Chapter 16

778 28 5
                                    

Enjoy reading, babes!


Hindi ko maiwasang isipin–balik-balikan iyong pagtapat ni Ryu sa akin nung araw na iyon. Mag-iisang buwan na mula nung aminin niya iyon ay hindi ko pa rin maiwasang kiligin. Dahil siguro pareho kami nang naramdaman?

Ngunit kahit may label na kami ni Ryu ay wala namang nagbago sa turingan namin. Nandiyan pa rin ang mga ugali at ekspresyon niyang hindi na magbabago. Pero syempre kahit gano'n ay may positibong ugali naman sa kanya na gustong-gusto ko. Kagaya ng pagiging maalalahin niya, maalaga, maintindihin, at ang nagpapakilig sa 'kin–ang palagi niyang pagtawag sa 'kin ng baby.

At sa usapang away at tampuhan nama'y hindi pa namin 'yan napagdaanan. I have never fought him or sulked with him and he did the same to me. Siguro dahil bago pa lang kami? Or, maybe we really don't have anything to quarrel about?

If the time comes for that to happen, I hope we can just pass it on so that the problem does not escalate. And we will not get to the point that...

Tsk! Ba't 'yan ang iniisip ko?  Ang daming dapat isipin ba't ganyan pa?!

"Bestfriend! Bestfriend!"

Nagtataka akong huminto saka humarap sa kung saan nangaling ang pag-sigaw. Napataas kaagad ang 'sang kilay ko nang makita ang patakbong si Zaina na tinungo ako.

Kagaya ko'y naka-uniporme rin siya at halatang kanina pa tumatakbo dahil sa noo niyang may pawis at sa hinihingal siya.

"Bakit?" maya-maya'y tanong ko nang makabawi siya ng hininga. "May humahabol ba sa iyo?"

Marahas siyang umiling-iling saka hinawakan ang balikat ko. "Sabay kayo ng beybe mo umuwi ngayon?"

"Hindi... Maaga siyang umuwi, pinuntahan ang ka-banda niya," ngumiti ako saka sinundot ang tagiliran niya. "May balak ka bang ihatid ako?"

"Ay, iba! Pero sige ba. Kung 'di lang talaga sikat ang banda ni Jethro ay 'di talaga kita ihahatid!"

"H-huh?"

"Sus ka, 'te!" she even gave me a mocking grin before she pulled me towards the paking.

Naguguluhan, nalilito ako sa sinabi ng kaibigan ko kanina. Hindi 'yon mawalawala sa isip ko habang hinatid niya ako sa apartment.

Ang alam ko... Ako, kaibigan ni Ryu at pamilya lang niya ang nakakaalam na may banda siya? Pa'nong alam ni Zaina... Does that mean that Ryu's band has already been made public by the agency?! Why didn't I even find out? Why didn't he even tell me?

Ayoko sanang magtanong kay Zaina tungkol sa banda na sinabi niya ngunit 'di ko maiwasan sa kadahilanang kinakain ako ng koryosidad. At kahit ano mang tago ko sa aking naramdaman ay hindi ko talaga maiwasang magtampo kay Ryu. At hindi ko alam kung bakit.

"Nga pala, Zai, saan mo nalaman na may banda si Ryu?" pang-enosente ko pang tanong.

"Internet, besh! Siya ang huling member ng Nexus... Kaninang alas-dos kinomperma."

Medyo nagulat pa ako sa naging sagot niya ngunit mabilis ko iyong binawi ng ngiti. "Ah-hmm... gano'n ba..."

Umirap siya pagkatapos ay ngumuso. "Oo, gano'n! Kaya muntik na nga 'kong magtampo sa 'yo dahil 'di mo man lang ako inin-form na kasali pala ang beybe mo sa Nexus!" Parang bata niyang giit na agad ring nagseryoso. "Pero, besh, nagulat talaga ako nang malamang 'yung kasamahan niya nung anniversary ng LU ay iyon 'din ang kasamahan niya sa Nexus. O, 'di ba ang galing?"

Isang hilaw na ngiti na lang ang ginawad ko sa kwento niya. And if Zaina was upset and surprised by what she found out, how could I? Maybe I felt too much about my friend, I am his girlfriend but I was unaware of what had happened, walang ka-alam-alam.

Nexus Band #2: ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon