Isang nakakapikong boses ang nag-bulabog sa 'kin sa buong araw ko sa apartment. Even though I didn't want to let him in because I was irritated, I couldn't do anything so I just let him.
"Won't you really go with me?" nagsalubong na ang makakapal na kilay ng lalaki nang humarap sa akin. "Not really? 'Di mo na ba ako lab?"
Kunwaring nagsuka ako saka siya pinatid. "Hindi! Kaya umalis ka na!"
"Why are you sending me away? 'Di ka ba naaawa sa 'kin? Ang layo pa ng ben'yahe ko!" pagmamaktol niya saka tumabi ng upo sa 'kin. "May bisita ka bang pupunta rito kaya pinapalayas mo na ako? Is it a man?"
Umirap ako. "Yes, my boyfriend so get out of here!"
Bigla siyang natigilan sa sinabi ko. Bahagyang kumunot ang noo saka nagtaas ng kilay. Kung pagtatantiyain ko ang itsura niya ngayon ay masasabi kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
He tsked. "So it's true what Rhaven said, that you already have a boyfriend?"
"Alam mo, Rhaz, nasa inyo na talaga iyang ugaling 'yan, 'no?" sarkastikong puna ko. "Maghanap na lang kayo ng lovelife nang sa gano'n ay hindi niyo mapakialaman ng sa 'kin."
"Nah," umiiling-iling siya saka sumandal sa sofa. "Kaya ba ayaw mong sumama sa 'kin sa US?"
"Huh?"
"Dahil sa boyfriend mo?" tanong niya na nagpakunot ng noo ko. "Hindi ka ba niya pinayagan? Hiwalayan mo na 'yan, 'insan—"
"Gago! Ano ba ang pingasasabi mo?" binatukan ko siya. "Akala ko naman habang buhay tayo ro'n sa US, eh, bakasyon lang naman..."
"Bakasyon nga lang pero ba't hindi ka pinayagan ng gagong boyfriend mo?"
"Mas gago ka! At ba't naman siya nasali rito? FYI, pinsan. Desisyon ko ang hindi sumama at walang kinalaman si Ryu rito!" Umirap ako. "Mabuti pa'y bumalik ka na sa lungga mo. Kita mo ang suot mo, ouh! Naka-uniporme pa."
Ngumuso siya. "Ba't ba kasi ayaw mong sumama e sa bakasyon pa naman iyon?"
"Kailangan pa bang may dahilan?" he nodded so I grinned. "Hindi ko lang feel sumama, okay na?"
I let out a loud laugh when I saw my cousin lying on the sofa, pulling his own hair, stomping his foot. Parang 'yung bunsong kapatid niya lang.
I shrugged and stood up after laughing. "Kung ayaw mong umuwi, riyan ka na lang matulog sa sofa hindi tayo kasya sa kama kung do'n ka pa matutulog. If you don't want to, fine. Just find a hotel outside. Mayaman ka naman."
"Isusumbong kita kay mommy!"
I smiled mockingly. "Tatawagan ko na ba si auntie?" mas lalong lumapad ang ngiti ko ng makita ang itsura niya, napipikon. "Hatid ko na lang dito ang unan at comforter, hmm?"
I did not hear an answer from him so I turned my back on him. And as I said I gave him a pillow and a comforter then went back to my room.
As I lay in bed I let out a heavy breath as I thought of my cousin. He has been teasing me for more than a week just to accompany him on his supposed vacation. Ngunit tanggi naman ako ng tanggi. Wala akong entensyon na sumama sa kanya. Kaya ito, hindi na natiis ni Rhaz kaya napad-pad na sa apartment ko para lang kulitin at pilitin ako. But as I decided it was still not. He did not succeed.
Sumilay ang ngiti ko ng maalala ko uli ang itsura ni Rhazon kani-kanina lang. Ngunit maya-maya pa'y may dalawang sunod-sunod na pag-vibrate sa cellphone ang nagpatigil sa akin.
RYU YANEZ
I am outside your apartment.
just now
RYU YANEZ
Come out for a moment, please...
just nowPara akong binuhusan ng malamig na tubig ng mabasa ang text niya. Lahat ng nangyari nung linggo na ang nakaraan ay parang bumalik uli sa isipan ko. 'Yung nangyari na kahit anong gawin ko ay parang kahapon lang nangyari, it is still fresh to me.