Chapter 26

1.2K 44 8
                                    

Thank you sa nag-comment! Enjoy reading, babies! 😘

"Dito nag-work ang Mommy mo?"

I was immediately grabbed my chest when I heard Asher's question sa anak ko. Halu-halo na ang maramdaman ko: natatakot, kinakabahan at the same time. When my eyes looked for my son, he focused on the man who matched his height, he still smiled and if I'm not mistaken it was Jethro.

Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon nila—lalong lalo ang naging reaksyyon ni Jethro kasi nakatalikod sila sa akin. Tanging ang nakangiting si Ruki lang ang nakita ko, at si Feya na nasa tabi niya. Tulala rin.

"Yes," nakangiting tugon ng anak ko at luminga-linga sa paligid na para bang may hinahanap. Nang magtama ang mga mata namin ay ganoon na lang ang lawak nang ngiti niya. "She's here!"

Parang tumigil ang aking paghinga saglit ng kawayan ako ni Ruki lalo pa nang nagsilingunan ang apat na lalaki. Hindi ko nakita kung anuman ang naging itsura ng tatlo dahil nakatuon ang mga mata ko kay Jethro na ngayo'y may iba't-ibang emosyon na pinapakita ang mga mata niya. Sa paraan ng pagtitig niyang 'yon ay alam kong may ideya na siya.

And with that stare of his, I drowned even more that I didn't know how to get up again. It was as if the way he was staring at me wanted to dig into my eyes to find the answer there. My eyes were already watering and I averted it from him and focused on my son who's still smiling.

"Mommy, come here po!" inosenteng kinaway ni Ruki ang kamay niya sa akin.

Tipid na ngiti akong humakbang papunta sa kinatatayuan nila. Gustong huminto ng mga paa ko pero ang utak at puso ko ay animong sunod-sunoran sa anak. Napabuntong-hininga ako. I think, wala na akong choice kun'di ang harapin sila, harapin si Jethro at tanggapin ang biglaang pagkikita ng mag-ama.

Darn it. This's not what I want to happen. Not this instance and especially not this place. Pero wala na akong magagawa. Fortunately, 'di masyadong matao rito sa building ng Nexus kaya medyo kampante ako.

"Ikaw ang nanay nitong bata?" 'di makapaniwalang tinuro ni Nathan ang anak ko. Mabilis niya akong sinulyapan gayon din ang ginawa niya sa katabi, kay Jethro.

Napakagat ako sa pag-ibabang labi, tumango. Iniwasan kong sulyapan si Jethro na batid kong nasa akin ang mga mata. Halatang hindi niya iyon niiwas at naghihintay na tingnan ko siya. Pero wala akong lakas para labanan iyon lalo sa ganitong pagkakataon.

"Mommy, they also told me na kamukhang-kamukha ko raw si Mister Jethro," marahang kinalabit ni Ruki ang kamay ko halatang gustong kunin ang atensyon ko.

"Huh?" paboritong isasagot ko talaga iyan lalo kung wala akong matinong maisasagot.

"Fan po kayo ni Jethro, Ate? Sa kanya po ba pinaglihi si Ruki?" walang prenong tanong ni Feya na nasa tabi ko. "Pati po ba pangalan kay Jethro niyo rin kinuha?"

Muntik na akong mamasid sa tanong ni Feya mabuti na lang naunahan ako ng biglang napaubo si Levi sa gilid. Halatang gulat din siya sa tanong ni Feya. Sa tanong na hindi ko masasagot.

"I think we need to talk," Jethro's voice was cold. Mula nang dumating ako ay ngayon ko lang narinig na nagsalita siya. Kahit 'di niya sinabing sino ay batid kong ako. "Follow me."

Wala na akong kawala kaya tumago na lang ako. "Ihahatid ko muna sila Feya sa labas—"

"Escort them to the practice room, Lev," pagputol ni Jethro sa akin. Humakbang siya papunta sa akin—kay Ruki saka pinantayan ang tangkad ng anak ko. "Come with them first, okay? We'll be back after. I just want to talk to your Mom," malumanay na kinausap ni Jethro si Ruki.

Nexus Band #2: ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon