Chapter 33

1K 24 3
                                    


Wala sa bukabolaryo ko ang maging sikat. I've no intention of getting to know the industry I never dreamed of. Ayaw na ayaw kong ma-shismis, even more I don’t want to have an issue. I don’t want to spread my face anywhere, especially on social media. Being well-known is the last thing I'll do in my life.

Ayon nga sa artikolong nabasa ko; Mapaglaro ang tadhana, hindi natin mahuhulaan kung ano pa ang plano sa atin ng tadhana. At 'yon nga ang nangyari sa akin, nagising na lang isang araw na sikat na ang mukha at pangalan ko; mapa-newspaper, tv at sa social media, ang dahilan lang naman ay 'yung panyayari sa bar, ilang araw na ang nakakaraan.

Jethro is well-known as a great drummer in a famous band, which is Nexus at inaasahan kong may nakakilala sa kanya sa lugar na 'yon kaya may posibilidad talagang may kukuha ng video sa pangyayaring iyon. And because I was so complacent, thought there was no news spread about it kaya ngayon, I feel like a fool going crazy thinking about how to solve the spreading news.

Ngunit mas iniintindi ko si Jethro, siya at ang career niya. Wala pa ngang announcement na pinapalabas ang agency nila sa kumakalat na balita kamakailan lang ay may dumagdag na naman. Mas mabigat na 'tong pasanin sa banda at agency nila dahil kita sa video kung paano binugbog ni Jethro at kung paano niya minura ang lalaki, dagdagan pa sa paghawak at paghatak niya sa akin papalabas sa mismong lugar.

Even though Jethro told me not to worry about that—'wag problemahin at siya na raw ang gagawa ng paraan, I still can't avoid it. Nuong nakaraan nga ay muntik ko na siyang awayin sa kadahilang para wala lang sa kanya ang balitang kumakalat, as if he wasn't affected even though he knew there was a possibility that the band's name and his name would be ruined because of that. Mas iniintindi niya pa ang kapakanan ko kesa sa kanya na siyang sentro nang balita.

"Gagang malandi ka! Ba't ngayon mo lang 'to sinabi sa akin?! Kaya pala atat na atat ang drummer na 'yong kunin kang personal designer, huh! 'Yon pala may something na sa inyo!" medyo umikot na ang paningin ko nang walang tigil akong niyugyog ni Kisslie at hilain ako patungong cr. "Paano kung hindi ako shismosa? E'di mahuhuli na ako sa balita?"

"Sorry. Nakalimutan kong sabihin sa 'yo," saad ko.

A fake smile flashed on her lips. "Ganyan naman kayo lahat, e! Palagi na lang akong nahuhuli..."

"Luh, may pinaghuhugutan ka?" I smirked while tilted my head to find her eyes.

"Wala!" pinanlakihan niya ako ng mata. "'Tsaka 'wag mong iniiba ang usapan, Tess! So now, tell me about you and Jethro! Dali!"

"Dito talaga sa loob?" napakurap-kurap pa ako at inilibot ang tingin sa loob.

"At anong gusto mo, ro'n tayo mag-kwentuhan sa loob ng office, gano'n?" sarkastikong aniya habang ako'y tumitig lang sa kanya. "Sige na, Trishmarie Ferrer! Rito ka na kasi mag-kwento! Bahala na kung mangangawit 'tong mga paa ko basta ma-kwentuhan mo lang."

I sighed, scratched my eyebrow and had no choice but to tell Kisslie the story out of time—out of the right place. I also owe her this morning when I entering the building, there were reporters waiting outside, Kisslie passed by so I asked her for help. She caught the attention of reporters while I, surreptitiously walked inward. She has the right to know my story because she has been part of my life; she was my only friend here at work, she was also close to me—kind.

"So si Jethro na ama ng batang si Ryuki Yitro na anak mo ang dahilan kung bakit hindi mo pinakilala sa akin ng personal ang anak mo?" tumango-tango ako nang magtanong siya matapos kong mag-kwento. "Bakit? Kuha ba nang anak mo ang mukha niya?"

"Hmm."

"Patingin ng picture," she desperately held out her palm in front of me. I sighed, hinugot sa bag ang cellphone; hinanap ang picture ni Ruki saka binigay kay Kisslie na naging dahilan nang pagkaawang ng labi niya. "Jusko, Trishmarie Ferrer... there's no even part of your face that your son inherited!"

Nexus Band #2: ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon