"Tess, kung sinus'werte ka nga naman," bukang bibig ni Zaina. "Kung nakita mo lang ang hitsura ni Sir baka matawa ka lang. My God! Biruin mo, magbibigay daw siya ng quiz bukas ta's nang nalaman niyang wala pa lang klase bukas, ayun! parang natatae!"
All I could do with what Zaina said was nod. I was listening to what she was saying but my brain was flying.
"Trishmarie!" gulat akong nagangat ng tingin kay Zaina nang isigaw niya ang buong pangalan ko.
"Bakit?" I innocently asked her.
"You're not listening to me. Alam mo, nakakatampo ka na, ha," she snorted. "Kahapon ka pa ganyan."
"Sorry," tanging sambit ko dahil batid ko naman na totoo ang kanyang pinagsasabi.
"Minulto ka ng crush mo, 'no? Hindi ba nagpaparamdam si Jethro?" pangungutyang tanong niya at halatang pigil ang ngiti.
Bumuntong hininga ako. "Hindi ko siya crush, Zai. At isa pa wala akong pakialam kung hindi siya magparamdam."
Ang kaninang pilit na ngiti ni Zaina ay napalitan na ng mahinang halakhak. Sinabayan pa sa mahinang tili at sapak sa balikat ko.
"Sige, kunyari naniniwala ako sa iyo. Alam mo naman mag-bestfriend tayo at tayo lang naman ang magdadamayan," ani Zaina.
Inirapan ko na lang siya at binaliwala ang sinabi niya kahit iyon naman talaga ang totoo. Kahapon pa ako ganito, ang dami kasing gumabagabag sa isip ko. At isa na iyon si Ryu na 'di ko alam kung bakit.
Hindi ko alam kung ilang linggo na mula nung nagkita kami ni Ryu and the last time we met was in Batangas and when he took me to my apartment. Pagkatapos noon wala na, I never saw him again. Not that I'm complaining because I really don't have the right pero kahit man lang text ay wala, hindi siya nagparamdam.
Naiinis at nagtatampo ako at 'di ko alam kung saan iyon nangaling. Tulad nga nang sinabi ko, wala akong karapatan. Pero ba't iyon ang naramdaman ko? Ba't may parte sa 'kin na naiinis sa kanya? Nagtatampo?
I will admit that I am gradually getting used to his presence. Kaya ngayon ganito na lang ang inaakto ko. Pero dapat ko na rin sanayin itong naramdaman ko dahil hindi sa lahat ng araw at oras ay makikita ko siya. Kung iisipin panandalian lamang. He will only show up and feel when he wants to.
With a sigh I shook my head then looked up at Zaina's seat. Her whole attention was on the cellphone she was holding. Maybe she was tired of talking that she knew the person she was talking to had no intention of listening. I just smiled and then sighed again to get her attention.
"Tapos ka na sa pagiisip mo? So, can we go home na?" aniya at dahan-dahang inilagay ang hawak na cellphone sa bag niya.
I bit my lower lip then forced a smile. "Yeah," I just said and stood up.
"Mabuti naman," tumayo na rin siya saka humawak sa braso ko.
At kagaya ng parati naming ginagawa 'pag sabay kaming umuwi ay tinungo namin ang parking. Laking pasalamat ko talaga kapag kasabay ko si Zaina na umuwi. Hindi pa ako maboring plus tipid pamasahe pa.
"Pupunta ka bukas sa campus?" Zaina asked when we were on the road.
"Puwedeng hindi?" nakangiwing tanong ko.
Program lang naman ang meron sa school bukas. Program party dahil anniversary ng unibersidad namin. Kanina ay may program daw sa kabilang building at iyon ang junior at senior. Ang sabi nila ay part 1 daw iyon ng anniversary sa unibersidad kaya bukas sa building naman ng mga college at iyon ang part 2. Pero wala talaga akong balak pumunta, sayang oras. Party-party lang naman, at alam ko naman na sayaw at kanta lang ang meron doon, ang palaging kagawian.