Sinipag ako hahaha. Enjoy reading, babies!
"Tulog na si Ruki, babe..." idiniin ko pa ang pagkakapit sa kumot nang naramdaman ko ang pagsampa ni Jethro sa kama, sa tabi ko.
Nagpatulog-tulugan, hindi ako lumikha ng galaw nang sa gano'n ay 'di niya mapansin ang pagpapanggap ko. Matapos sa eksenang pagdadahilan ko kanina sa dagat ay hindi ko na siya nakakausap hanggang ngayon. Kahit ang mga simple niyang tingin, hindi ko malaban, mabilis akong umiiwas animong nakakapaso iyon.
Childish though, but that was really what I did, lalo't nasundan pa ang tawag ni Allison kay Jethro kanina habang naghahapunan kami ng anak niya. Even though I didn't see who the caller was, I knew it was Allison because his smile widely when he saw the caller. I thought he wouldn't answer that but no, wala siyang pangalinlangang tumayo, nagpaalam sa akin—kay Ruki na sasagutin niya muna ang tawag.
Dahil sa pag-iwan niyang 'yon sa amin ni Ruki sa hapag, that's when I realized that Allison was important to him. That he couldn't reject her.
"I know you're not asleep yet, Trishmarie," bumuntong-hininga siya kaya mas lalo pa akong pumikit. Few minutes passed without me speaking, I just felt him approach, kissing my forehead. "Good night..."
Next morning, nagisngan kong wala na si Jethro sa tabi ko kaya nagpakawala ako ng buntong-hininga bilang relief. Buong araw na 'yon, wala akong ibang ginawa kun'di ang ilibang sa pag-ske-sketch ang sarili. Ni hindi ko magawang sumali sa pinag-gagawa ng mag-aama, hinayaan ko na lang sila. Nang sumapit ang hapon ay naisapan ko namang buksan ang social media na naging dahilan para lingunin ang gawi nina Jethro.
I was shocked to see Ruki's face on my news feed. Those are just two pictures of my son but it keep coming back to my news feed. Not to be missed. Out of shock, mixed with nervousness, I read the caption—one of the posters.
'He's handsome, right? —Jethro
My gosh! Kung hindi ka maaakin Jethro ay sa anak mo lang ako!'
Gusto kong matawa sa caption ng babaeng batid kong fans ng Nexus ngunit 'di ko magawa. I’ve seen a few more post like that, they reposted Jethro’s post and they put a caption. Napabuga ako ng hangin nang wala akong makitang bad comment, halatang lahat ng fans nila'y nakasuporta lang. And I'm happy for that.
"I would have let you know that if you'd just talked to me last night..." I almost jumped in shock when Jethro spoke behind me.
"Huh?" napakurap-kurap ako saka hinanap si Ruki sa tabi niya ngunit wala akong makitang Ruki.
"He's already in his room," batid kong si Ruki ang tinutukoy niya kaya tumango ako. "You're probably not mad at me for doing that, are you?" tinuro niya ang cellphone kong hawak.
"Ah-hmm," tugon ko at napasulyap na rin do'n sa cellphone. "Medyo nagulat lang..."
Tumango-tango siya, lumapit sa tabi ko saka umupo. "Have I done anything wrong to you?" mababa ang boses niya nang itanong 'yon dahilan para mapaawang ang labi ko. "I don't want to leave later that you're mad at me, Trishmarie."
"Hala! Hindi naman ako galit—"
"Pero iba ang pinapakita ng galaw mo, Trishmarie. Hindi tugma sa mga tugon mo," madilim ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
Marahan akong nagyukong napakagat sa pang-ibabang labi. Totoo naman ang sinabi kong hindi ako galit sa kanya. Wala akong galit sa kanya, sadyang ayaw ko lang talaga sa naramdaman ko nitong nakaraan. May iba sa akin.
"Kahit pa magkumpisal ako ngayon sa simbahan ay hindi talaga ako galit sa 'yo..."
"I don't want to believe you, Trishmarie. I'm afraid you might be mad and you're just hiding it. You don't want to tell me. Natatakot ako na baka magpalik ko rito ay wala na kayo, you'll leave me again..." nagpakawala uli siya ng buntong-hininga kaya sumulyap ako. Nagbaba siya ng tingin sa kamay niya.