Chapter 27

1.3K 32 4
                                    

Pagpasensyahan niyong late na naman ang aking pag-a-update. Medyo busy sa buhay bilang estudyante 😂. By the way, thank you to someone (alam mo kung sino ka) sa pag-advice mo sa 'kin sa panahong muntik na akong ma-down 😊. ENJOY READING, MGA BABIES KO!


"Daddy?"

Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang boses ni Ruki na nasa likuran kaya walang pagatumbili kong sinuko si Ryu Jethro na nakayakap sa likuran ko. Dahilan para napabitaw siya sa pagkakayap at mabilis na pahawak sa gilid ng tiyan niya, iniinda ang sakit galing sa pagsiko ko. Imbes na pansin siya'y mas itinuon ko ang paningin sa aming anak na nakatayo sa 'di kalayuan sa gawi namin.

Napalunok ako, pinamulahan sa mukha ng wala sa oras nang makita ang naguguluhang mukha ng anak. Sumulyap si Ruki sa akin bago inilipat ang tingin sa ama niya na agad ikinakunot ng noo niya.

"Dad, are you okay?" naguguluhang tanong nito sa ama.

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang kalagayan ni Jethro sa gilid ko. Kinakabahan kong nilingon siyang ngayo'y nakahawak na ang isang kamay sa island counter bilang suporta. Hahawakan ko na sana siya para tulungan nang angatan niya ako ng tingin—masamang tingin bago lumingon kay Ruki, tumango-tango.

"I'm alright, son," ngumiti pa siya kay Ruki kahit batid na masakit pa ang gilid niya. "Come here," pagtatawag niya sa anak.

Ruki immediately followed Jethro's words. Naglakad nga ito patungo sa tatay niyang may ngiti sa labi. While I looked away from them. Especially to Jethro when I saw him glancing at me. The pain on his face was still there.

Malakas ba talaga ang pagkakasiko ko? Para namang hindi ha?! Masakit ba talaga o nag-drama lang siya?

"Why you woke up early, son?" I heard him ask Ruki so I caught a glimpse of them.

Nakaupo si Jethro sa high chair habang pinupo niya naman si Ruki sa counter kaya halos magpantay lang ang tingin nilang dalawa. Ang ganda nilang panuorin sa ganoong posisyon, lalo na't makamukha talaga sila. Kuhang-kuha talaga ni Ruki ang kanyang ama.

"Because you weren't by my side when I woke up, Dad. I thought you left me again... Akala ko umalis ka na naman..." tugon ni Ruki sa kanyang ama na hindi pa rin pinutol ang tinginan nila. "You won't leave me, will you?"

Jethro even turned to me before he looked at our son with a smile on his lips. "Of course I won't do that, son. I can't do that..."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi. I know. I knew Jethro couldn’t do that to Ruki. I smiled bitterly and turned my back on them first ng maisipan kong ipagtimpla si Ruki ng gatas. I just listened to them while making milk. Napailing pa ako, smiling to hear how they exchanged words. It was as if they already knew each other even though they'd only met last night. Or maybe, sabik lang talaga si Ruki at ganoon din si Jethro?

"Ruki, inimon mo muna 'tong gatas," lumapit ako kay Ruki nang huminto sila sa pag-uusap.

Ruki's face was little surprised when I spoke as if he was just noticing my presence. Napanguso ako 'di dahil sa nagtatampo kun'di dahil sa reaksiyon ng anak.

"Good morning, Mom!" nakangiti siya at binuksan ang magkabilang braso para sa yakap.

I smiled, lumapit sa kanya—sa gilid ni Jethro. "Good morning," ibinalik ko sa anak ang ngiti, niyakap siya.

"Where's my good morning kiss, Mom?" nakangusong saad ng anak ko matapos ang yakapan namin. As he wanted, I kissed both of his cheeks. "Thank you."

Isang mahinang pagtikhim ang narinig ko galing sa gilid dahilan para lingunin ko si Jethro. Hindi niya ako tiningnan habang inabot ang gatas saka inilahad kay Ruki. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa pakakasiko ko nang lingunin niya ako gamit sa pilyo niyang tingin.

Nexus Band #2: ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon