Sorry kung super late update. I'll try pong mag-upadte two chapter every week. Sorry once again and thank you.
Enjoy reading, babies!"Baby..."
Napakagat labi akong nagpatuloy sa paglalakad at 'di na pinansin ang pagtawag ng lalaking dahilan nang biglaang pag-iyak ko ngayon. 'Di ko batid kung bakit gano'n niya 'ko kabilis nahabol na kanina pa'y nasa entablado pa siya, si Ryu.
"Baby... Trishmarie?" He called me again, not like before 'cause now he has touched my arm. "Baby..." he whispered a little breathlessly.
"Bakit?" I asked weakly while still turning my back on him. I also clenched my other fist and also prevented my tears from flowing.
"I should ask you that," bumuntong hininga siya saka ako dahan-dahang iniharap sa kanya. And now my eyes immediately landed on his puffy eyes. "Why, why did you leave?"
Segundo lang ang nagtagal ang pagtitig ko sa mata niya ng mag-iwas ako ng tingin sa kadahilanang hindi mabatid, para bang kusa na talaga akong umiiwas 'pag tinitigan siya.
Hindi, Ryu. Ako dapat ang magtanong niyan, hindi ikaw. Ang daming bakit sa isipan ko na dapat itanong ko sa 'yo.
"Inaantok na kasi ako... Ayoko namang abalahanin ka, kaya lumabas na lang ako," deritsang sagot ko. "Ikaw, ba't umalis ka?"
Bumuntong hininga lang ang narinig kong sagot niya, naramdaman ko rin ang pagtitig niya sa 'kin.
"Let's go home..." he said then carefully pulled me towards the parking lot but I stopped which also stopped him. "What?" naguguluhan niyang saad, bahagya ring kumunot ang noo niya.
"Alam kong hindi pa tapos ang gig niyo, at kaya ko rin namang umuwi mag—"
"I finished our gig so I'll take you," hindi na ako nagreklamo pa dahil alam ko namang hindi ako mananalo sa kanya.
Kung bakit ba kasi hanggang sa isipan ko lang talaga siya kayang tanungin tungkol sa bandang kinabibilangan niya. Kung bakit hindi ko siya matanong kung totoo ba iyong i-menensahe ni Zaina sa 'kin. May karapatan naman siguro akong malaman iyon 'di ba? Maybe I have the right to know and he also has the right to say about it, right?
Nang nasa daan kami'y wala kaming imikan, pero halata sa itsura niya na gusto na talagang magsalita. I noticed that he glanced at me and then let out a sigh. Habang ako naman'y binaliwala lang siya.
Ang dami kong iniisip, ang daming salitang gustong kumawala sa bibig ko, pero ang tanong; ba't ayaw lumabas, ba't ayaw ko siyang tanungin?
Am I afraid to know the truth? Am I afraid to know that what Zaina said is true?
"Fuck!" Mabilis akong napakurap at lumingon kay Ryu na ikinabigla ko nang mahawakan niya ang magkabila kong pisngi at may pinunasan doon. And that's when I realized that he wiped away the tears. At doon ko rin namalayang huminto na pala kami. "What's wrong?" he almost whispered the question.
"Bakit?" halos pumiyok na ang boses ko nang itanong 'yun sa kanya.
Marahang kumunot ang noo niyang tinitigan ako animong nando'n ang sagot. "Huh?"
"Bakit 'di mo sinabi sa 'kin kung saang banda ka nabibilang?" bahangyang umuwang ang bibig niya kaya nagpatuloy ako. "Bakit gusto mong sa iba ko pa malaman... Bakit mo pa nilihim sa akin eh alam mo namang sikat 'yun at posible talagang pagusapan..."
Mariin siyang napalunok saka nagiwas bigla ng tingin na agad ding bumalik ang tingin sa 'kin. "Baby... I'm sorry I did not intend to keep it from you—"