"Jethro..." sambit ko sa pangalan niya na ang akin pa ring tingin ay nasa kamay niyang nakahawak.
Napabuntong hininga siya at pagak na ngumisi. "Jethro," panggagaya niya sa'kin.
Napalunok akong nakagat ang aking pangibabang labi at yumuko. Namali yata ang pagbanggit ko sa pangalan niya. Marahan akong napayuko at napako ang tingin sa hawak niyang segarilyo nang naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya.
"I mean---"
"Why are you out here, Trishmarie?" tanong niya na ikinaangat ko ng tingin sa kanya. "Are you waiting for someone? Si Matt?"
Nawala ang naramdaman kong kaba at napalitan niyon ng pagtataka sa tanong niya. Kung bakit niya 'yun natanong wala akong alam. Alam kong iyon ang nasaisip niya na si Matt ang hinintay ko rito ngunit ang totoo ay siya, siya ang hinanap ko. Hindi ko rin batid kung bakit si Matt ang tinutukoy niya, hindi ko alam.
"Just wait for Matt inside. Don't come out here, there might be something---"
"Ang daldal mo 'ata ngayon?" naguguluhan kong puna, ngumisi. "Hindi si Matt ang hinintay ko rito. May hinahanap akong tao..."
He frowned and sighed. "Besides Matt, do you have any other men?"
"What?!" mas lalo pa akong naguguluhan ngunit pinagtaasan niya lang ako ng kilay. "Ikaw ang hinanap ko..." pang-aamin ko.
Mabuti na lang na amin ko kisa naman magisip siya ng iba. Nakita ko ang pagiba ng kanyang emosyon sa mukha. Nawala na ang pagkakunot at pagtaas niya ng kilay at napalitan ng pagngisi niya. 'Di ko alam ngunit naiinsulto ako sa simpleng ngisi niya na animong hindi naniniwala, na biro lang iyong sinabi ko.
Pinanlakihan ko siya ng mata at inismiran. "Ano? Kung ayaw mong maniwala 'di 'wag," bulalas ko. "Mabuti pa ngang do'n na lang ako sa loob."
Kunot-noong ihahakbang ko na sana ang mga paa ko nang mahawakan niya uli ang braso ko. Bumuntong hiningang tumingin ako sa kanya na wala ng emosyon ang mukha, seryoso. Sa lahat ng nakikilala ko ay siya lang ang naiiba, na walang ibang pinapakitang emosyon ang mukha, nakaperminte lang. Gusto ko na sanang tanggalin iyon ngunit bumuntong siya kaya hindi ko natuloy.
"Don't go back there," bumuntong hininga. "I'll take you home."
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. "Ano? Hindi pa ako nagpaalam kay Zaina, kaya 'di pa ako uuwi."
"Call her."
"Ayoko," ngumuso ako.
"Is it really your friend or Matt?" bulong niya lang iyon ngunit narinig ko naman.
Inis kong inirapan siya saka dinukot ang cellphone sa bulsa. Kung ano-ano na lang ang lumabas sa bibig niya. 'Di ko batid kung bakit Matt ang bukang bibig niya ngayon.
Bumuntong hiningang inilagay ko ang cellphone sa tainga nang mag-ring ito. Ngunit laking gulat ko na lang nang agawin ni Ryu ang cellphone sa akin. Ilang segundo akong napatanga sa ginawa niya. At huli na para kunin ko ang hawak niya nang nagsimula siyang magsalita.
"Jethro Yanez..." aniya sa kabilang linya na ang tingin niya ay nasa akin. "I'm going to take your friend... She's sleepy...Okay, thanks."
"Ba't mo ginawa 'yun?" tanong ko at hinablot ang cellphone sa kamay niya.
"Maybe your conversation will be longer if you still talk," he said. "Let's go. You might get cold in what you're wearing."
"May problema ka ba sa suot ko, ha?"