Chapter 1

2.2K 48 7
                                    


"Hay naku. 'Wag mo munang tapusin iyang design-design na 'yan," reklamo niyon ni Zaina.

Napabuntong hininga akong nag-angat nang tingin sa kanya. Nakangiti siyang tinukod ang isang siko sa mesa saka tinitigan ako. Para siyang si satanas na palaging mangungumbense. Kanina niya pa ako kinukulit tungkol sa project ko. Kung 'di lang maraming estudyante na tumutungo rito sa mga bencher ay baka napatid ko na siya.

"Wala ka bang klase ngayon?" tanong ko.

She smiled. "Remember, friday ngayon at alas tres ang huling klase ko. Kaya nandito ako sa harapan mo."

"Gano'n naman pala, e! Ba't 'di ka pa umuwi? You see, I'm finishing something ta's ito nambubulabog ka?!" sabi ko ngunit itinuon ang tingin sa hawak kong pen.

"'Di nga ako uuwi hangga't hindi ka sasama sa akin mamaya!" Bumuga ng hangin. "'Di ba next week pa ang deadline niyan? Kahit minsan naman, Tess, isipin mo rin ang social life mo. 'Di 'yung halos nasa sketch pad na ang lahat ng atensyon mo."

"Problema mo ba sa social life ko?"

"Bo...ring," pandidiin niya.

"Boring? At kung sasama ako mamaya sa iyo sa bar, 'di na magiging boring, gano'n?" panunutya kong tanong.

"It looks like that."

Sinamaan ko siya ng tingin habang inaayos ko ang aking gamit na nakalatag sa mesa. Wala namang patutunguhan ang project ko kung nandito ang kaibigan ko at baka magiging pangit pa ang kalabasan. Mas mabuting sa pag-uwi ko na lang ito tatapusin 'yung walang sagabal sa akin. At tungkol naman sa bar. Kahapon pa lang ay sinabihan na ako ni Zaina na isasama niya ako do'n mamayang gabi. Hindi ako sumang-ayon kaya ngayon kinukulit niya ako. Kaya ayaw kong sumama dahil baka may magrambulan sa loob. Natatakot din ako dahil ito ang unang pagkakataon na papasok ako bar kung sasama ako.

"'Di mo ba talaga ako titigilan, ha?" nagtaas ko ng kilay nang pagbukas ko sa pinto ng apartment ko ay si Zaina ang sumalubong. At batid kong hindi siya umuwi sa condo niya dahil nakauniforme pa.

"Please, Tess. Samahan mo naman ako," napanguso. "Friday naman ngayon, walang pasok bukas. Kung iniisip mo ang project mo, may sunday, monday hanggang deadline."

Bumuntong hininga ako. "Come in."

"'Di ako papasok kung hindi mo ako sasamahan."

"I am easy to talk, Zai," akmang isasara ko na ang pinto nang pigilan niya.

"Ang sama mo!" nakangusong bulyaw niya saka padabog na pumasok.

Papasok naman pala, arte pa. Nang matapos kong sarhan ang pinto ay pumunta ako sa kinauupuan ni Zaina, umupo ako sa tapat niya. I smiled when I saw her eyebrow raised.  That I know she was disgusted with.

"Palagi ka ngang may hawak na color pen, pen, lapis, ballpen, sketch pad. Pero wala namang ka kulay-kulay ang college life mo. Super boring!" Bigla niyang salita.

Nandito na naman siya sa drama niya na kahit kurso at social life ko ay pinapakiaalam niya.

"Kung sakaling sasama ako. Ano naman ang gagawin ko ro'n? Panunuorin kayong maglaklakan? Panunuorin kayong magsasayawan? So, what am I, audience?" inis kong tanong.

"Are you coming?"

"Kung sakali, Zai. Kung sakali," umirap ako. "Sagutin mo 'yung tanong ko."

"Hindi ka audience, ano ka ba! Hindi naman ako magsasayaw, iinom ako ng little," matamis siyang ngumiti, ngumuso. "I just really want you to socialize with people," aniya.

Nexus Band #2: ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon