"Ang tamlay mo 'ata ngayon, Tess," nag-alalang giit ni Zaina na agad akong nilapitan.
"Nag-puyat ako ng ilang gabi nung nakaraan dahil sa final," ngumiti ako saka nahihilong tumayo ngunit hindi pinahalata sa kanya. "Babawiin ko lang 'yung gabing pinuyat ko," I added then pointed to my room.
Napaawang siya saglit saka tumayo. "'Kaw naman kasi, e. Hindi ka naman top-notcher para magpuyat mag-aral," tawa-tawa pa siya.
"Mabait na estudyante ang tawag no'n, Zai!" pangmamataray ko sa kanya saka pumasok sa silid, humiga sa kama.
I closed my eyes when something came to my mind. Tulad nang sabi ng kaibigan ko, na ang tamlay ko'y napapansin ko rin iyon. Nitong nakaraang araw ay napapansin kong parang ang bigat ng pakiramdam ko, medyo nahihilo rin. Napapadalas din ang pagsusuka ko. But like my answer to Zaina earlier, that is also the reason I made myself. That maybe I just lacked sleep dahil late na ako matulog nung nakaraang araw dahil sa finals.
Bumuntong-hininga 'kong ipinikit ang mata, iniisip si Ryu. Isang linggo na lang ay ga-graduate na siya pagkatapos do'n ay magde-debut na sila bilang banda and I am happy for him.
"Best friend, aalis na 'ko! I'll just close the door and gate!" sigaw niya mula sa labas. "Eat and rest. Itulog mo rin iyan para bumalik ang lakas mo, okay?"
"Yeah..." medyo pasigaw ko ring sagot.
Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya pumikit uli ako. Gusto kong bawiin ang lakas para naman pagdating sa araw ng graduation ni Ryu ay maayos ang pakiramdam ko, para hindi ako magmukhang zombie.
Idlip pa nga lang ang nagawa ko ng makarinig ako ng yapak ng paa patungo rito sa kwarto na ikinagising ng diwa ko. Akala ko'y si Zaina lang iyon na baka may naiwan lang but I made a mistake when the door opened and Ryu stepped in there.
Nakaitim na ball cap, nakaitim na hoodie saka naka feded blue ripped jeans.
"Are you feeling well?" aniya saka tinggal ang cap sa ulo, lumapit sa 'kin. "Zaina told me that you're lethargic..."
I smiled. "Ayos lang ako..." na agad sumeryoso. "Don't tell me tumakas ka na naman sa practice niyo?"
"I'll not tell you, then."
"Seryoso nga ako!"
"Ngayon lang naman," tipid siyang ngumiti.
"Ngayon lang? Akala mo siguro hindi ko napapansing napapadalas kang tumatakas sa practice niyo?" I tasked. "Nakakapagod bang mag-practice?
He nodded softly which softened me. Sa huli ay siya ang pinatulog ko. Ayaw pa niya nung una ngunit nagpupumilit ako kaya sa huli'y talo siya.
Ilang araw ko na ring napapansing napapadalas ang punta niya rito sa apartment ko tuwing hapon, minsan ay gabi. Nung una nagtaka pa ako kung bakit napapadalas siya pero nang mapagtanto kong tumatakas siya ay nagi-guilty ako. Na para sa 'kin ay ako ang may responsibilidad sa pagtakas niya sa practice.
I sighed and turned to the pocket of Ryu's hoodie jacket when it his cellphone suddenly rang. Sa himbing ng tulog niya'y hindi siya nagising sa tawag. So I have no choice, I took the cellphone and looked. Tanging numero lang nakalagay na caller kaya, I was still hesitant to answer but when the number called again I just answered it.
[Do you really intend to debut, Jethro, or not?] The man's voice spoke. [Hindi ka ba naawa kina Levi, Nathan at Asher?!]
Halatang galit ang lalaki sa kabilang linya kaya hindi ako nagsalita. Nanatili ang mga mata ko kay Ryu na mahimbing na natutulog.