Chapter 44: Nurse Dara's Tender Loving Care Part Two

33 0 0
                                    

~Dara's POV~

Huminga ako ng malalim. Kakatapos ko lang kausapin si inay at muli, nagsinungaling na naman akong may overnight kami kila Dina. Bakit ba simula nang mapadpad ako dito sa condo ni Kenji, lagi na lang akong nagsisinungaling sa mga magulang ko? Bad influence talaga yung unggoy na yun!

Inilagay ko sa bulsa ko ang cellphone at bumalik na sa kwarto ni Kenji. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya rinig na rinig ko ang mahinang pagkanta nito.

Maybe it's wrong to say please love me too,

Cuz I know you'll never do.

Somebody else is waiting there inisde for you...

Maybe it's wrong to love you more each day,

Cuz I know he's here to stay...

Ang drama naman ng kanta ng lalaking ito.

Binuksan ko na ang pinto at agad naman itong napatingin sa akin.

"Akala ko, umalis ka na."

"Naka-lock ang pinto, hindi ko alam kung ano ang password" na-shock ito sa sinabi ko. Pinigil ko ang sariling matawa sa reaksyong iyon nito.

"So, balak mo talagang umuwi?"

"Kanina. Eh, naalala ko, nakatawag na pala ako kay inay kaya huwag na lang. Sabihin pa nun ang gulo ko na naman."

"Palusot mo..."

"Siguro..." Nilapitan ko na ito at naupo sa may gilid ng kamay nito. Kinuha ko ang towel sa ulo nito at muli iyong pinigaan. "Okay ka na ba?"

"Mabigat pa rin ang ulo ko. Gusto ko nang matulog." Ipinatong kong muli sa may noo nito ang towel.

"Labas muna ako para makatu-"

"Huwag! Dito ka na matulog."

"Eh kung ako naman ang magkasakit ha?"

"Edi aalagaan kita. Basta dito ka na matulog." Natawa ako dito. Para talaga 'tong bata.

Nahiga ako sa tabi nito at tumingin lamang sa kisame. "Kenji?"

"Hmmm?"

"Bakit ayaw mong magpapaalaga kahit sa yaya mo noong bata ka?" Hindi agad ito sumagot. Iniangat nito ang ulo ko at ipinatong sa bisig niya.

"Dahil ayokong aalagaan niya ako."

"Bakit nga? Ang demanding mo pala kahit bata ka pa lang."

"Siguro. Demanding sa atensyon."

"Bakit naman?"

"Dahil hindi ko naranasang magpaalaga sa mama ko lalo na sa daddy ko kapag may sakit ako. Busy sila, lagi. Kaya sabi ko, hinding-hindi ako magkakasakit. Dahil, ayokong magpaalaga sa iba, maliban sa kanila."

"Bakit nagpaalaga ka sa akin?"

"Dahil hindi ka iba sa akin."

"Hindi iba? Eh halos isang taon pa lang tayong magkakilala, sa chat lang tayo nagka-usap. Feeling ko, iba pa rin ako sayo nun."

"Basta kapag sinabi kong hindi ka iba, hindi ka iba. Period."

~Kenji's POV~

Ang kulit talaga ng babaeng ito. Sabi na ngang hindi iba, ang dami pa ring tanong.

"Ikaw ba, Dara, noong bata ka, inaalagaan ka ba ng magulang mo?"

"Oo naman! Kaya nga natuto ako kung paano ang gagawin kapag mayroong may sakit."

"Buti ka pa..."

"Huwag kang inggetero lalaki ka ah. Hindi bagay." Natawa ako sa sinabi nitong iyon.

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon