"Alam ko, bestfriend. Even if you don't admit it, it's obvious naman na gusto mo siya," Zaina said, accompanied by laugh.
I was just shocked by Zaina's statement after I admitted to her that I like Ryu. And yes, I like Ryu. No matter how hard I try to say I don't like him, na paghanga lang talaga ay hindi iyon nangyari.
Ilang araw din bago ko inamin sa sarili ko na hindi na simpleng paghanga itong naramdaman ko kay Ryu kun'di mas higit pa roon. Sa mga araw na iyon ay binaliwala ko ang mga tawag at text niya para malinawan talaga ako. Napanguso uli ako saka sumimsim sa nilibreng milk tea ni Zaina.
"But seriously, Zai, papa'no ko haharapin si Ryu 'pag magkita uli kami?" mahina kong tanong. "Can I just stay away from him?"
Mabilis pa sa alas-kuatro na lumanding sa balikat ko ang kamay ni Zaina kaya nakangiwi ako sa sakit. Pinanliitan niya ako ng mata at aamba na namang sasapakin ako nang mailayo ko na ang aking balikat.
"Baliw ka na ba, ha?!" asik niya. "Stay away? Makakasiguro ka talaga na kapag nilayuan mo siya'y 'di siya magtataka?"
I was so bitten on my lower lip. "Anong gagawin ko?" I begged, obviously asking for help.
Ngumisi siya. "Aba'y iwan ko. Ako ba ang In love?"
"Hindi ako In love!" nagsalubong na ang dalawa kong kilay.
"Malay natin, 'di ba? Saan pa ba iyan patungo kun'di roon," she replied with a smile.
Hindi ko na pinatulan ang sinabi ni Zaina bagkos ay inismiran ko ito saka dahan-dahang ipinasok ang mga gamit sa bag. At naging abala na rin kami dahil malapit nang mag finals. Ibig sabihin ay malapit na ring mag-sembreak.
"Besh, uuwi ka na?" Zaina asked in shock and I answered it again with a nod. "Didn't you say you would wait for me to come home?"
"Seven pm pa matatapos ang klase mo, Zai, ta's magsasaing pa ako para hapunan ko," sagot ko.
"Hala! Ang oa nito. E, pang joke time ko lang naman iyon, Tess," lumabi siya. "'Di ba sabi mo hihintayin mo ko saka sabay tayong maghahapunan sa apartment mo at doon rin ako matutulog? Anong nangyari?"
I was gulped by what she said. Suddenly, I felt guilty so I gasped and looked up at her. Kahit naman nakakapikon na siya'y kaibigan ko pa rin siya, may saltik nga lang. Mahilig talaga siyang magbiro, na kahit ang seryosong usapan ay binibiro niya.
Suminghap ako. "Okay," bulong ko sapat na para marinig niya. "Dito na lang kita hihintayin."
Bigla siyang nabuhayan sa tinuran ko kaya walang gatol siyang tumayo saka niyakap ako sa likod.
"Ayeah ... Thank you, bestfriend," she took off the hug then reached for her bag. "Pupuntana na 'ko sa room, mabuti na iyong maaga para kung sakaling walang teacher, maaga na tayong makauwi."
Tinanaw ko na lang ang papalayong bulto ni Zaina hanggang sa 'di ko na ito mahagip. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga saka sinuyod ang tahimik na paligid. Marami-rami pa namang estudyante rito sa bencher kaso nga lang busy. Marami rin akong nakikitang light na nakasabit sa kung saan, malapit na rin kasi ang pasko.
Ang bilis lang talaga ng panahon. Parang kahapon lang iyong tumungtong ako ng college pero ngayon third year na. Napangiti na lang ako saka hinugot sa bulsa ng bag ko ang earphone na nakasaksak sa cellphone saka isinalpak iyon sa tainga ko. Ganito ako minsan 'pag ako lang. Nag-sa-soundtrip para iwas boring. At nang nasa kalagitanan na ako ng pangatlong kanta ay bigla na lang akong napahawak sa dibdib ko nang may isang librong bumagsak sa mesa.