Chapter 41: Something's Wrong

32 0 0
                                    

~Autor's POV~

Tulalang naglalakad si Dara papasok ng school. Ang itim ng ilalim na bahagi ng kaniyang mga mata at halatang-halata ang kaniyang eyebags. Patuloy lamang siya sa paglalakad na parang zombie nang may biglang humawak sa kaniyang balikat. Hindi naman siya nagulat. Walang emosyong napatingin siya sa kumapit sa kaniyang balikat.

"Ikaw pala Dina." na-shock si Dina nang makita ang kaniyang itsura. Natutop pa nito ang bibig.

"Anyare sayo Dara? Bakit ganiyang itsura mo?" tanong nito sa kaniya.

"Kulang sa tulog" sagot niya dito at nagpatuloy sa paglalakad. Sumabay naman ito sa kaniya sa paglalakad.

"Eh bakit ganiyan? Parang pasan mo ang daigdig?"

"Pasan ko nga."

"Eh bakit hindi ko naman makita?"

"Literal ka naman eh."

"Kasi naman po, ang pangit mo kaya."

"Talaga? Hala. Paano na 'to?" nagpa-panic na sabi niya.

"Chillax lang. Ano ba problema mo at ang aga-aga, parang binagsakan ng langit at lupa yang pagmumukha mo?"

"Malaki ang problema ko!"

"Gaano ba kalaki ha?"

"Kasing laki ng sun."

"Hehe. Joker ka pa rin kahit ganiyang na itsura mo." Napasimangot na lamang siya.

Hindi siya nakatulog ng maayos kakaisip sa rebelasyong nalaman niya kahapon lang. Pagkatapos niyang magising mula sa pagkahimatay na buti na lamang ay nasalo siya ng kaniyang kapatid, hindi na siya kumilos mula sa higaan at nakatulala na lamang sa glow in the dark na nakasabit sa kaniyang kisame.

Hindi niya alam kung totoo ba ang nangyari o yung glow in the dark lang talaga ang totoo. Hindi naman niya tinanong si Kenji dahil nahihiya siyang magtanong. Maghapon ding tumatawag sa kaniya si Yves ngunit hindi niya sinasagot ang tawag nito. Naguguluhan talaga siya.

"Kailangan kong makita si Yves"

"Bakit naman? Saka hindi mo pa kinukwento yung nangyari nung birth-"

"HEP! Saka na. Kailangan ko munang makita si Yves."

"Teh! Pabigla-bigla ka. May klase pa tayo ano?

Pinigilan niya ang lalaking kanilang nakasalubong. "Di ba kaklase ka ni Yves? Alam mo ba kung nasaan siya?"

"Ah. Nandoon sa may gym. Naglalaro sila ng basketball."

"Ganoon ba? Thank you" mabilis na hakbang ang kaniyang ginawa at nagmamadaling naglakad papunta sa sinabi ng lalaking nakasalubong niya.

"DARA! MAY KLASE PA TAYO! SAAN KA PUPUNTA?"

"MAUNA KA NA! SUSUNOD NA LANG AKO!"

___________________________________________________

Pagdating niya sa may gym ay naroon nga si Yves kasama ang mga kaibigan nito. Naglalaro ang mga ito. Naupo siya sa may bleachers at pinanuod lamang ang mga ito.

"Ano ba kasi ang feeling ng mahalikan?"

"Bakit? Hindi mo pa nararanasan?"

"Hindi pa!"

"Weh?"

"Anong weh? Hindi ba ako kapani-paniwala? Eh kung tadyakan kaya kita?"

"Hindi ako naniniwala."

"Eh di huwag. Ayoko mamilit, ang sakit ng ulo ko......"

Napailing siya sa naalalang iyon. Kaya ba ganoon na lang ang reaksyon niya? Bakit hindi ko maalala yun?

"Dara. Anong ginagawa mo dito?" nagulat si Dara nang makita niya si Yves sa kaniyang harapan. Biglaang tayo ang kaniyang ginawa dahilan upang ma-out balance siya. Buti na lamang at inalalayan siya nito. "Whoah! Dahan-dahan lang."

"Sorry..."

"Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?" hindi sumagot si Dara at nanatiling nakatitig lamang kay Yves.

"Curious ako kung ano ang pakiramdam na mahalikan."

"Curiosity kills the cat."

"But satisfactory brought it back"

"May sagot ka talaga sa sinasabi ko ano?"

"Syempre naman! Kailangan mabilis akong mag-isip kapag ikaw ang kausap ko. Matali ka kaya."

"Anong matali?"

"Matalino" 

"Naku-curious talaga ako."

"Ewan ko sayo. Si Yves na lang."

"Sino yun?"

"Huwag ka ngang joker."

"Haha. Kenji?"

"Ano na naman?"

"Pa-kiss ah"

"Ano na na-"

"Ang sweet naman ng lips mo. Lasang cake. Pwedeng isa pa?" 

Nanlaki ang mga mata ni Dara. Ibig sabihin...

"Dara, okay ka lang?"

"Yves, sorry..." 

"Ano ba-" natigilan si Yves ng bigla itong halikan ni Dara sa lips. Mabilis lamang iyon. Napatitig siya dito.

"Sorry..." agad siya tumakbo palabas ng gym habang naririnig ang pagtawag nito sa kaniya.

~Dara's POV~

Bakit ganoon? Bakit ba nakakalito? Naguguluhan ako. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang nangyari sa bahay...at sa condo ni Kenji. Dalawang beses ko na siyang nahalikan? Bakit ba nakalimutan ko yung dalawang pangyayaring iyon? Ulyanin na talaga siguro ako.

Pero kahit siguro sabihing nakalimutan ko yung dalawang pangyayaring iyon, hindi rin. Parang ramdam ko pa rin yung labi ni Kenji, sa lips ko. Bakit ganoon?

Kaninang hinalikan ko si Yves...si Kenji pa rin ang naiisip ko. Na parang hinahanap ng lips ko...ang lips niya. Oh my gosh! Nababaliw na ako! Ano ba tong nangyayari sa akin?

"Aabsent ka ba, magka-cutting classes o ano?"

"AY KABAYO!" nagulat ako ng makita kong nakasandal sa pader si Kenji, sa tabi ko. Hala't nagrigidon bigla ang dibdib ko dahil lang sa presensiya ng lalaking ito. 

"So ano? Aabsent o cutting?"

"Bakit nandito ka?!"

"Ako unang nagtanong. Kung aabsent ka, masama sa class record yan. Lalo na kapag nag-cutting. Wala ka namang valid reason. Alangan naman sabihin mong, 'pinanood ko po mag-laro ang boyfriend ko'. Valid ba iyon?"

"Ang haba ng litanya mo. Saka, ano bang ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?"

"Wala. May laro ako eh."

"Hindi kita boyfriend!"

"Sino ba nagsabi? Wala naman di ba?"

"Eh yung sina-"

"Kalaban namin yung boyfriend mo. Saka, bakit ba kanina ka pa sigaw ng sigaw? Wala naman akong ginagawang masama sayo"

"Wala nga!" 

"Oh, sumisigaw ka na naman. Ano bang problema mo?"

"WALA AKONG PROBLEMA!" Umalis na ako at iniwan ito. Bakit ba ako nagkakaganito? Si Kenji lang naman iyon, nagpapanic na ako? Ano bang nangyayari sa akin? Naguguluhan na ako!

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon