I'll dedicate this chapter to Meray, my sister who's always there to support me. Kapatid kong mas ATE pa kung umasta sa akin 😂. Thank you so much, sis! I love you 💙
Enjoy reading, babies!
"Happy sixth birthday, baby..."
Bagong gising si Ruki, hirap pa niyang ibinuka ang mga mata nang batiin ko siya. Ngayon araw ang kaarawan niya kaya naisipan kong puntahan siya sa kanyang kwarto. Malawak ang ngiti ko ng sabihin 'yon sa kanya ngunit kabaliktaran naman ang kanya.
Halatang 'di siya excited ni hindi nga ngumiti gaya noong nakaraang birthday niya. Lazy face, slumped shoulder, he still managed to look up at me.
"Thanks, Mom," saad niya, bumuntong-hininga. "Daddy isn't here yet?" he asked, tilted his head-glanced at the door.
Pinantayan ko ang mukha niya. "'Di ba nagpaalam siya sa 'yo? Ang sabi niya makakarating siya, right?"
"Yes... but he didn't promise."
Napapikit ang mga mata ko sa harapan ni Ruki, inaalala kung nangako ba si Jethro sa anak ngunit gaya nang sabi ni Ruki-hindi nangako ang kanyang ama. Ang sinabi lang nito sa anak kahapon ay makakarating siya-nandito-sasamahan si Ruki sa kanyang kaarawan.
Wala si Jethro mula pa kahapon sa hapon nang tawagan siya ng kanyang manager-pinatawag ang banda sa Beat High. Sa tingin ko natapos na ang araw na pahinga nila kung saan binigay nang agency matapos nilang gumawa ng bagong album. Ngunit hindi ko inaasahang kung kailan kaaarawan ni Ruki iyon nangyari. Akala ko'y matatapos ang kaarawan ng anak namin bago siya babalik sa kung saan siya dapat.
I know they'll be busy again with their new schedule. Aware naman ako-maging si Ruki aware rin na magiging busy ang kanyang ama ngayong buwan at sa susunod pa. I think our son understands that. Jethro explained that well. Maybe, he's just upset now because, kung kailan nakilala na niya ang kanyang ama ay wala naman ito sa birthday niya.
"Didn't he call you, Mom? Or, maybe he texted?" Ruki asked again when we're at the table, kasalukuyan ko siyang sinusubuan ng kanin. "Kahit bumati man lang sa akin?"
I couldn't answer my son immediately. I wanted to reassure his feeling but I didn't want to lie-that his father didn't even call or text to greet him. And whatever the reason Jethro didn't call, only he knew.
Even, I, there's wide understanding that he's busy with the band, I still can't help but get annoyed. It's annoying why he hasn't done even a single text to greet his son. Is he really so busy that he forgot? Or what?
"TitaMoms called, Mom," bumalik ako sa katinuan nang kalabitin ni Ruki ang laylayan ng damit ko.
"Ano, anak?"
Itinuro niya ang cellphone kong nakapatong sa mesa. "May tumawag."
Bahagya akong tumango kay sa kanya saka inabot ang cellphone upang sagotin ang video call ni Auntie. Ngumiti, pinindot ko ang accept, nipalag ang cellphone nang sa ganoon ay makita kami ng maayos ni Auntie sa kabilang linya.
[Happy Birthday, apo!] nakangiti pang saad ni Auntie. [Ba't ganyan ang mukha mo? What's wrong, baby?] she asked a series of questions and when she couldn't get an answer she turned her gaze to me. [Anong-ba't ganyan ang itsura niyan?]
Bumuntong-hininga ako at sasagot sana nang unahan ako ni Ruki. "Wala si Daddy, TitaMoms. He left last night and still hasn't come back," bagsak ang mga balikat ni Ruki ng sabihin iyon.
[Ang Daddy mo?] napatanga pa si Auntie sa sinabi ni Ruki. Obviously still shocked by the word 'Daddy' gayong noong nakaraang araw ay pinagtapat ko na naman sa kanya.