"Pa'no ko ikaw isasauli sa kanya?" I gasped as I stared at the jacket.
'Di ko talaga maiwasan na hindi tanungin ang walang buhay na jacket. Isang linggo mula nung nangyari sa gate ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naisasauli ang jacket niya. Dahil 'di ko na muli siyang nakita. At walang araw na 'di ko tinatanong ang jacket kahit alam ko naman 'di iyon tutugon. Sa isang linggo na iyon ay palagi akong dinadalaw ng konsensiya. Konsensiya kaiisip sa project ni Ryu na iyon. Kahit 'di ko pa siya kilala'y hindi ko maiwasang mag-alala kung nakagawa na ba siya ng bago. Lalo na't naipasa ko na 'yung akin at bukas na rin ang midterm exam. Natatakot ako na baka totoo 'yung sinabi nung kaibigan niya na pangmidterm na project iyon.
Napabuga ako ng hangin at tumayo habang dala ang libro saka maisipang do'n na ako sa sala mag-aaral. Kahit dami akong iniisip ay 'di ko naman binawila ang exam ko bukas. Mas importante pa rin ito kisa sa iniisip ko. Malakas na napabuga uli ako ng hangin nang mahagip ng mga mata si Zaina na makaupo sa sofa. Komportable itong nakasandal sa sofa habang hawak ng isa niyang kamay ang libro. At sa reserba namang kamay ay bitbit ang french fries.
"Ba't 'di ka pa umuwi?" tanong ko at naglakad papunta sa tapat na upuan saka umupo.
Marahan niya akong sinusulyapan. "Ayaw ko ro'n sa condo ko. I don't have anyone with me."
'Yan naman talaga ang palagi niyang rason 'pag napadpad siya rito. Minsan nga ay naiisip ko, na dapat hati kami ng bayad dahil madalas ang pagtambay niya rito.
"Ilang subject ang iti-take niyo bukas?" tanong ko.
"Lima. Sa department niyo, ilan?"
"Anim siguro. May isang subject na idinagdag," pinagiiling ko ang aking ulo saka hinarap ang libro na hawak ko.
Itinuon ko talaga ang aking pansin sa libro. Mabuti na lang at 'di na muling nagsalita si Zaina na kagaya ko'y nasa libro rin ang atensyon. Gusto ko na masagot ko ng maayos ang exam bukas at sisikaping masagutan iyon lahat. At mukhang nagawa ko nga ang aking gusto. Dahil kinabukasan, first subject pa lang ng exam namin ay maayos kung nasagutan. Lahat nang inaral ko kagabi ay 'di ko inaasahan na lahat pala iyon ay magsilabasan. At iyon rin ang nagyari sa pangalawang subject hanggang sa panglima. Pero kahit na nasagutan ko iyon lahat ay may iba ring tanong na hindi ako sigurado sa aking sagot.
Ngayon naman ay hinihintay namin ang panghuling subject na i-exam namin. Mahina akong napahikab nang sumulyap sa madilim-dilim na labas. Napanguso akong iniisip si Zaina na nasisiguro kong nakauwi na. Habang ako---kami ay naghihintay pa sa panghuling subject.
Ngunit gano'n din ang pagkawala nang antok ko ng dumating ang guro. Kahit medyo 'di ako sigurado sa sagot ko ay hinayaan ko. Dahil medyo wala na sa exam ang utak ko at tiyak ako na lumilipad na ito papalabas. At nang matapos ko ang exam ay ipinasa ko na at dahan-dahang lumabas sa room. Na ikinabuntong hininga ko nang maisip na gagastos uli ako ng sampung peso ngayon. Sasakay uli ako ng jeep nang sa gano'n ay marating ako sa apartment.
Nang papalabas na akong ng gate ay maagap kong kinapa ang bulsa ng aking uniform nang may kung anong nag-vibrate. Kinuha ko iyon saka tuluyang lumabas para ro'n sagutin ang tawag ni Zaina.
["Tess? Pauwi ka na?"] she asked on the other line.
"Yes. Kakalabas ko lang sa gate. Why?"
["I'm here in your apartment--"]
"What? Ano na naman ang ginawa mo riyan?" nagtataka kong tanong.
I raised an eyebrow as I glanced at the individual students who come out of the gate. Ngunit mabilis napawi ang pagtaas ng aking kilay nang makilala kung sino ang sumunod na lumabas. For a week, I was praying that I would see him so that I could return his jacket, but why now. Ngayong hindi ko dala iyong jacket.