Chapter 13: Let's Play

51 0 0
                                    

Dara Mae's POV

Pagbalik ko sa classroom ay alam kong namumugto ang mata ko. Buti na lang at umuwi na rin sila Patricia. Tawag ng tawag si Kenji kaya pinatay ko muna ang cellphone ko. Ayoko munang sabihin sa kaniya. Pag nagsinungaling ako, malalaman niya din naman iyon.

Pagtingin ko sa relong suot ko ay alas-3 pa lang ng hapon. Kinuha ko na ang bag ko. Maglalakad-lakad muna ako para mawala ang pamumugto ng mata ko kahit papaano. Sigurado kasi akong magtatanung sila inay kung bakit ganoon ang itsura ko.

Nagsuklay ako ng buhok at nag-apply ng pulbo bago lumabas na room. Tinignan ko muna iyon. Maayos na ang mga disenyo para bukas. Ngayon ko tuloy naramdaman na mas malungkot yata ang christmas party. *hay*

Naglakad-lakad muna ako. Sa aking daan ay may nakakasalubong akong mga kolehiyo, mga bata at kung sinu-sino pa. Pinagtitinginan pa nga ako ng iba eh. *hay* Mukha na ba akong suicidal?

Napadaan ako sa isang playground. Nagpalinga-linga ako sa palinga-linga ako sa paligid. Medyo walang tao sa lugar na iyon. Tamang-tama!

Pumasok ako sa loob ng playground at naupo sa swing. Napabuntong-hininga ako at naramdaman ko ulit ang paginit ng sulok ng mata ko ng maalala ang eksena kanina. Kung tutuusin, dapat kinakausap ko ngayon si Kenji para di ako masiyadong madepress eh. 

Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone at akmang bubuksan iyon ng-

"Aw!" lintek! Ang malas ko ngayong araw! Kanina, yung...yung.. ah basta! Yun na yun! Ngayon naman, may tumamang bola sa ulo ko!

"Lagot ka Jake! " narinig kong sabi ng isang batang lalaki. Peste! Jake...Yves Jake!..Jake!.. lalo tuloy akong napaiyak!

"Hala ate! Sorry po! Di ko sadya. Wag ka na pong umiyak. Ito, gamitin mo po ang panyo ko" sabi naman ng isang bata. Pag-angat ko ng aking ulo ay nakita ko ang dalawang batang lalaking magkamukhang-magkamukha. Parehong may pagaalala sa mga mukha ng mga ito. 

Kinuha ko ang panyo sa isang bata na naka-blue at pinunas sa luha ko. "Salamat" sabi ko dito.

"Inaaway niyo si ate no?!" narinig kong boses ng isang batang babae. Naka-pink dress ito at nakapigtails ang buhok nito. Katulad ng kasama nitong kamukhang-kamukha din nito na naka-blue dress naman at pareho din ang tali. Uso yata ang kambal dito.

"Uy! Hindi ah! Hindi ko naman sinadya na tamaan siya ng bola eh! Di ba James?" dipensa ni Jake.

"Tama si Jake" sang-ayon naman ng batang 'James' ang pangalan.

"Trixie, Trina, anong meron dyan?" narinig ko naman ang isang boses ng lalaki. Wag niyong sabihing, may kakambal din ito?!

Pagtingin ko sa pinagmumulan ng boses ay nakita ko ang isang pamilyar na lalaki.

"Dara? Anong ginagawa mo dito? Saka, bakit ka naiyak?" tanong nito. "Jake, James, pinaiyak niyo ba siya?"

"Hindi po kuya!" depensa ni Jake samantalang si James naman ay iling lang ang sinagot.

"Hindi. Wala silang kasalanan Gerald. Natamaan ako ng bola pero hindi naman dahil doon kaya ako umiiyak.. Ano kasi.. ah.. Ah basta! Wala silang kasalanan"

"Ah ganoon ba?" sabi na lamang ni Gerald.

"Ate, ako po si Trixie at ito po si Trina. Bakit ka po umiiyak?" tanong ng batang babaeng naka-pink dress.

"Malungkot ka po ba?" tanong naman ng batang si Trina.

"Ano..ah.. Oo. Malungkot lang si ate. Ako pala si Ate Dara"

"Ganoon po ba ate Dara? Tara, laro na lang po tayo!" yaya ni Jake.

"Oo nga po ate Dara. Para di ka na malungkot!" sabi naman ni Trixie at tumango na lamang sina Trina at James.

Kung may obserbasyon man ako sa mga ito, sina Jake at Trixie ang may pagka-bubbly type samantalang sina James at Trina naman ang may pagka-silent type.

"Ha? Ah..eh.."

"Pwede po nating isali si ate Dara, di ba kuya Rald?" tanong ng batang si Trixie kay...Rald.. Gerald?

"Ahahahahahahahahha!!!" di ko napigilan ang sarili kong matawa.

"Ate, bakit ka po natawa?" tanong ni Jake sa akin.

"She's lunatic" sabi naman ni James.

"Oh no!" natutop naman ni Trina ang kaniyang bibig sa pahayag na iyon ni James.

"No. I'm not. Rald.. It's kinda new to me. Nickname mo pala yun sa mga bata Gerald?" tanong ko kay Gerald.

"Ah.. Si mama ang may tawag sa akin nun eh" sabi nito.

"Tita Genevieve used to call him baby Rald" pahayag ni Trina.

"Ahahahahahahahahahahahha!!!" di ko napigilan ang sarili kong matawa ulit. Ang kagalang-galang na si Gerald Macaraig, baby sa bahay nila? ahahahahahha!

"Okay. Enough kids. Maglaro na lang tayo" sabi naman ni Gerald na halatang napapahiya na. 

"Come ate Dara" sabi ni Jake.

"Let's play" sabi naman ni Trixie.

Nakipaglaro na lamang ako sa mga ito. 

Sa mga oras na kasama ko ang mga ito ay hindi ko maiwasan ang matawa na para bang wala akong pinoproblema. Masaya pa lang makipaglaro sa mga batang kambal na may iba't-ibang personalidad. At ngayon ko lang nakitang tumawa ng ganoon si Gerald. Na parang hindi siya yung lalaking nakilala kong suplado at akala mo ay may sariling mundo.

Dahil sa mga ito, nakalimutan ko pansamantala si Yves. 

"Ate Dara, balik ka po ulit dito ah?" sabi ni Trixie.

"Sige-sige.. Sa susunod, susubukan ko" sabi ko sa mga ito at nagpaalam na. Nagpasalamat din ako kay Gerald.

"Thanks for today Gerald"

"Wala iyon. Kung ano man iyang problema mo, malulusutan mo din yan. Pagisipan mo lang maigi kung karapat-dapat mo ba talagang problemahin yan para di ka nagsasayang ng luha. Pangit ka pa naman pag naiyak" biro nito.

"Tse! Wag ka na nga. Aalis na ako.. Bye!"

"Bye!"

Umalis ako sa lugar na iyon ng nakangiti. Pag dating sa bahay ay wala ngang nakapansin na umiyak ako.

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon