Chapter 6

791 32 4
                                    

Sorry dahil natagalan sa pag-update 😫. Promise babawi ako. Sorry talaga. Sana po mag-enjoy kayo! Happy reading!
-Khy

Boring. Iyan ang naramdaman ko sa tatlong araw nang magsimula ang one week na walang pasok. Tanging panunuod ng palabas sa TV, ang paglilinis, pagski-sketch, at pagriri-view ang ginagawa ko. Wala rin namang Zaina ang mangungulit sa 'kin dahil umuwi iyon sa bahay nila.

Ayoko namang umuwi sa tagaytay dahil bago pa lang akong umuwi roon at isa pa wala rin naman akong gagawin doon. At baka hindi rin ako makakapagriview do'n dahil sa kakulitan ng pinsan ko. Mas gustohin ko pang sa apartment na lang ako mananatili. Titiisin ko na lang ang sanlinggong boring at itutuon na lang ang atensyon sa pagriri-view.

And the next day my routine was still the same all day. Ngunit naragdagan iyon nang maisipan kong mag-grocery nang masilipan ko ang refrigerator na walang laman. And the last thing I did that day was playing on my cellphone which I also suddenly moved when I thought of opening my Instagram account. Because I also realized that I did not know when I last opened it.

And in a few minutes I was also browsing when I stopped when I heard the sound of a doorbell outside. I frowned when I glanced out my bedroom window and saw that it was getting late.

Kahit nalilito ay bumangon pa rin ako at lumabas. Wala akong ibang inaasahan na taong tutungo sa apartment ko kun'di si Zaina lang. Dahil imposible namang mga pinsan ko dahil alam kong busy rin sila. Posibling si Zaina. Na baka kababalik niya lang at dito na dumiritso. Pero iyon ang maling akala ko nang mabuksan ang gate at hindi si Zaina ang bumulaga sa akin.

Napakurap-kurap ako habang hinigpitan ang pagkakahawak sa gate nang maharap ko si Ryu. 'Di ko alam kung bakit siya nandito at kung ano ang kailangan niya. Ilang sandali rin kaming nagtitigan nang ako na ang kusang umiwas dahil sa pagkailang ko.

"May kailangan ka?" ilang minuto rin ako bago nagtanong nang mapansin kong wala naman siyang balak magsalita.

"Hmm," aniya at hinugot ang kamay niyang nasa bulsa saka pasimpleng kinamot ang batok.

Binaliwala ko ang nakita at nilakihan pa lalo ang pagkabukas ng gate at lumabas. Nang sa gano'n ay makita ko pa siya lalo.

"Ano?" kapagkuwa'y na tanong ko. "Anong kailangan mo at ba't nagpunta ka pa rito kung pwede namang i-text mo na lang."

Napabuntong hininga siya. "Are you mad?"

Gulat na umiling ako. "No. I mean, nagtaka lang talaga ako kung bakit ka nandito," palihim kong kinagat ang pangibabang labi saka umiwas ng tingin.

He took another deep breath.  "I would like to take you with me tomorrow. If you do nothing?"

Maagap akong nagangat ng tingin dahil sa deritsahang pagkakasabi niya. Pinuproseso ko pa kung tama ba 'yung narinig ko galing sa kanya o baka naman namali lang siya sa sinabi niya. Nakita kong kunot-noong umiwas siya ng tingin saka bumuga ng hangin.

"So, are you doing anything tomorrow?" desmiyadong tanong niya.

Suminghap ako ng hangin. "Wala akong gagawin bukas," sabi ko na ikinatingin niya uli sa 'kin. Sinusuri niya ang mukha ko kung nagsasabi ba ng totoo, ngumisi ako. "Pero wala rin akong sinabi na sasama ako sa 'yo bukas."

He smirked. "Alright. I pick you up here tomorrow," aniya na ikinakunot ng noo ko. Ngunit mas lalo pa siyang ngumisi at ibinulsa uli ang dalawang kamay. "Exactly eight."

"Huh?" napamaang kong tanong.

Humakbang si Ryu papalapit sa akin saka hinugot ang sankamay at nakangising ipinatong iyon sa ulo ko. Napalunok ako sa ginawa niya. At gusto ko ring matawa sa kalayuan ng height namin. Sakto lang naman ang height ko, he is just really tall.

Nexus Band #2: ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon