naka-dalawang braid siya. Period. "Ang galing! Okay, tara balik sa kusina" hinila ko na ito sa kusina para ipagpatuloy na nito ang ginagawa nito.

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon