Enjoy reading, babies!
"Tess, ikaw nga raw ang gusto niyang maging designer at hindi ako!" ani Ma'am Kisslie, umaga nang masalubong ko siya sa entrance ng elevator.
Marahang napahawak ako sa sentido nang hilahin niya ako papasok sa elevator. Lutang pa nga ang ulo ko'y dinagdagan pa niya! Umagang-umaga at hinaing niya ang bumungad sa akin. Hinyaan ko na lang siyang magsalita. Kahit wala siyang nakuhang tugon sa akin ay nagpatuloy pa rin siya sa animong inilabas lang talaga ang gustong niyang sabihin. Mabuti na lang at kami lang dalawa ang nasa elevator sa mga oras na iyon.
"I explained to him everything that I'm really his real designer na pinalit lang kita. But he didn't listen, Tess!" I nodded slightly.
Waiting for when she will stop and how more minutes I will spend in the elevator with her!
"Alam mo bang nasaktan ako sa mga oras na iyon? Sa tingin ko'y ang pangit ko dahil tinanggihan ako ng isang Jethro Yanez! Pero, okay lang! Kahit hindi ko siya nasukatan kahapon—may free autograph naman ako..." nang tingnan ko ang itsura niya'y para siyang batang kagagaling lang na umiyak ta's nang bigyan ng candy ay bumalik uli sa pag-ngiti.
“Good for you,” I uniquely commented.
"Yeah!" ngumiti siya at saktong pagbukas ng elevator.
I sighed for relief as we got out of the elevator, finally the noise I could hear would be reduced as well.
"Dito na ako sa table ko," ngumiti ako kay Ma'am Kisslie, kinawayan siya at tatalikuran na sana ng bigla niya akong tinawag.
"Wait, Tess!" kumunot ang noo kong lumingon nang makitang naglakad siya patungo sa akin. "He want you, Tess... He wants you to be his designer so good luck in case you're called to the CEO's office," halos bulong ng aniya.
I blinked twice. "What?"
"Magkakakilala ba kayo?" tanong niya na ikinatigil ko. "Ah... Baka na love at first sight sa 'yo!" dugtong niya ng hindi ako makasagot, halatang kinikilig.
"H-Hindi ko iyon kilala," muntik ng maipit ang dila ko.
Tumango siya. "Okay! Basta ako okay na sa autograph niya! By the way I gave your number to Jethro, he asked for it, he said he wanted to talk to you," he said with a smile. "Good luck!" nakangiting aso siya. "Good luck!" at tuluyan na niya akong iniwan na tulala.
Ano ang ibig niyang sabihin?! At sa sandaling pagkatulala ko'y biglang bumalik sa utak ko ang biglaang pagtawag ni Jethro noong nasa bar kami nung kaibigan ko. At sa gabing iyon ay ang pagsambit ko lang sa pangalan niya ang tanging nasabi ko saka binabaan siya ng tawag. Kaya wala ako sa katinuan ng umuwi ako sa condo, hanggang sa pumasok ako sa trabaho kinabukasan na hanggang ngayong araw ay dala-dala ko pa rin iyon.
Fortunately, that was the first and last call. After I dropped the call, he didn't call again, as if he was just assuring if the number he was calling was really mine.
And now I just realize where and with whom he got my number. Sabi nga ni Ma'am Kisslie, binigay niya, kaya hindi na ako nagtaka. Pero hindi iyon ang gumagabag sa loob ko buong umaga kun'di iyong sinabi ni Ma'am na may posiblidad na ipapatawag ako sa CEO's office. Para saan? To convince me to be Jethro’s designer?
That question of mine was confirmed when I entered the CEO’s office. In front of me was a woman who I estimated to be in her fifties. She's beautiful, also a famous international fashion designer. She is also the CEO of the company I work for, UniqSimple clothing line.
"It was the client himself who requested that if you could be his designer—personal designer..." panimula niya. Kahit hindi man niya binangit kung sino ay batid kong si Jethro iyon.