Chapter 3

952 28 2
                                    

Kinakabahan ako sa Chapter na 'to. 'Di ko alam kung maayos ba ito. Kahit 'di ko batid kung maayos ba ang Chapter na ito.... Thank you pa rin. - Pmintgreen

——————————————————————

"Bakit?" tanong ko kay Zaina nang makarating ako sa kinatatayuan niya. Mapupugay ang mga mata na alam kong medyo lasing na siya.

"Magbabar sana kami," ngiting sabi niya.

"You drunk, Zai. 'Di ba puwedeng dito na lang kayo?"

Anong meron sa bar at ba't suki sila ro'n? Maliban sa inuman at sayawan ay wala ng puwedeng gawin. At sa ganitong sitwasyon pa talaga sila pupunta. Kitang dis oras na ng gabi.

"Sige na, besh... birthday ko naman, please," aniyang hinawakan ang aking palad. "Marami naman kami..."

I sighed. "Sasamahan na lang kita para may magdadrive sa 'yo."

"No need. I'll just ride with Ky and Ill just sleep in her unit," nakangiti pa rin.

Mahina akong bumuntong hininga saka alinlangang tumango. Ayaw ko man, ngunit sa kanya naman ang desisyon. I could do nothing but let her. I was annoyed at the part where she asked for permission from me but she'd just make her own decision. 'Di ko iyon gusto.

"Uuwi na rin ako sa apartment," I said casually. "I'll just find a cab downstairs."

"No. Dito ka lang matutulog, Tess," siya naman ngayon ang napabuntong hininga.

"Ayoko rito. Hahanap na lang ako ng cab sa 'baba," ngumiti ako ng pilit. "Kukunin ko lang iyong bag ko sa kwarto mo. Magbihis ka na rin nang sa gano'n makaalis na kayo."

Umalis na ako sa harapan niya saka tumungo sa kwarto. Diritso lang ang ginawa ko at 'di sumulyap sa mga kaibigan ni Zaina na nasa sala. At nang nakuha ko na ang aking bag ay lumabas ako at tumungo sa kinauupuan ni Ky. Kahit naiinis ako sa kaibigan ko'y nag-alala pa rin ako.

"Ky?" kinuha ko ang atensyon niya na nasa kaibigan niya. Akala ko siya lang ang lilingon perolahat pala sila.

"Sweetheart," nakangiting aniya ng lalaki. "Tabihan mo 'ko rito," tinapik niya ang katabi niyang upuan.

"Magkakilala na kayo ni Tess, Matt?" Ba't sweetheart, kayo na ba?" panunuksong sumulyap si Ky sa 'kin at ibinalik sa lalaking Matt ang pangalan.

"Soon. Isn't it, sweetheart?" nakangiting sabi ni Matt na sa pagtantiya ko ay lasing na.

Bumuntong hininga ako at 'di na lang sumagot sa tanong na wala namang katutuhanan. Na sa tingin ko naman na baka dala lang iyon sa kalasingan niya. At isa pa, si Ky ang sadya ko at 'di si Matt.

"Ky, sa unit mo na lang patulugin si Zaina..." mahina kong sabi kay Ky. "Mauna na ako sa inyo."

"You'll not come with us?" tanong niya. "I thought you were coming?"

Umiling ako. "I'm getting sleepy. Sa ngayon kayo lang muna. Bawi ako next time."

Nakangusong tumango siya. "Sino ang maghahatid sa iyo?"

"Hahanap na lang ako ng cab sa---"

"No," medyo malakas niyang untag. "Matt, ihatid mo muna si Tess, bago tayo pupunta sa bar."

Napatanga ako sa tinuran ni Ky. Gusto kong magpahatid ngunit 'di kay Matt, hindi sa kanya. Ayoko. Kung si Matt lang naman ang maghahatid sa akin, mas mabuting mag cab na lang ako kahit walang kasiguraduhan kung meron pa.

Nexus Band #2: ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon