Chapter 35

1.1K 28 14
                                    

Thank you sa inyong lahat! Last Chapter na 'to nang FORGIVENESS. Ma-miss ko si Ryu at Tess—si Ryuki rin huhuhu.

"You okay now, babe?" tanong niya sa akin nang makaupo kami sa 'di kahabaang bench kung saan 'di kami mainitan.

I nodded slowly but still clung to his arm. I've been like this for more than an hour, even his clothes were wet with my tears but he didn't complain and let me cry. He didn't ask, he didn't speak at tanging mahihina ko lang hikbi—mahihina kong salita ang naririnig hanggang sa tumigil na ako ng wala nang luha na lumalabas sa mata ko.

"Thank you, babe," I murmured, tightly wrapping my arms around his waist.

He chuckled. "Welcome?" then sigh. "Next time, babe, 'wag mo ng sarilihin 'yang problema mo o ano pa man 'yan, hmm? I'm here... ready to listen and won't leave you. I'm with you, baby. I'll be with you. Besides, that's my responsibility, isn't it? I'm your boyfriend who'll also be your husband soon..."

Napatawa ako ng mahina sa pagitan ng dibdib niya. Bakit hindi ko 'yon naisip? Saka excited ang lolo niyo masyado. Ngunit agad akong napakunot ng noo nang may napagtanto. Kanina pa kami nandito, pinatahan niya ako sa pagiyak ngunit hindi ko man lang natanong sa kanya kung pano'ng alam niya na puntod ng mga magulang ko ang aking pupuntahan?

"Ba't alam mo na nandito ako?" umalis ako sa pagkakayakap, nagtanong. "Hindi ko naman sinabi sa 'yong—"

"I called Auntie last night..." sumilay ang maliit niyang ngiti sa labi. "I just asked if you had arrived, because you couldn't be contacted—you didn't even think to text us," inirapan niya ako. "Her mouth slipped last night and said you were going to your parents' grave."

"Hindi ka na lang sana nagpunta rito, uuwi rin naman—"

"What if I didn't came here? You've no one with you while you're crying... walang tatahan sa iyo. I can't imagine that, babe. I'll just be irritated to think 'bout what will happen to you—if you're okay, lalo't wala kang kasama."

"Ba't ang sweet mo?"

"Really?" his mischievous smile flashed saka mariing pinisil ang pisngi ko tila nangigigil kaya mapangiwi ako sa sakit. "Then Mom came, too."

"Mom?"

He smirked. "Yeah, our Mom..."

"Ryu Jethro!"

"Hey-hey... Gusto raw makilala ni mama-natin si Auntie," tumikhim siya at napaiwas ng tingin.

Umirap ako. "Nasa bahay sila ni Auntie ngayon?" my eyes widened.

Tumango siya, malambing na ngumiti. "Yes, babe. Mamanhikan?"

Speechless akong nakamasid sa kanya. "Ryu..."

Mas lalong lumawak ang pagngiti niya't maya-maya'y tumayo saka marahan na hinila ako papatayo. Nawalan ako ng salita kaya agad niya akong nahila papaalis na walang pangrereklamong nakuha sa akin. Until we got to Auntie’s house I was still out of my mind. I saw Jethro's parents on the wide sofa and Auntie, Uncle on the other side—even my cousin, Rhaven, was with his parents.

Nagtatawan sila—nagku-kwentuhan habang ako'y hindi alam kung ano ang gagawin. Ano bang manhikan ang sinasabi ni Ryu? Ba't gusto makilala ni Tita ang Auntie ko?

"Gusto kong hingin sa kanila ang kamay mo, Trishmarie," nagulat ako nang magsalita si Jethro sa tabi ko.

"Bakit?" tinunghayan ko siya.

"Isn't it obvious, babe? To make our relationship legal," napakagat siya sa sariling labi at walang pasabing hinila ako patungo sa gawi nina Auntie.

Nexus Band #2: ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon