Chapter 24

1K 30 9
                                    


"Miss, nandito na ang banda."

Marahan kong inangatan ng tingin ang secretary ng mananger ng Nexus nang tawagin niya ako. Bumuntong hinanga na lang ako saka tumango ng kaunti sa babae, she smiled habang tinalikuran ako.

Panibagong araw na naman para sa akin na harapin si Jethro. Panibagong araw na wala akong ibang ginawa kun'di ang maging designer niya, make up artist at hairstylist. Hindi ko alam kung tama pa ba ito—o kung niloloko lang ba ako ngunit iyon talaga ang naging routine ko araw-araw. Kunti lang ang alam ko sa make up, sa pag-ayos ng buhok pero hindi na ako nagreklamo. Ginawa ko na lang kung ano ang gusto niyang gawin ko.

It's been a week na ganito. The band has been busy preparing their new album. Almost every day there's a photoshoot, sometimes they even practice. So, I also became busy being Jethro's personal designer—personal make up artist—personal hairstylist. Sa dami ng trabaho ko ay mas bagay itong tawaging P.A niya. Dahil isa lang naman talaga ang trabaho ko, ang pagiging designer niya ngunit umabot ako sa trabahong 'di ko pa naranasan sa tanang buhay ko. Pero sabi ko nga, I can't do anything.

Gusto ko sanang mag-backout nung pangatlong araw ko. Sa tingin ko kasi hindi ko kaya ang pina-gagawa niya, bahala na kung hindi ko makukuha ang hinihingi kong forgiveness. Pero 'pag naalala ko si Ruki—ang mukha ng anak ko'y may kung anong bumulong sa akin na dapat ko 'tong tiisin. Hindi para mapatawad niya ako kun'di para tuparin iyong hiling ng anak ko, ang makilala ang kanyang ama.

"Baka malunod ka sa sobrang lalim ng iniisip mo, Miss," isang baritonong boses ang nagpabalik sa katinuan ko. And when I looked, there was one of the band members, Asher. Ang guitarist ng banda.

He's also handsome, they're all handsome. Walang negative feedback kung sa itsura lang ang pagbabasihan. May iba't ibang parte sa itsura ng apat na nagbibigay atraksiyon sa kanila. Tulad ng kaharap ko, si Asher. Kung titingnan mo siya'y masungit pero kabaliktaran doon ang ugali niya. His dimple on his right cheek is attractive especially when he smiles. He's a type of guy who looks like a playboy or maybe he's just really friendly? I don't know.

"Tangina, Yanez! May gusto na 'ata itong designer mo sa akin!" impit na sigaw ni Asher kaya napakunot ang noo ko.

"Don't look forward for it, dude..." nag-tsked siya. "...may boyfriend na 'yan," Jethro replied coldly, nilibot ko ang mga mata nang tumigil ito sa kanya, nakaupo sa upuang kaharap ng malaking salamin.

"Talaga? May boyfriend ka na, Miss?" biglang sabat ni Nathan or N na bagong dating. Siya naman ang bassist ng banda, taga-palit din minsan kung wala ang vocalist nila.

Tulad ni Asher ay gwapo rin siya. Agaw pansin sa kanya ang malalim na pares niyang mga mata at ang box niyang ngiti. Dagdagan pa sa undercut niyang buhok.

Sa ilang araw kong kasama sila'y mas nakilala ko pa ang banda ng maayos. Whatever they show in front of the camera is the same on off-cam. Mas lalo lang silang kumulit except kay Jethro na ang lamig ng pakikitungo, nasa camera man o wala. And also, wala si Levi Napiere ngayon, ang vocalist nila... Busy kasi sa asawa!

Umiling ako. "Wala ako no'n," medyo nilakasan ko iyon nang sa gano'n ay marinig din ni Jethro.

"Liar," mahina, walang pakialam na sambit ni Jethro.

The two were stunned because of that, they turned to Jethro with a questioning face before they moved to me. I smiled and slightly, shook my head.

"Dahil iyon naman ang totoo," giit ko. "Isa lang ang naging boyfriend ko."

"Seriously? Sa ganda mong 'yan?! Anak ng—" lumapit si Asher sa akin, maging si N ay ganoon din. "May kakilala ako, puwede kitang ilakad—aray!"

Nexus Band #2: ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon