Chapter 47: The Boyfriend's Sweetness

51 1 0
                                    

~Author's POV~

"Teh, mapunit na mukha mo. Wagas lang makangiti?" puna ni Dina kay Dara habang kasalukuyan silang nasa canteen ng school nila. Katulad ng usual schedule nila, half day lamang sila ng araw na iyon. Nandoon lamang sila sa canteen upang gawin ang kanilang proyekto.

"Kaniya-kaniyang trip tayo Dina" sagot niya dito na ngumiti pa na halatang kinikilig.

"Ay! Chaka! Alam ko 'yang ngiting 'yan!" sigaw nito. Napatingin dito ang ibang estudyante doon ngunit tila walang pakealam ang kaniyang kaibigan dahil nanlalaki ang mga mata, at may malapad na ngiti habang nakatingin sa kaniya. "I-kwento mo na, dali!" pamimilit nito sa kaniya.

"Ano naman ang ike-kwento ko?" tanong niya dito ngunit hindi maitago ang ngiti sa mga labi.

"Sus, pa-inosente much ka pa. Alam ko naman na alam mo ang tinutukoy ko" hinampas pa siya nito sa kaniyang balikat. Natawa lamang siya sa ginawa nitong iyon. "Dali na! Kwento na!" pamimilit nito sa kaniya.

Maya-maya lamang ay nagke-kwento na siya dito. Panay naman ang impit na tili nito sa mga nakakakilig na parte na kinekwento niya. Mula sa pagdating nila sa mala-fairytale garden, sa pagkain, sa pagtugtog ni Yves gamit ang grand piano, ang pagsasayaw nila sa parte ng garden na may nagliliparang 'christmas lights' ayon kay Dara, at ang pinaka-high light ng lahat, ang first real kiss nila ni Yves.

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaahh! Ikaw na teh! Ang haba ng hair mo!" kinikilig na komento ni Dina. Nangalabit pa ito ng nakaupo sa likod nito. 

"Teh, nakakakilig ang date ng friendship kong itey. Mala fairytale ang peg, promise!" pagkekwento nito sa babaeng kinalabit nito. Ngumiti lamang ang babae. Buti na lang hindi suplada. Napailing na lamang si Dara.

"At dahil diyan, iti-treat kita ng leche flan! Pinakilig mo ako ngayon girl!" sambit ni Dina at agad na tumayo upang umorder ng leche flan sa tindahan kung saan sila naka-pwesto. Napangiti na lamang siya at inabala ang sarili sa pagsusulat. 

May naupo sa bakanteng upuan sa bandang likuran niya. At mula sa umupo doon ay may isang paper bag na inilahad sa kaniyang harapan. Bawal kasi ang plastic bags sa campus nila kaya uso ang paper bag. Napatingin siya doon at sinundan ng tingin ang may hawak niyon. 

Si Kenji!

"Ano 'yan?" tanong niya dito. 

"Tignan mo" iniabot nito sa kaniya ang paper bag. Kinuha naman niya iyon at nakita niya doon ang kaniyang uniform noong isang araw. Tinignan niya pa ang ibang laman niyon at nakita niya din ang kaniyang mga panloob. Nanlaki ang kaniyang mga mata at napahugot ng hininga.

"Sino naglaba nito?" tanong niya dito. Sa ayos kasi ng mga iyon ay halatang malinis na iyon.

"Sino pa nga ba? May iba bang nakatira sa condo ko?" 

"Oh my gosh!" naibulalas na lamang niya. Hindi siya makapaniwala! Nilabhan nito ang kaniyang gamit, lalong-lalo na ang kaniyang panloob. Nakakahiya!

"Oh Dara! Ang treat ko sa nakakakilig niyong love story ni Yves... Ikaw pala Kenji. Saan ka pupunta?" tanong ni Dina kay Kenji.

Namulsa si Kenji. He did a side-glance looking at Dina's direction. "May inabot lang. Paalis na din ako. Baka makagulo pa ako sa nakakakilig na kwento" sambit nito at umalis na doon nang nakapamulsa.

Sinundan na lamang nila ito ng tingin. 

"Tama ka. Opposite nga siya ni Yves. Ang taray pa!" naibulalas na lamang ni Dina na sinimulan nang lantakan ang sariling leche flan nito. 

Humiwa siya nang isang parte ng kaniyang leche flan at muling tumingin sa direksyong dinaanan ni Kenji. Tama nga si Dina. Mukhang ang taray ng lalaking iyon nang araw na iyon. Mas mataray pa kumpara sa mga katarayan nito. Ang gandang term! Taray!

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon