Tulad nga ng gusto ko'y mabilis lang umusad ang oras pati na rin ang mga araw. 'Di ko alam kung sumabay ba ito sa gusto ko o mabilis lang talaga itong umusad.
At least naging memorable sa akin ang mga araw na nakakasama ko ang pamilya ni auntie. Namasyal kami ng pinsan ko sa pasyalan sa lugar ng ama nila. Sinulit namin ang mga araw na wala pa kaming klase, sinulit namin ang panahong 'yun para makapag-banding magpinsan. Dahil batid namin na 'pag bumalik na kami sa tagaytay at kung magsisimula na ulit ang klase ay madalang na kaming magsasama.
Sa mga araw na iyon ay madalas nagparamdam si Ryu sa pamamagitan ng text, kadalasan ay sa tawag siya mangungumusta. Inaalam kung kumakakain ba ako, hindi ba ako nagpapalipas ng kain.
In those days I would have liked to ask him something. Kung bakit ang sweet niya sa akin? Kung magkakaibigan lang ba talaga kami? Because I don't want to assume. Pero hindi ko magawang itanong 'yan sa kanya sa kadahilang natatakot ako sa maaari niyang isagot. I was afraid that with one wrong question I asked, I would lose him, lalayo siya. But...
A week since the second sem started again I rarely talk to Ryu on the phone, sometimes I do not reply to him. I also often turn off my cellphone so that I can't answer his call.
Sa linggong iyon ay hindi ko pa ulit siya nakikita, hindi pa ulit nagkatagpo ang mga landas namin. Palagi kasi akong may alibi 'pag gusto niya akong makita. Nagpapasalamat din ako dahil graduating student siya kaya naging busy na rin sa mga requirements.
And yes, nilalayuan ko si Ryu sa kadahilanang ayaw kong mag-assume. Mabuti na iyong hanggang hindi pa tuluyang lumalim ang naramdaman ko para sa kanya, ay makaiwas na ako. Mabuti na rin iyong ako na ang kusang umiwas kisa siya ang umiwas sa akin 'pag malaman niyang may gusto ako sa kanya.
"As in, huling kita niyo nung Christmas pa?!" sigaw niyon ni Zaina matapos ko i-kuwento lahat, naging ang plano kong iwasan si Ryu. "Hindi ka iyon matataka?"
"Hindi siguro?"
"Anak ng–anong klaseng sagot 'yan, Tess!"
"E, anong gusto mong maging sagot ko... Oo, magtataka siya?! Baliw ka na ba? Malamang hindi naman talaga ako sigurado kung magtataka siya dahil busy rin 'yon–graduating student!" umirap ako saka inilipat ang tingin sa kalsada.
Zaina growled then slapped the steering wheel lightly, she pouted. "Bakit ba kasi tuwing Wednesday na lang tayo magkikita sa campus? 'Ayan tuloy hindi na ako updated sa love life mo!"
"Peste ka!" muntikan ko na siyang ambahan ng sapak nang ngumuso siya. "'Yung love life mo ang i-update, 'wag 'yung akin!"
Ngumiti siya saka umiling. "On-going pa, besh!"
Inismiran ko na lang siya. Tulad ng sabi niya'y hindi na talaga kami nagkikita, naguusap sa loob ng campus. Iba na kasi ang schedule naming dalawa, sa ganitong araw–wednesday lang kami magkasabay pumasok at umuwi. And the rest, kanya-kanya na kami. Kaya palagi na akong mag commute.
"Thank you, Zai!"
"You should have just brought your car here, Tess. So that you won't have a hard time commuting," she suggested.
Umiling ako saka lumabas, dumungaw sa bintana. "Ambag tayo ng gasolina?" biro ko na ikinakunot ng noo niya. "I'm fine with this! Sige, text-text na lang tayo."
"Ayaw mong sumama sa Friday? Mag-ba-bar kami ni Ky!" habol niyang sigaw, dumungaw na rin sa bintana.
"Kayo na lang muna!"
Bar. Ang tinging lugar na hindi maiwan-iwan ni Zaina! Lugar na madalas puntahan ng mga taong nagpapasaya, gumigimik, sawi sa pag-ibig–broken hearted, mga pinaasa, umasa, minulto...