Bigla akong napasinghap at napahilot sa sariling sentido nang 'di pa 'ko tuluyang magmulat ng mata ay biglang sumakit ang ulo ko. Nagtaka at nagulat ako 'di dahil sa naramdamang sakit ku'ndi sa pagkalito kung bakit iba ang naging amoy ng higaan ko—pamilyar na amoy. At mas nadagdagan pa ang pagkalito ko ng maramdamang naging mas malambot ang hinihigaan ko.
I tried to remember what happened when Zaina and I went to the bar last night. Simula nung koryoso kong ininom ang alak na kahit kailan ay hindi ko pa naranasang inomin'y pagkatapos do'n ay mga malalabong pangyayari na lang ang natatandaan ko.
"Does it hurt?" I stiffened when I heard Ryu's sacramental voice. "That's what you'll get if you get drunk again."
Nanlaki ang mata ko ng napagtantong kaya pamilyar sa 'kin ang amoy ay dahil kwarto ito ni Ryu. And if I am not mistaken I am in his unit now. I was sleeping in his bed.
But how? How did I get here?
Napakagat ako ng labi dahil sa kalamigan ng boses niya. I slowly opened my eyes at sikat ng araw agad ang bumulaga sa 'kin. I slowly got up, sat on the bed then met Ryu's serious face.
Mula ulo hanggang paa ko siyang pinasadahan ng tingin. He was obviously just taking a bath 'cause his hair was still a bit wet. As usual, he's wearing a black plain shirt, adidas shorts, and a house slipper.
Mabilis akong napaiwas ng tingin nang makaramdam ako ng hiya. Ang gwapo niya kahit sa ganyang ayos. Ngunit mabilis din akong napailing saka napahawak uli sa sentido nang sumakit uli iyon.
"Hey, you alright?" nag-alalang tanong niya saka mabilis na akong dinaluhan. Umupo siya sa kama saka hinawakan ang dalawa kong balikat. "Drink this."
"I'm fine," and when I opened my eyes he raised his brows. "Okay..." pangsusuko ko saka kinuha sa palad niya ang gamot.
Tahimik niya lang akong binigyan ng tubig ngunit batid kong gusto na niya akong pagsalitaan o 'di kaya'y pagalitan ngunit 'di niya lang magawa. Na agad rin akong napatigil ng may naalala.
"Kumusta ang practice niyo kagabi?" mahinang tanong ko saka siya dahan-dahang sinulyapan, napakagat sa labi.
I got no answer from him but his sigh. He stood up and slightly moved his jaw, combing his wet hair with his fingers. He also averted his eyes then pointed to the cabinet.
"Use my clothes..." aniya saka ako binalingan. "Take a shower. Let's eat breakfast after you done. I'll wait you outside."
Pagkatapos niya iyong sabihin ay nilisan na niya ang silid na walang kahit tingin, sulyap, na binigay sa 'kin. Sa pamamaraan niyang iyon ay batid ko na agad na hindi maganda ang kinalabasan ng practice. Ayaw ko mang isipin ngunit parang alam ko kung bakit. At may kinalaman iyon sa 'kin. Sa nangyari ka-gabi.
Takte! Gusto kong alalahanin kung bakit si Ryu ang nag-uwi sa 'kin?! But how am I going to do that, I don't even remember a single thing. Malabo pa ang ilan kaya paano ko iyon lilinawin?! Papaano ko sisimulan?
Nang nasa banyo na ako at hanggang sa natapos ay iyon pa rin ang laman ng isip ko. Mga tanong na gusto kong bigyan ng kasagutan. Ayaw ko naman tanungin si Ryu sa kadahilanang nakakahiya, nahihiya ako.
Pinipilit kong bagalan ang galaw ko na kahit pag-pili ko ng masusuot ay ang bagal upang sana alalahanin ang nangyari ngunit wala pa rin. Kaya no choice ako kun'di ang harapin si Ryu. Harapin, kausapin na para bang walang nangyari kagabi.
"I can't today..." boses agad ni Ryu ang narinig ko nang nasa baitang ng hagdan na ako, pababa. "Hmm... About my escape last night, did he scold me?" Kitang-kita ko ang pag-tasked niya mula rito sa kinatatayuan ko. "Yeah... Just tell him that I can't practice today... Puwede naman 'yon kahit wala ako... Okay."