Chapter 4

924 31 3
                                    



Ilang araw na rin mula nang nakabalik ako sa manila. At sa ilang araw na 'yun ay binigay ko talaga ang lahat ng atensyon ko sa pag-aaral. Na kahit nasa apartment ako'y iyon pa rin ang inatupag ko. Iyon ang naisip kong paraan para mawala sa isip ko iyong nagpunta kami sa simenteryo nung nasa tagaytay pa ako. Noon ay inilabang ko na talaga ang sarili pagkatapos naming tumungo sa puntod ni mama. Para hindi ako malulungkot sa kaiisip sa kanila.

"Tess? Galit ka pa ba sa akin?" bulong na tanong niyon ni Zaina. Nasa loob kami ng library, free time ko at wala na siyang klase. Kaya ngayon mangungulit na naman siya.

"No," tipid kong sagot na nasa libro ang atensyon.

Bumuntong hininga siya at nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagnguso niya. "I do not believe."

"Problema mo na iyan."

Ilang araw na niya akong kinukulit sa tanong niya. Nagtatampo ako sa kanya at hindi galit. Grieving over the decision she made on her birthday, going to the bar even though she was drunk. Pero kahit gano'n ay sumasagot naman ako sa mga tanong niya, sumasabay ako sa kanya 'pag umiwan. I know she notices na iba ang pakikitungo ko.

"I already apologized to you, 'di ba? Nung isang araw 'di ako sumama nina Ky sa bar para naman nabawasan iyang galit mo sa akin." Mahinang puna niya.

Nagangat ako ng tingin sa kanya. "Hindi naman kita pinagbawalang magpunta sa bar, ha?" inismiran ko siya saka ibinalik ang tingin sa libro, bumuntong hininga. "Nagtatampo ako, Zai. Alam mo naman siguro ang kaibahan sa tampo at galit?"

"Really, besh? Aren't you mad at me?" mahina niyang pinagtatapik ang braso ko. "So, bati na tayo? Bestfriend mo na uli ako?"

I smiled and nodded as I focused on the book. She laughed loudly and pulled up her chair so she could get even closer to me. I secretly smiled when I saw her smile widened again. Iba sa Zaina na nakakasama ko nang ilang araw, mula nung nagtatampo kuno ako sa kanya.

"Gayong bati na tayo..." ngiting dinungaw niya ako. "May gusto sana akong itanong."

"What--- bar again?"

"No," maagap niyang sagot. "Iba."

"Iba, what?"

Lumawak pa lalo ang pagngiti niya. "Close na ba kayo ni Ryu?"

Napatigil ako sa pagbabasa nang marinig ang binanggit na pangalan ni Zaina. Ngayon ko lang ulit narinig ang pangalan na iyon. Naalala ko tuloy 'yung sinabi nang pinsan ko nung nasa tagaytay. Natatakot ako na baka maging totoo ang sinabi ng pinsan ko. Gayong pangalan niya pa lang ang narinig ay may kung anong iba na sa pagtibok ng puso ko, hindi normal.

"Tess?" maagap akong nagangat ng tingin kay Zaina nang tawagin niya ako. "Ano?"

Napakunot ang noo ko. "Ano?"

"Pambihira naman," marahan siyang umungos. "Iyong tanong ko sa iyo," pangrereklamo niya.

"Ano nga ulit iyong itinanong mo?" pangmaangmaangan ko.

Umirap siya saka bumuntong hininga, napipikon. "Close ba kayo ni Ryu?"

"No," pinagtaasan ko siya ng kilay. "No. We're not close."

"E, bakit kung makabanggit ka sa pangalan niya nung birthday ko ay animong close na talaga kayo," kumikibot ang labi niya halatang pinipigilan ang pagngiti.

"Ano?!" kalakasan kong sabi kasabay sa pagtakip ko sa aking bibig, marahan kong tinanggal at masamang tumingin kay Zaina. "Ano ba dapat? Yanez? O, baka naman full name niya?"

Nexus Band #2: ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon