"Ryu, iuwi mo na lang kaya ako?" Hindi ko maiwasang makagat ang pang-ibabang labi dahil sa naramdamang kaba. "Mali yata ang desisyon kong sumama sa iyo. Gusto ko ng umuwi."
He gave me a sharp look, gasping for breath.
"Do you want me to take you home?" he asked. "Even though we're in front of the gate–nasa tapat tayo ng bahay?"
Idiniin ko pa ang pagka-kagat sa labi at marahang lumingon sa labas. Tama siya, nasa tapat na nga kami ng gate. Tanaw ko na rin ang mataas, malaki na bahay at medyo malawak na bakuran. Kung ako lang ang tatanungin ay masasabi ko itong isang masyon!
Inaasahan ko na talaga ito ngunit hindi ko pa rin maiwasang magulat at mamangha sa nakita ko. I made a swallow and glanced at the maid waiting for Ryu's car to get inside.
Pinagsikop ko ang aking dalawang kamay. "Okay. Tutal nandito na rin naman ako," lumingon ako sa kanya na ngayo'y nakatingin na sa akin. "Pero hindi ko talaga maiwasang kabahan... bakit ba kasi ako pa ang isinama mo?"
Matunog siyang napabuntong hininga saka ngumisi. "Why not you?" I surprised when he rested his hand on my head. "Don't worry my parents are kind and they will not bite you."
Kahit naiinis ako sa pagngisi niya'y hinayaan ko na lang iyon. I nodded at him before he restarted the car engine to get inside.
My nervousness worsened when he held out his hand to me. 'Cause if I accept that, I will definitely be able to enter their house at hindi na iyon magbabago. I even glanced at his hand before raising his face without any visible emotion. He stared at me as if waiting for me to take it, alinlangang inabot ko iyon na ikinangisi niya.
"Chill, Trishmarie," he squeezed my palm firmly, napansin niya sigurong nanlamig iyon halatang kabado. "I'm here, okay? I didn't bring you here to harm you. Didn't I tell you why I want you here?"
Kahit medyo nahimasmasan ako sa sinabi niya'y hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Lalo na nang tuluyan na kaming makapasok sa pinto ng bahay. I have so many questions that I can't answer.
Paano kung nakakatakot ang mga magulang ni Ryu? Hindi iyon malabo, dahil 'kita naman kay Ryu, sabi nga nila mana-mana iyon. At paano kung magtanong ang magulang niya kung bakit ako ang dinala ng kanilang anak?
Damn! Hindi ko pa man nakakaharap ang magulang niya'y natatakot na ako!
"Afternoon, Manang. Where's Mom?"
I quickly regained my sanity when I heard Ryu's questioning voice nang lingunin ko siyang kausap niya pala ang tinatawag niyang manang. Gulat itong nakatingin sa aming dalawa ni Ryu at sa kamay naming hanggang ngayo'y nagkahawak pa rin. I was embarrassed to bend down and then slowly removed my hand but I did not succeed when Ryu tightened it even more. Parang walang balak bitawan iyon.
"Ay, hijo, nasa kusina si Ma'am, may ginawa."
I knew that Ryu only gave a nod to the woman and then pulled me to the kitchen somewhere. Hindi ko na magawang lingunin pa ang matanda nang dahil sa naramdamang hiya.
Tuloy-tuloy lang ang aming lakad hanggang sa naramdaman ko ang paghinto niya kaya naguguluhan din akong napahinto. Nang masulyapan ko siya'y nagsalubong ang kilay niyang nakatingin sa akin, animong may ginawa na naman akong masama.
"Bakit?" nagtataka kong tanong. "Nagsisisi ka na bang isinama ako rito?"
Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. "Why should I regret it, hmm?" he grinned. "Why did you ask that?"
Umatras ako ng isang hakbang, umirap. "Hindi na sana ako nagtaka riyan sa itsura mo. Ganyan na naman talaga ang emosyon ng mukha mo, animong napipilitan, naiirita, galit—"