Chapter 37: First Official Date, A Double Date? Part 3

31 0 0
                                    

~Author's POV~

"O-kay. Nasaan tayo Kenji?" tanong ni Dara kay Kenji nang patayin nito ang makina ng motor. Nasa isang lugar sila kung saan may mga naglalakihang building at sa tapat ng pinaka-mataas na building doon ay isang parke kung saan nga nito inihinto ang motor nito. 

"Kakain tayo."

"Dito?"

"Oo, nagugutom na ako eh. Saka, para malapit lang sa condo ko."

"Condo mo?"

Tinuro nito ang isang palapag sa pinaka-mataas na building doon. Napatingala naman siya. Nakapasok na siya sa condo nito pero hindi niya alam na ganoon pala iyon kataas at mas lalong hindi niya alam na ganito pala ito sa labas. 

Napatingin siya kay Kenji. "Eh paano naman ako uuwi?"

"Ewan" sagot naman nito na nakapamulsang naglakad. Literal na napanganga siya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. 

Tumakbo siya upang makasabay dito. "Hoy! Anong 'ewan' ang ibig mong sabihin? Sipain kaya kita?" aniya dito.

"Hindi mo na magagawa."

"At sinong may sabing hindi eh nasipa nga kita kanina?"

"Ako. Saka defenseless ako kanina kaya hindi ako nakaiwas. Hindi na mauulit yun. Na-enjoy mo naman" sagot nito sa kaniya na tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Napansing niyang papalayo na sila sa kinalalagyan ng motor nito kaya naman nagtaka siya.

"Hoy Kenji. Saan ba tayo pupunta? Saka bakit mo iiwan ang motor mo doon? At saka may motor ka naman, bakit pa tayo naglalakad?"

"Huwag ka na nga lang maraming tanong. Sumunod ka na lang." 

Ibang klase talaga ang lalaking 'to. Sinipa niya ito sa likod dahilan upang mapatigil ito.

"Aray!"

"Ha-ha. Late mo mag-react. Nag-buffer lang? Ewan ko nga sayo" aniya na nilagpasan ito. Narinig niya ang malakas na pagtawa nito. Baliw talaga.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad kahit na hindi niya alam kung saan ba talaga sila pupunta. Walang lingon-likod siyang ginawa. Bahala na ito. Nakakainis! Talagang ewan? Kung alam ko lang 'to, lalakarin ko na lang talaga pauwi sa bahay.

Patuloy lamang siya sa paglalakad kaya naman nagulat siya nang may humawak sa kaliwang kamay niya at hilahin siya paatras. Napasandal siya sa isang pigura at pag-lingon niya ay nakita niyang si Kenji iyon at nakatingin sa kaniya. Naka-sandal siya sa dibdib nito.

"Sa wakas. Kanina pa kita tinatawag, dito na tayo" anito.

"Dito? Saan?" pagtingin niya sa kung nasaan sila ay may mga tindero at tinderang nagtitinda ng mga pagkain sa daan. Medyo malayo-layo iyon sa kung saan ang condo ni Kenji. Kaya pala maliwanag doon. "Nagugutom ka na?" tanong niya dito.

"Kakasabi ko lang kanina" anito na lumapit sa isang may-edad na lalaki at kumuha ng stick. "Ano pang ginagawa mo diyan? Halika na" tawag sa kaniya ni Kenji. Nilapitan naman niya ito.

"Magandang gabi hija" nakangiting bati sa kaniya ng may-edad na lalaki.

"Magandang gabi din ho."

"Hijo, kasintahan mo?" tanong nito kay Kenji. Ngiti lang naman ang sinagot nito dahil abala sa pagkain. Sunod-sunod ang subo.

"Hindi ka ba naiinitan?"

"Hgghdinn-disdiddiii" 

"Ano? Yuck! Huwag ka na nga magsalita, kadiri ka" natawa naman ito sa sinabi niya maging ang may-edad na lalaking may-ari niyon.

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon