Chapter 07

815 30 9
                                    


"Ano'ng ginawa natin dito?" nagtatakang nag-angat ako ng tingin kay Ryu nang makita kung saan niya ako dinala.

Kung 'di lang ako naguguluhan ay baka kanina ko pa naiwan si Ryu sa kinatatayuan ko para magtampisaw sa tubig. Hindi ko alam kung sa'ng lupalop na kami dahil kanina sa b'yehe nakaidlip ako. At nagisingan ko na lang si Ryu na komportableng nakasandal sa headboard na pagtantiya ko'y hinintay akong magising. Kaya 'ito ako, nagtataka habang binaybay namin ang daan habang pinaglipat-lipat ang tingin sa dagat at sa lalaking kasama ko.

"Ryu, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," I complained. Huminto ako saka bumuntong hininga nang sa gano'n ay maagaw ko ang atensyon niya.

"To think," he also stopped then turned to me.

Nagkunot ako ng noo. "To think?"

"Hmm," aniya saka isinalpak ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts niya at marahan akong tinalikuran, naglakad uli.

Lalong umasim ang mukha ko sa sagot niya. Alam kong pangit talaga siya kung sumagot pero hindi ako satisfied sa naging sagot niya. Ilang sandali rin akong nakatitig sa papalayong bulto niya bago siya hinabol. Gusto ko talaga malaman kahit man lang sa'ng lugar niya ako dinala. Pagtatagdiyaan ko lang muna 'yung sagot niya kahit 'di ko talaga gets. Palihim kong inismiran ang likuran ni Ryu nang makagabol ako sa kanya.

Hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko, kung bakit wala akong nakikitang tao. Kasi ang pagkakaalam ko sa ganitong lugar ay dinadayo ng mga tao. Mga taong naliligo, mga torista. Kaya dumagdag sa katanungan ko ay kung bakit ni isa man lang ay wala akong nakita maliban sa 'ming dalawa. O, baka naman, pribado ito--- pumasok lang kami ng walang pahintulot, kumbaga, trespassing.

"Pagmamayari 'to ng pamilya ko," biglang salita ni Ryu.

Maagap akong tumingin sa kanya nang huminto siya saka umupo sa medyo may kahabaang putol na katawan ng kahoy. Na sa pagtantiya ko'y sinadya iyong putilin at ilagay doon para gawing upuan. At nakita ko rin ang may kalakihang kahoy 'di kalayuan sa likuran ni Ryu at ang mga dahon niyon ay nagsisilbing panangga sa init. Kaya hindi balakid ang sikat ng araw sa kung saan man nakaupo si Ryu.

But the word that Ryu uttered just now came back to my mind. I will not be surprised if the place we are stepping on is really theirs because I know they are rich. I just wonder why he thought of including me here, kung totoo mang gusto niyang makapagisip kaya siya pumarito.

"Come here, Trishmarie," Ryu said.

"Ha?" napakurap-kurap kong sagot.

He sighed. "Sit here," at marahang tinapik at pinagpag ang tabi niya.

I looked around for a moment at his hand and at his face before I stepped towards him. Palihim akong napalunok nang nakaupo na ako'y nakaramdam kong ang lapit lang namin. Na kahit ang siko naming dalawa'y nagkalapat na and I could already smell his manly scent. Kaya umusog ako ng kunti sa kanya na 'di ko inaasahang mapapansin niya. Nakita ko kasing matunog siyang ngumisi kahit malawak ang tingin niya.

'Di ko na lang 'yun pinansin at gaya niya'y tumingin na rin ako sa dagat. Hindi ko alam kung paano ko matatagalan ang awkwardness naming dalawa. 'Di ko alam kung paano ko 'to matatagalan.

"Kaya ba tayo nandito para umupo?" ilang minuto rin bago ako nagsalita. I could no longer bear the silence as the only noise I could hear was the pounding of the waves.

"I answered that question earlier, Trishmarie," he said.

'Di ko batid sa sarili ko kung bakit sumama pa ako sa walang buhay na lalaking 'to.

Nexus Band #2: ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon