Chapter 9

728 31 1
                                    



WOW! I only whispered in my mind when we got inside Ryu's condo unit. Hindi ko maiwasang humanga sa laki nang condo niya, mukhang du-doblihin ang laki iyong condo ni Zaina. The interior is also clean and beautiful. Everything I see is black and white, naisip ko tuloy na baka paborito niya iyong kulay. Nakakamangha!

Ang planong ni Ryu na mag-dinner sa labas ay nauwi rito sa condo niya sa kadahilanang hindi ako pumayag dahil may lagnat niya. Kahit ayaw niya'y wala naman siyang magagawa dahil ako talaga ang nagpupumilit. Ayokong makikitang gano'n ang hitsura ni Ryu habang kumakakain kami sa labas, matamlay. Kaya nung nasa daan kami ay doon na ako nagsuggest na sa condo niya lang kami kakain.  Which is, napapayag ko naman, wala na siguro siyang lakas para mag-argumento dahil may sakit siya.

Nang matapos kong suriin ang loob ng unit ay bumaling naman ang aking tingin sa lalaking nakasandal sa mahabang sofa. Suot ang hoodie ng jacket sa ulo niya'y naka-de-kuatrong nakaupo rin ito habang nakapikit. His laziness was obvious in his eyes. It looks like I see a different Ryu, ibang-iba sa nakasanayan kong Ryu.

"Ryu?" mayamaya'y sambit ko sa pangalan niya nang makalapit ako sa kung saan siya nakaupo, mahinang pinagkakalabit ko ang braso niya. Pero tanging mahinang ungol niya ang tanging nasagot niya. "Ryu, mabuti pa'y doon ka na sa kwarto magpahinga."

Ilang sandali pa ay wala akong nakuhang sagot sa kanya na batid nakatulog na. So I just thought of letting him go and I was about to go to the kitchen when he slowly opened his eyes. I blinked a few more times when his beautiful eyes hit me. Kaya ang tanging nagawa ko na lang ay ang umiwas ng tingin.

I slowly adjusted my voice then turned to him. "Mabuti pa'y doon ka na lang sa kwarto mo magpahinga," mahina kong sabi at nang makitang nakatitig siya sa akin ay napakagat ako ng labi. "I'll just cook you dinner... Ihahatid ko na lang sa kwarto mo."

I heard him gasp. "Nah, I'm just here. I'll wait for you to finish so we can be together."

Mabilis na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "May sakit ka na nga pero ang kulit mo pa rin? Ano bang hindi mo naintindihan sa pinagsasabi ko?"

"I just want to eat with you... Trishmarie," mahinang wika niya, nagmukhang bata tuloy ang boses niya.

"Okay..." simpleng tugon ko saka ngumisi. "Mamili ka... Magpapahinga ka sa kwarto mo o aalis ako at uuwi na sa apartment ko?"

Mukhang nagulat siya sinabi ko dahil biglang nagsalubong ang kilay niya. Tinitigan niya ako at sinusuri kong totoo ba iyong sinasabi ko. Nagtatanong ang mga mata niya kaya taas kilay na lang ang isininagot ko.

I really have no intention of leaving him here until he eats. I was really just joking but he looked serious so I could do nothing.

Nanatiling tahimik siya at kapagkuwa'y tumayo rin. Walang emosyon ang mukha niyang tinalikuran ako saka tumungo taas, siguro sa kwarto niya. Hindi ko batid pero nakukonsensya tuloy ako sa ginawa ko.

Napabuga na lang ako ng hangin saka tumungo na kitchen para makapagsimula ng magluto. Mabuti na lang at kompleto ang lahat ng dapat kong lutuin, 'di na ako nahirapan. Kaya mahigit 30 minutes nang matapos ko ang niluto ko. At nang naayos ko na ang dapat kong dalhin sa silid ni Ryu ay sarili ko naman ang inayos ko.

When I reached the top, I suddenly raised my eyebrows when I realized I did not know where Ryu's room was. Hindi ko alam kung tama ba iyong napili kong pinto dahil nakadalawang katok na ako pero wala pa ring nagsalita. So I thought I'd just open it because it's not locked.

At mukhang tama nga akong napasukan kahit 'di ko maaninag ang buong silid ay naamoyan ko naman ang pabango ni Ryu. Mabuti na lang at medyo may liwanag sa labas sapat na para makita ang switch ng ilaw kaya nang mabuksan ko ito'y nanlaki na lang bigla ang aking mata. Nakita ko lang naman si Ryu na nakahiga sa kama ng walang damit pangitaas. Ang tanging suot niya lang ay iyong pantalon niya.

Nexus Band #2: ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon