[Ate, tumawag ang principal sa pinapasokang Academy ni Ruki. Pinapatawag ka raw doon dahil napaaway ang anak mo.]
I was sitting in the vacant seat where I could clearly see the four men who were currently recording their new song ng biglang tumawag si Feya dahilan para mapatayo ako ng wala sa oras. I glanced at them before I left the studio and went out to clarify what Feya said. Medyo maingay din sa loob dahil sa tugtog ng kanta. Kaya gusto kong linawin kung tama ba iyong narinig ko.
"Ano ang sinabi mo, Fe?" napabuntong hininga kong tanong.
[Si Ruki po napaaway kaya kailangan ka sa principal office!] medyo malakas na tugon ni Feya.
At doon na talaga ako tuluyang natigilan ng makomperma iyong narinig ko. Hindi ako makapaniwala—hindi ko pa nga nakakalimutan iyong muntikan ng suntukin nang anak ko 'yong kaklase niya'y ngayon naman, napaaway na naman siya? Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng kaunting inis sa anak ko. Ngunit hindi pa rin iyon sapat para magalit sa kanya. Ni hindi ko pa alam kung anong tunay na dahilan.
May sinabi pa si Feya sa kabilang linya pero hindi ko na 'yon naintindihan, basta ko na lang ibinaba ang phone ko at naglakad papuntang elevator. 'Di na ako bumalik sa studio ni hindi nagpaalam kay Jethro ng maayos. Pinadalhan ko lang siya ng mensahe nang sa gano'n ay hindi siya magtaka kung bakit bigla na lang ako nawala. Kung bakit umalis ako sa oras ng trabaho. Hindi ko na rin pi-nu-problema kung sakali mang magalit siya sa akin. Dahil sa oras na 'yon si Ruki ang iniisip ko.
Naiisip ko pa lang ang itsura ni Ruki na may sugat o 'di kaya'y gas-gas ay para na akong sasabog sa sobrang pag-aalala. Gusto ko tuloy mag-teleport papuntang Academy para makita na ang kalagayan ng anak ko.
"Gusto kong ma-expel ang batang 'yan dito sa Academy!"
As soon as I opened the door of the principal's office, halatang galit na galit ang boses ang narinig ko. When I finally entered, I saw how the woman almost pointed her finger to my son who was bent over while playing with his fingers, mabuti na lang at napigilan ng principal. Kumulo ang dugo ko sa nakita kaya mabilis akong lumapit sa gawi nila.
"Calm dowm, Mrs. Aguilar. Daanin natin to sa maayos na usapan 'pag dumating na si Ms. Ferrer—"
"I'm here," I coldly interrupted the principal causing them to turn to me, even Ruki.
I didn't look at them and squatted straight to match my son. Ruki immediately bowed, obviously not wanting to stare at me, obviously afraid of my reaction. I sighed and slowly lifted his face to match the look, but he shook.
"Anak, tumingin ka kay Mommy," malumanay pa ang boses ko. "Baby..." ulit ko pero hindi pa rin tumalab. "Ruki," nagmamatigas pa rin. "Ryuki Yitro Ferrer!"
Dahil siguro batid niyang tumaas na ang boses ko dagdagan pa sa pagbanggit ko sa buo niyang pangalan ay napipilitan niya akong inangatan ng tingin. Wala akong makitang emosyon ni hindi ko mabasa sa mukha niya kung ano ang iniisip niya. Blanko iyon tulad ng ama niya.
"What happened?" tanong ko saka pinagsikop ang pisngi niya sa isa kong palad. "Ruki, answer me."
"Look at my son's face so you know what your son's did!" mariing boses ng babae ang narinig ko sa gilid ko. Mrs. Aguilar?
Napasinghap ako at lumingon sa gawi ng mag-iina. And there, I saw the condition ng kanyang anak. The child had a bruise on the side of his lip, and his right cheek was also red. Agad kong napagtanto ang ginawa ng anak ko sa batang lalaki na ngayo'y mahinang humihikbi.
"Ryuki, why did you do that?" pigil kong boses para hindi tumaas at tinuro ang batang lalaki. "Ryuki..."
Ngumisi si Mrs. Aguilar. "Malamang basagulero iyang anak mo!"