"Zai, may iba ka pa bang linggwahe na alam maliban sa wika natin?" interasado kong binalingan si Zaina na ngayon ay nagmamaneho patungo sa bar na kaugalin nila--namin.
Sa bar nga kami patungo, nag-yaya si Zaina---tutal naman daw sembreak na simula bukas. Pinagbigyan ko na lang dahil tulad ng sabi niya'y sembreak na at madalang ko na siyang makikita. And there is another reason why I came along. Nag pagpaalam–kung iyon ang tawag, 'cause Ryu texted me earlier that they had a gig tonight at the bar. I do not know which bar he is referring to, nagbabakasakali lang naman!
"Kunting english, kunting korean, kunting japanese, kunting spanish." She thought of an answer then glanced at me. "Why did you ask?"
Bumuntong hininga ako at umiling. "Wala lang. Gusto ko lang malaman," ngumiti ako. "May linggwahe ring alam si Ryu na siya lang ang nakakaalam."
Mukhang mali yata iyong sinabi ko nang makitang nakangiting aso si Zaina! Ano ba ang dapat kong gawin, ibigay sa kanya iyong maliit na papel na iniwan ni Ryu noong gabing iyon? No way! Mabuti na iyong dahan-dahan kong itanong sa kanya.
"Tigilan mo ko, Zaina! Sinasabi ko lang naman ang nalalaman ko," I replied defensively.
"Wala naman akong sinabi, huh?!" she still smiling. "Pero totoo, besh, may lahing hapon kasi si Ryu at baka iyon ang tinutukoy mong linggwahe na ginagamit niya."
Napaawang ang bibig ko sa tinuran ni Zaina. Batid ko naman na hindi pure na pinoy si Ryu, ngunit ang 'di ko alam na japanese pala! Bakit 'di ko agad napansin sa itsura pa lang niya?! Maputi, 'yung mata niya--- aba'y malay ko rin ba! Ganoon din naman ang itsura ng mga korean, kagaya ng kay Ryu!
"Ngayon ko lang alam," I answered innocently because that was really the truth.
Ngumising umiling siya. "Ano bang klaseng gusto iyang naramdaman mo kay Ryu? Ba't wala kang ka-alam-alam sa kanya?!"
Napanguso ako sa sinabi niya saka mabilis na umiwas ng tingin. May punto si Zaina, pero hindi naman siguro basihan ang makukuha mong impormasyon tungkol sa kanya para magustohan mo ang isang tao? Nega lang talaga itong si Zaina, ang daming alam!
"Oui, bessy, nililigawan ka na ba ni Mr. Drummer–sungit?" kunot-noong lumingon ako kay Zaina na ikinataas ng dalawa niyang kilay. "Is there something wrong with my question, Tess?"
I only answered with a nod and then went back to what I looked like before. Maybe she didn't ask the wrong question, I just don't want to hear it especially since it won't come true. Because, maybe I'm the only one who likes him.
Zaina and I never talked again but she could not lose her teasing glance at me. Natigil na lang iyon nang makarating kami sa bar. And as before when I came here there are still a lot of people at siguro mas nagdagdagan ngayon dahil sa mga tulad naming estudyante na nagpapasaya.
"Sweetheart!" napatigil ako nang makita ang taong tumawag sa akin ng ganoong endearment!
Isang ngiti na lang ang ginawad ko kay Matt na agad ko ring ikinangiwi ng kurutin ni Zaina ang gilid ng beywang ko.
"What?" taas kilay kong bulong habang hinimashimas ang gilid.
"'Wag kang magpapadala sa pa-sweetheart-sweetheart ng pakboy na iyan. Mas boto ako kay Mr. Sungit," balik niyang bulong na ikinalunok ko. Ano ba ang pinagsasabi niya?!
"Huh?"
Hindi siya sumagot bagkos ay binalingan si Matt. "No, thanks na lang, Matt, kung yayain mong umupo si Tess sa tabi mo. Pinababantayan siya sa 'kin ng boyfriend niya."